Ano nga ba ang epekto ng panonood ng telebisyon sa mga bata pati na rin mga magulang nila?
Hilig ng ibang magulang na iwanan sa harap ng TV ang kanilang mga anak para mawili ito rito. Ginagawa nila itong paraan para mag break sa lahat ng pagod sa loob ng bahay.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral sa epekto ng panonood ng telebisyon sa mga bata
- Epekto ng television ads
- Tatlong uri ng parent-child consumer-related communication
Ngunit ayon sa isang pag-aaral mula sa University of Arizona, napag-alamang delikado ito para sa mga magulang. Sinasabi na sa panunuod madalas ng telebisyon ng kanilang mga anak, mas nagiging stress din ang mga magulang.
Epekto ng panonood ng telebisyon sa mga bata: Ads!
Isa sa pinaka nakikitang dahilan nito’y ang walang katapusang advertising sa telebisyon. Isa lang naman ang target nila ‘di ba? Ang magbenta.
Para sa researcher ng naturang pag-aaral na sina Matthew Lapierr at Eunjoo Choi, mas madaling i-target ang mga bata sa panahon ngayon ng kanilang ads. Ito’y dahil madali lang para sa mga batang ito na magpabili sa kanilang mga magulang.
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 433 na mga magulang na may 2 years old hanggang 12 years old na anak. Pinili ng mga researcher ang age gap na ito dahil sa edad na ito mas madaling makumbinsi na bumili ng mga bagay at pilit na magpapabili sa kanilang magulang kayaga ng napanood nila sa TV.
Ang nakitang resulta rito ay kapag hindi pumayag na bilhin ng nanay ang bagay na pinapabili ng anak, ang tanging ginagawa nito ay umiyak o magwala dahil hindi binili ang kanilang gusto. Ayon sa mga researcher, isa itong panimula ng pagkakaroon ng stress ng mga magulang dahil sa panonood ng TV ng kanilang mga anak.
Paano nahihikayat ng TV ads ang mga bata na bumili?
Madaling makuha ang atensyon ng mga bata dahil sa maliliwanag na kulay, masayang tugtog at iba’t-ibang karakter na tipikal na nakikita sa mga TV ads. Ang mga batang nakakapanood nito ay agad na mapapatingin sa tv at mae-enganyo sa produktong nakikita sa screen.
“Advertising for kids is generated to makes them feel excited. They do a lot of things in kids’ advertising to emotionally jack up the child,” ayon sa pag-aaral ni Lapierre mula sa University of Arizona. “Children don’t have the cognitive and emotional resources to pull themselves back, and that’s why it’s a particular issue for them.”
Nakita pa na nag-iisip ng mas creative ang mga advertiser para magbenta ng kanilang produkto. Pumapasok rito ang isang tactic katulad ng product placements.
BASAHIN:
STUDY: Ito ang masamang epekto sa utak ng bata ng TV at cellphone
Bakit hindi dapat bigyan ng gadget ang iyong anak kapag siya ay umiiyak
6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media
Epekto ng panonood ng telebisyon: Paraan para ipaliwanag ang shopping sa iyong anak
Bukod sa isang solusyon na pagbabawas ng screentime sa mga bata, may ibang paraan para magsimula ng conversation sa iyong anak at pag-usapan ang “consumerism” sa mga bata. Narito ang tatlong pangunahing uri ng parent-child consumer-related communication na maaari mong ipaliwang sa iyong anak.
Nakita nila sa pag-aaral nila ang:
Collaborative Communication
Ito ay isang paraan kung paano kausapin na iyong anak at hingiin ang kanilang opinyon. Katulad na lamang ng “Makikinig ako sa iyong advice sa produkto o brand na ito.”
Control Communication
Ito ay isang paraan ng pagkontrol sa isang pangyayari at hindi pagpayag sa gustong ipabili ng iyong anak. Katulad na lamang ng “‘Wag mo akong aawayin kapag sinabi kong ayokong bilhin ang product na gusto mo.”
Advertising Communication
Ito ay isang paraan kung paano kausapin ng malalim ang iyong anak tungkol sa naturang brand o produkto na kanilang gusto. Maaaring sabihin na “Ang mga commercial ay maraming sinasabi para lang mapabili ka nila ng kanilang ineendorso.”
Sa tatlong paraan na ito, mas nakita nilang epektibo ang Collaborative Communication para mabawasan ang stress ng mga magulang sa walang katapusang pamimilit na bumili ng isang bagay ng kanilang anak dahil napanood ito sa telebisyon.
Translated with permission from theAsianparent Singapore