Masamang epekto ng plastik sa kapaligiran at kalusugan
Marami sa atin ang nagre-refill ng mga plastik na bote ng tubig. Sa ating pag-iisip, wala itong masamang nadudulot at nakakatulong pa sa pagbawas ng basura. Ngunit, ang gawain na ito para sa hydration ay nakakasama sa kalusugan. Ano nga ba ang mga epekto ng plastik sa kapaligiran at mismong kalusugan natin? Alamin natin ang mga nilalaman ng plastik na bote at ang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.
Masamang epekto ng plastik sa kapaligiran at kalusugan | Image from Unsplash
BPA
Ang sangkap na Bisphenol A (BPA) ng mga plastik na bote ay nagdudulot ng hindi magandang epekto ng plastik sa kapaligiran at mismong kalusugan natin. Ang kemikal na ito ang nagiging dahilan ng pagtubo ng mga nakakasamang bacteria sa mga cracks ng bote. Ito rin ay makikita sa mga plastik na straw at maaaring magdulot ng mga malalang problema sa kalusugan.
Ayon sa CEO ng PuriBloc technology na si Kent Atherton, marami ang nakakagawa ng pagkakamali na ito. Ang pagaakala ng mga tao ay sila ay nakakatipid. Lingid sa kaalaman ng karamihan, mas mabigat ang maaaring maging mga gastusin para sa pagpapagamot.
Estrogenic chemicals
Mayroon din namang mga lumalabas na BPA free na mga produkto. Subalit, maging ang mga ito ay hindi ligtas na gamitin.
Ang mga manufacturers ay nagpapalit ng ilang estrogenic chemicals. Hindi ito kasing kilala ng BPA ngunit maaari ring magdulot ng mga parehong epekto sa kalusugan. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa hormones ng mga tao.
Masamang epekto ng plastik sa kapaligiran at kalusugan | Image from Unsplash
Microplastic contamination
Isang pag-aaral ang isinagawa sa State University of New York sa Fredonia. Dito, sinuri ng mga scientists ang 259 na mga bote. Kanilang nakita na ang nasa 93% ng mga bote na sinuri ay nagkaroon ng microplastic contamination.
Natutunan din dito na ang mga single-use na plastik na bote ay karaniwang gawa sa polyethylene terephthalate (PET). Ang mga plastik na bote na gumamit ng kemikal na ito ay nasasabing ligtas gamitin nang isang beses lamang. Ngunit, kung muling gamitin, maaari itong makapag-kontamina ng tubig kapag na initan o nagasgasan.
Bacteria at germs
Ayon sa propesor na si Stephanie Liberatore, ang mga plastic na bote ay pinamamahayan ng mga bacteria at germs. Ang mga ito ay karaniwang napapasa sa bote mula sa mga kamay at bibig. Nangyayari rin ito sa kahit anong maaaring inuman ngunit dahil maliit ang opening ng plastik na bote, mahirap itong linisin. Dahil sa mamasa-masang kapaligiran, ito ay tinutubuan ng mga bacteria at germs na makakapagdulot ng masamang epekto sa kalusugan.
Masamang epekto ng plastik sa kapaligiran at kalusugan | Image from Unsplash
Dapat iwasan ang muling paggamit ng mga plastik na bote. Dapat ay itapon na sa tamang basurahan ang mga ito matapos inuman at hindi na muling gamitin pa.
Kung nais ng inuman na muling magagamit, kumuha ng mga BPA free na bote o kaya ay ang mga gawa sa stainless steel o salamin. Hindi lamang ito makakabuti sa kalusugan, makakatulong din ito sa kalikasan.
Pagtuturo ng tamang pagtapon sa mga bata
Hangga’t bata pa lamang ang iyong anak, turuan na agad ito ng tamang pagtapon hindi lamang ng mga plastic kundi kahit na maliliit na basura. Kagaya ng balat ng candy na lagi nilang nakikita. Sa ganitong pamamaraan makakasanayan nila ito hanggang sa paglaki.
‘Wag isipin na ang maliit na basura ay maliit lamang. Dahil kung ito ay pagsasamasamahin, malaki ang magiging epekto sa ating kapaligiran at kalusugan ng basura na nagmumula sa maliit na plastic.
Makakatulong sa pagbabawas ng konsumo ng plastic ang pagdadala ng mga eco bag kapag ikaw ay mamamalengke o mag grocery. Imbes na plastic ang lagayan bakit hindi mo subukang paper bag o eco bag ang iyong dalhin? Makakatulong ito ng malaki sa ating environment.
Magkakaroon ng pagbabago kung sisimulan natin sa ating mga sarili.
Source:
Reader’s Digest
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!