Coronavirus on surfaces, gaano nga ba katagal namumuhay ang virus sa iba’t ibang objects?
Coronavirus on surfaces
Dahil sa air droplets maaaring mahawa sa sakit na coronavirus o COVID-19, mahalagang malaman natin ito. Kapag nakahawak ka sa isang surface na naubuhan o nabahingan ng isang taong positibo sa sakit at inihawak mo ito sa iyong mukha, maaari ka ring mahawa. Kaya ang tanong, maaari nga bang tumagal ang virus sa iba’t ibang surface katulad ng plastic, doorknobs at tabletops?
Ayon sa pag-aaral, maaaring tumagal ang virus sa mga hawakan ng hagdan, doorknobs o kahit sa pera. Pero ang tagal nito ay depende sa temperature sa paligid, humidity at uri ng surface.
Image from Freepik
Isang study naman mula sa National Institutes of Health ang nagsabing puwede mag-stay ang virus sa plastic ng hanggang tatlong araw at ilang oras naman sa copper at cardboard. Mas matagal naman itong nakakalagi sa mga kahoy katulad ng mesa. Higit sa lahat, napag-alamang kaya rin mabuhay ng virus sa hangin ng hanggang tatlong oras.
Image from Freepik
Ang iyo ring cellphone na may aluminum at glass ay kailangang i-disinfect dahil maari rin itong mag-carry ng mga particles ng virus.
Kaya naman dapat pa rin tayong mag-ingat hindi lamang sa human contact kundi pati na rin sa mga gamit sa ating paligid. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang hugasan palagi ang kamay at ‘wag hawakan ang mukha at bibig.
Bagama’t hindi namamatay ang virus sa mga lugar kung saan mainit ang panahon. Mas mabilis pa rin itong kumalat sa mga lugar na malamig ang panahon. Ang layer kasi ng virus na nagpapatagal sa buhay nito ay napoprotektahan kapag malamig ang panahon.
Paano pananatilihing malinis ang mga gamit sa bahay
Bukod sa madalas na paghuhugas ng iyong kamay, importante rin na i-disinfect ang mga gamit sa iyong paligid. Punasan ito ng basahang may tubig at alcohol. Gawin ito nang kahit dalawang beses sa isang araw para makasigurong patay ang mga germs na nakakapit dito.
Mas mabisa naman ang mga alcohol kaysa sa hand sanitizers kaya kung maaari ay gumamit lamang nito.
Image from Freepik
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
- COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
SOURCE:
Business Insider
BASAHIN:
Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days
COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito
Face shield hindi sapat na proteksyon sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!