Epekto ng pressure ng magulang sa anak, isang dalagita nagpakamatay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Suicide note ng isang teenager na nagpakamatay dahil sa pressure na dulot ng mga magulang niya
- Sino ang puwedeng tawagan kung nakakaranas ng suicidal thoughts o depresyon
Epekto ng pressure ng magulang sa anak
Hand photo created by 8photo – www.freepik.com
Mahalaga na maging competitive ang ating mga anak sa kanilang academics o pag-aaral. Kaya naman marami sa atin ay ginagawa ang lahat para mailabas ang best nila. Pero may ilang magulang ang sumusobra at nagbibigay ng labis na pressure sa kanilang anak na lubhang nakakasama.
Sa katunayan, ayon sa pag-aaral, ang parenting pressure ay maaaring magdulot ng anxiety, depression, substance abuse, suicidal thoughts at marami pang negatibong epekto sa isang bata.
Pero sa kabila nito, maraming magulang ang hindi naiintindihan o pilit na binabalewala ang epekto ng parenting pressure sa kanilang anak.
Isang halimbawa nito, ang nangyari sa 14-year old na dalagitang nag-suicide dahil sa labis na pressure na ibinibigay ng mga magulang niya sa kaniya.
Sa pamamagitan ng isang suicide note ay idinetalye ng teenager ang pinagdaraanan niya at paano ito nagtulak sa kaniyang magpakamatay.
Ayon sa dalagita, ay hindi niya na kaya pang pakinggan ang mga masasakit na salitang sinasabi ng kaniyang magulang. Partikular na kapag mababa ang score niya sa mga exam niya sa eskwelahan.
Ito ang nakasaad sa sulicide note ng teenager na naka-address sa kaniyang mga magulang.
Suicide note ng 14-anyos na nagpakamatay dahil sa parental pressure
“Ikinararangal ko na nakilala ko kayo sa buhay kong ito. Pero kung magkakaroon ako ng panibagong buhay sana ay hindi na kayo ang maging magulang ko.” Ngayon, tanggap kong hindi ninyo ako mahal bilang ako at bilang inyong anak. Ang mahal ninyo lang ay iyong ako na isa sa top 10 ng aming klase, ang ako na kabilang sa top 20 ng mga estudyante sa aming school year at ako na nakakakuha ng perfect grades sa exam.
Ayon pa sa sulat ng teenager, ang masayang elementary days at relax na preparations para sa middle school ay hindi niya naranasan. At paulit-ulit siyang sinasabihan ng “hopeless” o wala ng pag-asa ng kaniyang mga magulang na kaniyang pinaniniwalaan.
Naka-detalye rin sa sulat na iniwan ng teenager kung paano siya naging biktima ng tiger parenting.
“Nagbigay ako ng karangalan sa ating pamilya, pero naging biktima ng tiger parenting. Sa harap ng inyong mga kaibigan ay kailangan kong maging magalang at mabait. Ito ang ginagawa ko. Pero kapag wala na sila puro masasakit na salita at insulto ang naririnig ko mula sa inyo.
Dalagita nakakaranas din ng pisikal na pang-aabuso
Ayon pa sa dalagita, maliban sa masasakit na salita, siya ay nakakaranas din ng pisikal na pang-aabuso mula sa kaniyang mga magulang. Tulad nalang ng pananampal at pamamalo ng mga ito gamit ang sinturon o electric cord.
“Sa gabi, hindi ako makatulog. Dahil bago matulog ay kailangan ninyo muna akong sigawan at saktan. Kahit nakahiga na ako ay hindi pa rin ako mapalagay lalo na sa tuwing naririnig ko pa kayong gising at kumikilos sa kabilang kwarto. Sa pagkakahiga ko ay naalala ko rin ang mga miserableng dinanas ko sa mga kamay ninyo ng araw na iyon.”
Ito ang pagbabahagi ng teenager sa kaniyang suicide note na kung saan ipinunto niya rin ang schooling system na mayroon sila at ang pressure na ibinibigay nito sa mga batang tulad niya.
“Sabi nila ang mga bata ay nababaliw dahil sa pressure sa school. Pero hindi dahil sa pressure ng mga magulang na magkaroon ng matataas na grades ang anak nila. Ngayon, naiintindihan ko na. Wala kayong alam, hindi ninyo alam ang mali at tama. Hindi ninyo ito alam noon at malabong malalaman ninyo sa darating na panahon. Nababago ang takbo ng mga isip at panahon ng mga bata. Pero patuloy ninyo kaming pinalalaki sa paraang kinalakihan ninyo. Lagi ninyong sinasabi, “Noong ganyang edad namin, hindi namin nararanasan ang mga nararanasan mo. Lahat ng mayroon ka ngayon ay wala kami noon. Kaya dapat magsumikap ka. Kaya dapat kailangan mo itong gawin at kailangan mong maging ganito.
Hindi ko maintindihan kung paano ninyo nasasabi ang mga salitang iyon. Kung aware lang kayo sa pagkakamali ninyo bilang magulang, hindi kami magiging ganito.”
School photo created by ViDIstudio – www.freepik.com
Dalagita sa mga magulang niya: “You are not fit to raise a daughter.”
Dagdag pa ng teenager sa kaniyang suicide note, ang mga magulang niya ay hindi fit na magpalaki ng isang anak.
“You are not fit to raise a daughter, maybe a son can take it better. Hindi ko ito kasalanan lahat. Binigay ko na ang lahat ng makakaya ko at hindi ko na kayang tiisin pa ang pahirap na ginagawa ninyo.”
Tinapos ng dalagita ang kaniyang suicide note sa mga salitang ito.
“Ang pagsira sa isang tao ay napakadaling gawin. Ang kailangan mo lang ay sirain ang pagkabata niya. Mula doon ay masisira na siya hanggang sa paglaki niya.
Sinira ninyo ako, sana huwag ninyong gawin ang ginawa ninyo sakin sa kapatid ko. Hindi ito isang pananakot, masyadong mataas ang expectations ninyo sakin. Your ideal daughter was too perfect. I couldn’t become her.’
BASAHIN:
HS student, nag-suicide dahil sa pag-aalala ng gastusin sa online class
8-year-old refuses to attend school, threatens suicide on 33-story building
Reaksyon ng mga netizens
Ang suicide note na ito ay naging eye-opener para sa maraming magulang na pine-pressure ang kanilang anak sa pag-aaral at iba pang mga bagay.
May ilang netizens din ang naka-relate sa pinagdaanan ng dalagita at sila ay nag-share rin ng sarili nilang kuwento. At kung paano nila hinaharap ang depression na kanilang nararanasan.
“Nasira ang buhay niya. Nakakalungkot ito.”
“Maraming mga bata edad 8-9 ang nakakaranas ng parehong sitwasyon. At sa bata nilang edad ay naiisip na nilang magpakamatay.”
“Suicidal ako noong 7-9 na taong gulang palang ako dahil sa pambubully na nararanasan ko mula mismo sa mga teachers ko.”
Ito ang ilan sa pagbabahagi ng mga netizens sa kanilang reaksyon at karanasan.
Ang suicide ang pang-apat na dahilan ng pagkamatay ng mga teenagers
Ayon sa World Health Organization o WHO higit sa 700,000 na katao ang pinipiling kitilin ang kanilang sariling buhay taon-taon. Marami rin ang nag-attempt na mag-suicide pero sa kabutihang palad ay nakaligtas at hindi nagtagumpay.
Noong 2019, naitalang ang suicide ang top 4 leading cause of death ng mga teenagers na edad 15-29 years old sa buong mundo.
Hotline numbers for suicide prevention
Kung nakakaisip ng suicidal thoughts o may kakilalang nakakaranas nito, ay may mga numerong maaring tawagan na handang tumulong sayo.
Ang mga ito ay ang sumusunod:
National Center for Mental Health
Crisis Hotline
Luzon-wide landline toll-free: 1553
GLOBE/TM Subscribers: 0966-351-4518, 0917-899-8727, 0917-899-USAP
SMART/ SUN/ TNT Subscribers: 0908-639-2672