Dahil sa pagalala sa na gastos sa kaniyang online class, isang high school student sa Sto Domingo, Albay ang nag suicide dahil dito. Department of Education, naglabas ng pakikiramay sa pamilya ng Grade 9 student.
High School student sa Albay, nag suicide dahil sa pag-aalala ng gastusin sa online class
Isang high School student sa Sto. Domingo, Albay ang napabalitang nag-suicide. Ito ay dahil sa pagaala sa gastusin at bayarin sa darating na online class sa August 24. Ang Grade 9 student na ito ay nakatira sa Brgy. Fidel Surtida.
Image from Unsplash
Kwento ng ina, matagal na sa kaniyang sinasabi ng anak ang tungkol sa gastusin sa internet fees para sa darating na online class. Matatandaang nasa ilalim ng Blended Learning muna ang mga estudyante na ginagamitan ng internet. Ito ay dahil bawal pa ang face-to-face class dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.
Napabalita rin na noong mga nakaraang linggo, iniligtas ng grade 9 student ang kanyang kaibigan dahil rin sa tangkang pagpapakamatay.
Ang ginawa ng binatilyo ay niyakap nito ang kaibigan ng makita niyang nakabitay ito sa kanilang bahay at ngayon, ito ay naka survive.
“Mga 1st week ngayong Hunyo, niligtas nito ang kanyang kaibigan sa tangkang pagpapakamatay. Yung nangyari, nakita niyang nakabitay ang kaibigan, malapit lang kasi yung bahay nila, tapos niyakap saka humingi ng tulong para maalis. Naka survive yung kaibigan,”
Ang insidente ay kinumpirma ng Bicol regional director ng Department of Education na si Gilbert Sadsad. Dagdag pa nito na namomroblema ang pamilya ng estudyante sa gabi-gabing lamay dahil hindi sapat ang pera nito.
Image from Unsplash
Sa opisyal na pahayag nito, sinabi niyang magbibigay sila ng sapat na tulong sa pamilya nito.
“As soon as we learned of the incident, we notified the Schools Division Superintendent of Albay, and requested her to speak with the family of our learner as well as conduct a validation of the circumstances relative to the incident. Once we receive the Incident Report from the SDO of Albay, we will respond with the necessary actions for the victim and his family. We will also be sending our personnel who can provide pyscho-social intervention to his siblings who might also be learners of our schools in Sto. Domingo. We will also coordinate with the DSWD for any psycho-social aid and assistance for the bereaved family,”
Samantala, nagbigay rin ng pakikiramay ang Department of Education tungkol sa nangyari sa grade 9 student na nag-suicide sa Albay.
“Noong Hunyo 17, naiparating sa amin ang isang nakalulungkot na balita kaugnay sa pagpapakamatay ng isang mag-aaral mula sa Sto. Domingo, Albay. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpapaabot ng masidhing pakikiramay para sa mga naulila at naiwan. Ang Kagawaran ay nag-aalay ng panalangin para sa pumanaw.”
Dagdag pa nila na ginagawa nila ang lahat para makahanap ng paraan para ipagpatuloy ang edukasyon ng bawat mag-aaral. Ito ay kahit na nahaharap tayo sa krisis ng COVID-19. Kaya naman ipinatupad nila ang ‘Blended Learning’ o ‘yung alternatibong paraan ng pag-aaral. Ito ay dahil bawal pa rin ang face-to-face learning sa mga paraalan dahil sa banta ng COVID-19.
Malaking bagay ang paggamit ng gadgets at internet para maisagawa ang alternatibong paraan na ito.
“Ang Kagawaran ay naghahanap ng paraan upang magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng krisis sa pamamagitan ng paggamit ng alternative learning delivery modes sa kadahilanang ang face-to-face classes ay hindi muna pahihintulutan. Mariin naming pinaaalala sa mga magulang at mag-aaral na ang online learning ay isa lamang sa mga pagpipilian. Ang mga gadget o internet access ay hindi requirement upang makapagpatuloy sa pag-aaral.”
Nagpaalala pa ang DepEd na hindi inuubliga ng kanilang kagawaran ang mga magulang o estudyante na bumili ng gadgets o connection.
“Pinapaalala muli ng Kagawaran sa mga magulang at estudyante na hindi kinakailangang bumili ng anumang gadgets, koneksyon sa internet, o makisali sa anumang programa para sa pag-aaral sa darating na school year. Muli, hindi lamang online learning ang natatanging option. Ang mga tao o grupong pilit na sinasabi na ang online learning lamang ang option ay hindi sapat ang kaalaman ukol sa learning continuity at pilit na inililigaw ang publiko.”
Kasalukuyan pa rin nilang pinaghahandaan para maging epektibo ang paggamit ng TV, radyo, online, printed modules na gagamitin ng mga estudyante. Nakikipagugnayan na rin sila. sa mga LGU sa pagsasaayos ng alternatibong learning delivery modes.
Basahin ang buong pahayag ng Department of Education dito.
Source:
Manila Bulletin
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!