Namigay ng libreng gadgets ang QC at Manila para sa mga nangangailangang students ngayong school year 2020-2021.
Naaprubahan na rin ang Php 2.9 billion na allowance para matuloy ang planong ito sa Quezon City.
Mga students sa QC at Manila, mabibigyan ng libreng gadgets, printed modules at internet allowance
Ayon sa mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte, halos 430,000 na inaasahang mag-aaral na mag eenroll ngayong school year 2020-2021. At dagdag pa nito, makakatanggap ng learning materials kasama na ang mga gadgets, printed modules ang mga estudyante. Kasama rin dito ang internet allowance para sa kanila.
“All 430,000 enrollees in Quezon City will be given learning materials, including gadgets, printed modules and an “internet allowance.”
Makakatanggap ng mga module na nasa flash drive at iba pang kakailanganing printed materials ang mga kinder at grade school students. Habang makakatanggap rin ng tablet ang mga junior at senior high school students ng Quezon City.
Mga students sa QC at Manila, mabibigyan ng libreng gadgets, printed modules at internet allowance | Image from Freepik
Don’t worry kina teacher dahil makakatanggap rin sila ng internet allowance at hindi lamang ang mga estudyante.
Para naman sa mga estudyante ng Manila, tinatayang umaabot sa mahigit 990 million ang kakailanganin para makapagbigay ng 110,000 na tablets sa mga mag-aaral. May kasama na rin itong SIM cards na mayroong 10 gigabyte at 2 GB para sa YouTube bawat buwan.
Para naman sa mga teachers ng Manila, tinatayang nasa 11,000 na laptop ang maibibigay para sa kanila. Makakatulong ito sa online learning na ipapatupad ngayong school year 2020-2021.
Balik klase ngayong August 24
Para sa darating na pasukan ngayong August 24, ang mga school ay sasailalim sa Blended learning.
Ang sistema na ito ay ginagamitan ng internet, TV o radio para kahit nasa bahay pa rin ang mga bata, sila ay natututo pa rin.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Mga students sa QC at Manila, mabibigyan ng libreng gadgets, printed modules at internet allowance | Image from Freepik
Dagdag pa ni Department of Education Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Bawal muna ang face-to-face learning para sa kapakanan ng mga studyante. Dagdag pa ni Secretary Briones, saka papayagan ang face-to-face kapag naayos o hindi na malala ang sitwasyon. “shall only be allowed when the local risk severity grading permits, and subject to compliance with minimum health standards.”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mga students sa QC at Manila, mabibigyan ng libreng gadgets, printed modules at internet allowance | Image from Freepik
Sa kabila ng desisyon ng DepEd sa Blended learning, tutol pa rin si President Duterte dito.
Ayon sa kanya, “Walang vaccine, walang eskwela.” ito ang mga binitawang niyang salita.
Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.
Ingat po tayo moms and kids!
Source:
DepEd Philippines
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!