Ang epekto ng softdrinks sa katawan ay hindi lingid sa kaalaman nating may dulot na kapahamakan sa ating kalusugan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga epekto ng softdrinks sa katawan at ating kalusugan.
- Paano maiiwasan ang pag-inom ng softdrinks.
Ano ang softdrinks?
Ang softdrinks ay isang inumin na naglalaman ng carbonated water, sweetener o artificial flavoring. Kung sobra sobra ang pag-konsumo ng softdrinks sa katawan, ito ay may masamang epekto. Lalo na kung mataaasang sugar level ng taong umiinom nito. Ang ginagamit kasing sweetener ng softdrinks ay may mataas na amount ng sugar, fructose corn syrup o sugar substitute.
Maaari ring makaapekto ito sa bato ng tao.
Epekto ng softdrinks sa katawan
1. Nakakataba ang pag-inom ng softdrinks.
Para sa mga health conscious lalo na sa mga nagpapayat ito ay may taglay na mataas na level ng calories at sugar na hindi maganda para mapanatili ang fit at sexy figure ng katawan.
Ang 20-ounce bottle lang nito ay nagtataglay na ng 17 teaspoons ng sugar at 240 calories na kakailanganin mo ang isang oras na paglalakad para maburn-off ito sa katawan. Ngunit dahil masarap ito lalo na sa mainit na panahon tiyak na sasabihin mo may diet soda naman?
Sa tulong ng diet soda, ay inaakala mong puwede mo nang ma-enjoy ang enough dose ng caffeine with 0 percent sugar na swak para sa iyong diet at goal na pagpapayat sa isang araw. FYI ang katotohanan ay isa itong malaking kasinungalingan!
2. Maari rin itong magdulot ng cancer sa katawan.
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Texas Health Science Center, ang madalas na pag-inom ng diet soda di umano ay mas nagpapataas ng tiyansa mong maging overweight.
Ang pagco-consume nga rin daw ng dalawa o higit pang lata nito sa isang araw ay maaaring magpataas pa ng sukat ng waistline mo. Kumpara sa mga hindi umiinom nito.
Dagdag pa ang artificial sweeteners na taglay nito na may kaugnayan sa iba’t ibang mga sakit kasama na ang nakakatakot na cancer.
Tunog nakakapayat man pero ang mga diet sodas ay may nakakatakot na epekto sa ating katawan lalo na sa mga kababaihan.
Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom ng 2 o higit pang sugary sodas sa isang linggo ay nagpapataas ng tiyansa ng isang tao hanggang 87% na magkaroon ng pancreatic cancer.
Tumataas rin ang tiyansa ng isang babae na mahilig uminom ng softdrinks na magkaroon ng endometrial cancer, o cancer sa inner lining ng uterus.
3. Pinapataas nito ang tiyansa na makaranas ang isang tao ng stroke at heart attack.
Maliban nga sa hindi magandang epekto nito sa sexy mong katawan ay may nakakabahalang epekto rin ang pag-inom ng diet soda sa pangkalahatan mong kalusugan.
Ayon nga sa isang pinakabagong pag-aaral na ginawa ng American Heart Association at American Stroke Association, ang pag-inom ng dalawa o higit pang artificially sweetened drinks gaya ng diet soda ay mas nagpapataas ng tiyansa ng isang tao na magkaroon ng clot-based stroke. Kasama na ang heart attack at early death lalo na sa mga 50 years old pataas na kababaihan.
Mas tumataas pa nga raw ang tiyansa na magkaroon ng mga banta sa kalusugan na ito ang mga babaeng walang history ng heart disease o diabetes at mga babaeng overweight o obese.
Ito ay kanilang napag-alaman matapos pag-aralan ang higit sa 80,000 na postmenopausal na kababaihan sa US. Ang mga ito ay tinanong kung gaano kadami at kadalas silang umiinom ng diet beverages sa nakaraang tatlong buwan.
Epekto ng softdrinks sa katawan | Image from Unsplash
Binalikan at sinuri rin ang kanilang health history sa lumipas na labing-dalawang taon. Ito ay para maikumpara ang mga pagbabago sa kanilang kalusugan.
4. Pinapataas din ng pag-inom ng softdrink ang tiyansa ng isang tao na magkaroon ng kidney stone.
Maliban sa mga sakit na ito ang pag-inom ng diet soda rin ay nagpapataas ng tiyansang magkaroon ng kidney decline. Dahilan para hindi maayos na pag-function ng mga kidneys. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Harvard Medical School sa 3,318 na babae.
5. Maaari itong magdulot ng damage sa ating DNA at maging dahilan ng pagkakaroon ng allergic conditions.
Marami na ang nagpapatunay sa delikadong epekto ng softdrinks sa katawan.
Ayon naman kay Molecular Biology and Biotechnology Prof. Peter Piper ng University of Sheffield sa U.K, ang mga diet soda ay nagco-contain ng mold inhibitors na sodium benzoate o potassium benzoate.
Epekto ng softdrinks sa katawan | Image from Unsplash
Ang mga chemicals na ito ay maaaring magdulot ng severe damage sa DNA sa mitochondria ng isang tao. Ito ay halos kaya nitong magdulot ng DNA inactivation.
Ang preservative din na ito ay napag-alamang may kaugnayan sa sakit na hives, asthma at iba pang allergic conditions. Ito ay ayon sa Center for Science in the Public Interest.
6. Nakakasira rin ito ng ating ngipin.
Ang pag-inom ng diet soda rin ay maaring makapagbawas ng maganda nating ngiti. Dahil ang taglay nito na phosphoric at carbonic acid ay kayang tanggalin ang enamel sa ating ngipin at gawin itong vulnerable sa tooth decay.
7. Maaari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng fatty liver disease.
Ang softdrinks ay nagtataglay rin ng mataas na level ng fructose, ang ginagamit na pampatamis sa inumin. Kapag ang ating katawan ay na-sobrahan ng intake ng fructose maari nitong ma-overload ang ating atay at maaring mag-transform bilang taba o fat.
Ang iba sa mga fat na ito ay magiging blood triglycerides. Habang ang iba naman ay maarring maiwan sa iyong liver o atay at pagsimulan ng nonalcoholic fatty liver disease.
BASAHIN:
STUDY: Pag-inom ng fruit juice at softdrinks, nakaka-cancer
Baking soda gender test sa mga buntis, accurate nga ba ang resulta?
Study links diet sodas to stroke and dementia
8. Ang pag-inom ng softdrinks ay hakbang din sa pagkakaroon ng type 2 diabetes.
Maliban sa fatty-liver disease, ang sobrang fructose sa katawan ay maaari ring magdulot ng insulin resistance o kaya naman ay mataas na level ng insulin sa katawan. Ito ang isa sa pangunang hakbang sa pagkakaroon ng type 2 diabetes.
9. Pinapataas din ng fructose na taglay ng softdrinks ang posibilidad ng pagkakaroon ng gout.
Ang gout ay isang medical condition na kung saan nagkakaroon ng pamamaga o pananakit sa ating mga joints, partikular na sa ating mga paa.
Ito ay nararanasan ng isang tao na may mataas na uric acid sa dugo. Ang fructose na taglay ng softdrinks ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mataas na uric acid.
Kaya naman kung laging iinom nito ay mas tumataas ang level ng uric acid sa katawan na maaring mauwi sa pagkakaroon ng gout.
10. Ang pag-inom ng mga inuming matatamis tulad ng softdrinks ay nagpapataas rin ng tiyansa ng isang tao na magkaroon ng dementia.
Ang mga inuming matatamis ay nakakapagpataas ng blood sugar sa ating katawan. Kung ang blood sugar ay napakataas ito ay maaring makaapekto sa ating brain function.
Ayon nga sa isang pag-aaral ay nakakaapekto ang mga sugary drinks sa pagpapahina ng memorya at decision-making capabilities ng isang tao. Sa katagalan, ang mga ito kung mapabayaan ay maaring mauwi sa dementia o Alzheimer’s disease.
Paano maiiwasan ang softdrinks?
Water photo created by rawpixel.com – www.freepik.com
Sa isang pahayag na inilabas ng American Heart Association, sinabi nilang ang short-term use ng low-calorie at artificially sweetened drinks gaya ng diet soda ay isang paraan para ma-promote ang weight loss sa mga adults at hindi sa mga bata.
Ngunit nilinaw ng nutrition professor na si Dr. Rachel Johnson mula sa University of Hawaii na ito daw ay isang gabay o guidance lang sa mga adult na nahihirapang mag-transition sa pag-inom ng tobacco mula sa pag-inom ng sugary drinks.
Dagdag pa niya ay dapat limitahan parin ang pag-inom nito para makaiwas sa mga masamang epekto nito sa kalusugan.
Pero para kay Dr. Mossavar-Rahmani, dapat daw ay umiinom tayo ng mas maraming tubig at natural beverages. Katulad ng unsweetened herbal teas na pwede nating gawin ng unlimited na walang peligrong maaring maidulot sa ating kalusugan. At syempre upang makaiwas sa masamang epekto ng softdrinks sa katawan.
Sources:
Food Revolution, CNN, WTVR, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!