Ito ang 6 na epekto ng video games sa bata. Pati na ang maaaring maging benepisyo ng paglalaro nito kasama ang iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga epekto ng video games sa bata.
- Bakit dapat maglaro ng video games kasama ang iyong anak?
Epekto ng video games sa bata at sa inyong parent-child relationship
Video games, ito ang laro na kinahihiligan ng maraming bata sa ngayon. Malamang minsan ay naiinis ka sa anak mo dahil sa sobrang pagbababad o pagkahilig rito.
Pero ayon sa licensed social worker na si Andrew Fishman, may magandang epekto ang paglalaro ng video games sa mga bata. Partikular na sa relasyon ninyo kung siya ay sasamahan mong maglaro nito.
Paano nagkaroon ng magandang epekto ang video games sa bata at sa relasyon ninyo? Ito ang paliwanag at epekto ng video games sa bata ayon kay Fishman.
Technology photo created by freepik – www.freepik.com
1. Magandang paraan ito para maka-bonding ang iyong anak at maging open siya sa iyo.
Ang paglalaro ng video game ay isang paraan para maka-bonding ang iyong anak. Ayon sa mga child therapist, ang mga activity na tulad nito ay isang paraan din para mas madaling magsimula ng conversation sa isang bata.
Habang nilalaro ito ay mas magiging magaan ang loob niyang makipag-usap sa ‘yo. Mas nagiging open siya sa kaniyang nararamdaman at mas nagiging close kayo.
Maliban dito, sa pamamagitan ng paglalaro ng video game kasama ang iyong anak ay mas naiintindihan mo kung bakit niya ito gusto. At naipaparamdam mo sa kaniya na pinapahalagahan mo ang mga bagay na gusto at kinahihiligan niya.
2. Mas nagkakaroon ka ng dagdag kaalaman sa kung paano mas epektibong makikipag-usap sa iyong anak.
Sa pamamagitan ng paglalaro ng video game ay mas nagiging aware ka sa mga salita o linggo na ginagamit ng mga bata sa activity na ito.
Ang mga lingo o salita na ito ay maaari mong gamitin para mas makuha ang atensyon o maka-relate sa anak mo. Sa ganitong paraan ay mas gumagaan ang loob ng iyong anak. Mas nagiging close din siya sa iyo. Higit sa lahat, nagiging fun ang pag-uusap ninyo.
Halimbawa:
Magulang: “Oh yeah its Mario time na naman! Pero dapat anak pagtapos ng isang laro at naubos na ang life mo ay mga home works naman ang asikasuhin mo ok?”
Anak: “Okie dokie Mommy!”
3. Paraan ito para masala mo ang content ng paboritong laro na ginagawa ng anak mo.
Tayong mga magulang ay nais lang lagi ang pinaka-best para sa ating anak. Kaya naman minsan nandyan tayo sa paulit-ulit na pagbabawal sa kanila ng mga bagay na akala natin ay basta lang nakakasama sa kanila.
Ngunit maaari pala nating gamiting paraan para mapalapit sa kanila at mapabuti ang paglaki nila. Tulad ng sa paglalaro ng video game kasama ang iyong anak.
Sa pamamagitan nito, nasasala mo mismo kung may parte ba dito na maaring makasama sa iyong anak. Doon sa puntong iyon ay maaari mong agad na maipaliwanag sa kaniya.
Maaari kang ding gumawa ng hakbang para maiwasang mas ma-expose siya dito at magkaroon ng masamang epekto sa development niya bilang isang bata.
Technology photo created by freepik – www.freepik.com
4. Maaari mong gamitin ang mga eksena o laro sa video games para magturo ng mabuting asal sa iyong anak.
Tulad ng panonood ng telebisyon o pelikula, ang mga eksena sa nilalarong video game ng iyong anak ay magagamit mong halimbawa sa pagtuturo ng mabuting asal sa kaniya.
Tulad na lamang ng pagtutulungan ni Mario at Luigi para maabot ang goal nila o maging successful sa activity na kanilang ginagawa.
Sa ganitong paraan, mas nakikilala mo rin ang iyong anak. Dahil habang nilalaro ang video game ay maaari mo siyang tanungin sa mga nagiging step niya sa laro. At gamitin itong pagkakataon na itama o kaya naman ay mas enhance pa ang mga nalalaman o ugaling ipinapakita niya.
BASAHIN:
Bata na adik sa video games, namatay matapos maglaro magdamag
5. Sa pamamagitan ng nilalarong video game ng iyong anak ay matutukoy mo rin kung anong bagay ang interesting para sa kaniya.
Maraming laro ang maaaring pagpilian ng iyong anak sa mga video games na available ngayon. Pero siyempre ang mga games na pipiliin niyang laruin ay ang mga pumupukaw ng interes niya.
Tulad na lamang sa Street Fighter na nagpapakita ng martial arts na gusto palang gawin ng iyong anak pero nahihiya siya sabihin o natatakot siyang subukan.
Dito ka papasok para i-encourage siya na gawin ito sa totohanan na siguradong magagawa niya ng maayos at higit sa lahat ay mai-enjoy niya.
Ang pagtitiwala mong ito sa kaya niyang gawin ay isang napakalaking bagay para ma-boost ang self-esteem at self-confidence niya.
Photo by Tiger Lily from Pexels
6. Isang activity ito na siguradong ma-i-enjoy ninyong gawin na magkasama.
Magugulat ka na ang paglalaro ng video game ay isang activity na nakaka-enjoy gawin. Isa itong perfect acitivity para makipagtawanan sa iyong anak o mag-spend ng time kasama siya.
Higit sa lahat ay mas patibayin pa at gawing mas close ang relasyon ninyo na mahalaga para magabayan siya sa paglaki bilang isang mabuting bata.
Source: