Hindi makakaila na masarap maglaro ng video games. At lalong-lalo na sa panahon ngayon, usong-uso ang paglalaro ng mga games na ito hindi lang sa mga bata, ngunit pati na rin sa mga matatanda. Bukod dito, ginagamit din ang mga video games sa pag-aaral, o para magturo ng mga leksyon sa mga bata. Ngunit may mga nagsasabi na may masamang epekto ang video games sa mga bata.
Pero isa nga ba sa mga masasamang epekto nito ang pagkakaroon ng ADHD, o attention-deficit/hyperactivity disorder? Ating alamin kung ano ba ang kinalaman ng video games sa ADHD.
Ano ba ang epekto ng video games sa mga bata?
Ang sobrang paglalaro ng video games ay may masamang epekto sa mga bata. | Source: Pixabay
Tulad ng maraming bagay, ang paglalaro ng video games ay parehas na mayroong mabuti at masamang epekto. At siyempre, kung sumobra ang paglalaro ng isang bata ng mga video games, hindi rin ito makakabuti sa kaniya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang mga siyentipiko tungkol sa koneksyon ng video games sa ADHD. May mga pag-aaral na nagsasabing sanhi ito ng ADHD, pero may iba namang naniniwala na hindi sila konektado.
Ngunit ang natagpuan ng mga researcher ay mas mataas ang posibilidad ng mga batang mahilig sa video games na magkaroon ng ADHD pagtanda nila. Pero hindi nito ibig sabihin na video games lang ang tanging dahilan ng ADHD.
Pero importante pa rin sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at huwag hayaang ubusin nila ang oras sa paglalaro ng video games.
Paano mo malalaman kung sumosobra na sa video games ang anak mo?
Pero ano nga ba ang nirerekomendang safe na dami ng oras pagdating sa paglalaro ng video games? Ayon sa psychiatrist na si Dr. Kourosh Dini, iba-iba raw ito depende sa bata.
Mas mabuting gawing sukatan kung nagagampanan ba ng iyong anak ang kaniyang mga responsibilidad. Natatapos ba nila ang kanilang assignment? Nakakapag-review ba sila? Nagagawa ba nila ang kanilang mga gawaing bahay?
Kung nagagawa nila ang mga kailangan nila, hindi mo naman din kailangan limitahan ang oras ng kanilang paglalaro.
Ngunit kapag napapansin mo na sumosobra na sila sa laro at napapabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad, ito na ang panahon na maghigpit. Posible rin na magkaroon ng gaming addiction ang mga bata na masyadong madalas maglaro ng video games.
Hindi laging masama ang video games
May mga pagkakataon din na ginagamit ang video games para tulungnan ang mga batang may ADHD. Nagagamit ang mga video games upang makapag-focus ang bata at maraming batang may ADHD ang nagiging mahilig sa video games dahil dito.
Nakakatulong rin ang video games sa pagboost ng spatial skills, at hand-eye coordination. Bukod dito, tumitibay din ang mga reflexes ng mga mahilig maglaro ng video games.
Nagagamit rin ang video games para matutong makipag-socialize ang mga bata at matuto ng teamwork, lalo na kung naglalaro sila ng mga online games.
Pero siyempre, dapat bantayan pa rin ng mga magulang hindi lang kung gaano katagal maglaro ang kanilang mga anak, ngunit pati na rin kung ano ang mga video games na kanilang nilalaro. Palagi din silang bantayan kapag naglalaro upang masiguradong safe sila at pambata ang laro, lalong-lalo na kung online games.
Source: Healthline
Basahin: Video games can boost maths, reading and science scores, study finds k
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!