X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Eric Tai sinagot ang netizen na nag-bodyshame sa plus size figure ng kaniyang misis

4 min read
Eric Tai sinagot ang netizen na nag-bodyshame sa plus size figure ng kaniyang misis

Misis ni m Eruption may mensahe rin sa mga nagbobody shame sa kaniya.

Hindi pinalampas ni Eric Tai o mas kilalang si Eruption ang mga nambabash sa model at wife niyang si Rona Samson. Rona may mensahe rin sa mga bashers niya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • How Eric Tai and wife answer bashers.
  • Mensahe ni Eric Tai at misis niya sa mga bashers nila.

Sagot ni Eric Tai sa mga nambabash sa wife niya

Nitong Pasko, December 25 ay nagpaabot ng pagbati si Eric Tai o mas nakilala bilang “Eruption” sa mga fans niya sa kaniyang social media accounts. Ang kaniyang pagbati ay may kalakip na larawan ng kaniyang anak at asawa.

“From the bottom of my maskels, a SAFE & BLESSED-MERRY CHRISTMAS to your family from mine!”

Ito ang sabi ni Eruption na kung saan makikitang karga niya sa kaniyang balikat ang anak habang ang misis niya naman ay nakahawak sa kaniya.

eric tai wife and son

Image from Eric Tai’s Facebook account

Marami ang natuwa at humiling rin ng maligayang pasko para sa pamilya ni Eruption. Pero may isang netizen ang iba ang napansin at ito ang pangangatawan ng misis ni Eruption.

“Why bro u can advise someone who can work out but your wife you cant teach her to be fit”

Ito ang sabi ng netizen kay Eruption.

Ang comment na ito ng nasabing netizen ay cool namang sinagot ni Eruption. Ipinagmalaki niya rin ang kaniyang misis na isa umano sa sought after at one of the best plus size model sa bansa.

“She’s one of the PHILIPPINES MOST SOUGH AFTER PLUS SIZE MODEL! Actually one of the best, you’ll see her on Avon, HnM, Cosmopolitan, SM & many more advertisements, prints & commercials! #WowenEmpowerment”

Ito ang sagot ni Eruption.

BASAHIN:

Magkano ang dapat gastusin para sa regalo sa asawa? Ito ang sabi ng experts

Agree or Disagree: Mas guwapo ang mister, mas pressured ang misis na magpapayat

Pagiging payat, nasa DNA ng tao—ayon sa isang pag-aaral

Mensahe ng misis ni Eruption sa mga body shamers

Samantala, sa kaniyang Facebook account ay may sagot rin si Rona Samson-Tai, misis ni Eruption sa mga nagbody-shame sa kaniya. Saad ni Rona hiling niya na ang mga ito ay makatanggap ng true at unconditional love ngayong Pasko hindi lang mula sa mga tao sa paligid niya kung hindi pati narin sa sarili nila.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Rona Tai (@rownita)

“To everyone that body shamed me on my husband’s recent Christmas post. My prayer for you is to find true & unconditional love. Not just from your significant other, but also from yourself.”

“Love yourself enough even if you’re going through something that you will see it’s beauty and strength despite it’s imperfection.”

Hirit niya pa, puwede nilang i-zoom in ng paulit-ulit mga litrato niya at sabihin ang mga gusto nila. Pero hindi daw nito maalis ang confidence na mayroon siya sa katawan niya at kaniyang sarili.

“Yes, feel free to ZOOM in. Know that you can body shame me all day long, but sweetheart, that don’t faze me!”

Ito ang sabi pa ni Rona.

eric tai wife rona samson

Image from Eric Tai’s Facebook account

Sa mga naging sagot ni Eric Tai at wife niyang si Rona ay marami naman ang sumang-ayon sa kanila. At nadagdagan pa ang mga taong humahanga sa confidence at pagmamahal nila sa isa’t-isa.

“You have the sexiest woman in the world bro because you love her so much!”

“This is an example of a family with a great true love godbless idol.”

Ito ang nasabi ng ilang netizens kay Eric Tai o Eruption. Habang ito naman ang nasabi ng mga netizens sa misis niyang si Rona.

“You are beautiful and you keep inspiring us with your strength and confidence. 💪 Thank you.”

“What a lovely reminder to be kinder to ourselves so that we can emulate that same kindness to others.”

“It’s not the shape or the physical appearance a person’s asset, it’s inside you, the heart, the character, attitude and kindness matter…that’s where you find the unconditional love… is it?”

Si Eric Tai o Eruption ay nakilala hindi lang sa pagkakabilang niya sa programang Its Showtime. Siya ay miyembro rin ng Philippine Volcanoes, ang national rugby union team ng bansa. Habang ang misis niyang si Rona ay isang model. Sila ay may isang anak na nagngangalang Legend na dalawang taong gulang na ngayon.

eric tai wife and son

Image from Eric Tai’s Facebook account

Source:

Facebook

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Eric Tai sinagot ang netizen na nag-bodyshame sa plus size figure ng kaniyang misis
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.