Sadyang dapat gawing priority ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Kailangan ay maging maingat sa nilalakaran, pinupuntahan, at pinaglalaruan ng mga bata. At siyempre kabilang na rin dito ang escalator safety pag nagpupunta sa mga malls.
At kamakailan lang ay muntik nang maputol ang kamay ng isang bata, matapos itong maipit sa isang umaandar na elevator. Paano kaya ito nangyari, at ano ang magagawa ng mga magulang upang makaiwas sa ganitong sakuna?
Bigla na lang raw nahulog ang bata, at naipit sa escalator
Ang insidente ay nangyari sa isang mall sa Hunan, China, kung saan magkasama ang mag-ina sa escalator. Kuwento ng ina, nakasakay raw sila sa escalator nang bigla na lang mahulog ang kaniyang anak, at nakita niyang naipit sa gilid ng elevator ang kamay nito.
Hindi raw alam ng ina ang gagawin, ngunit sa kabutihang palad ay may isang guard na dali-daling pinindot ang elevator stop button. Nagtawag rin sila agad ng mga bumbero, at matapos ang 30 minuto ay natanggal rin sa pagkaipit ang kamay ng bata.
Ayon sa kanila, kung natagalan pa raw ng kahit 1 segundo ang pagtigil sa elevator ay posibleng naputol ang kamay ng bata.
Wala pa ring detalye kung paano naipit ang kamay ng bata, ngunit pinag-iingat ang mga magulang na palaging bantayan ang kanilang mga anak kapag nasa escalator.
Escalator safety tips na dapat tandaan
Bagama’t safe ang pagsakay sa escalator, hindi nito ibig sabihin na dapat balewalain ang pag-iingat dito. Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang:
- Huwag sumakay ng escalator habang buhat-buhat ang iyong anak. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing huwag lumapit sa gilid ng escalator, at ilagay sila sa side kung saan hindi sila mahuhulog.
- Hawakan ang mga handrail ng escalator, at huwag umapak sa gilid o kaya sa gitna ng mga hakbang.
- Turuan ang iyong mga anak na huwag maglaro sa escalator dahil hindi ito laruan.
- Umiwas sa pagsusuot ng mga malalambot na sapatos, o kaya ang mga sapatos na gawa sa goma dahil puwede itong kumapit at mahagip ng escalator.
- Iwasan ang pagsakay ng stroller sa escalator. Kung mayroon kayong stroller, mas mabuting sumakay sa elevator upang makaiwas sa mga aksidente.
Source: Asia One
Basahin: Baby patay matapos mahulog sa escalator
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!