Mahalaga para sa mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Mula mismo sa sarili nilang bahay, pati na ang pagpunta sa labas, ginagawa ng mga magulang ang lahat upang safe palagi ang mga bata. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila nakaligtaan ng isang ina ang panganib ng escalator.
Panganib ng escalator: Baby nahulog ng ina habang pababa ng escalator
Nangyari ang insidente sa isang shopping mall sa China. Kitang-kita sa video na pababa ang ina sa escalator habang buhat ang kaniyang baby, at kasabay ang isa pa niyang anak.
Bigla na lang nawalan ng balanse ang ina, at nabitawan niya bigla ang sanggol. Pagbaba ng escalator ay hindi mapakali ang mag-ina, at napaluha na lang sila nang makita ang patay na sanggol. Di nagtagal ay dumating ang mga paramedics, ngunit hindi na nila nagawang mailigtas ang kaawa-awang sanggol.
Dumating pa raw sa shopping mall ang ama ng bata, ngunit hindi na niya inabutan ng buhay ang kaniyang anak. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad tungkol sa nangyari.
Panoorin dito ang kalunos-lunos na video:
Importanteng tips kapag sumasakay sa escalator
Bagama’t safe ang pagsakay sa escalator, hindi nito ibig sabihin na dapat balewalain ang pag-iingat dito. Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang:
- Huwag sumakay ng escalator habang buhat-buhat ang iyong anak. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing huwag lumapit sa gilid ng escalator, at ilagay sila sa side kung saan hindi sila mahuhulog.
- Hawakan ang mga handrail ng escalator, at huwag umapak sa gilid o kaya sa gitna ng mga hakbang.
- Turuan ang iyong mga anak na huwag maglaro sa escalator dahil hindi ito laruan.
- Umiwas sa pagsusuot ng mga malalambot na sapatos, o kaya ang mga sapatos na gawa sa goma dahil puwede itong kumapit at mahagip ng escalator.
- Iwasan ang pagsakay ng stroller sa escalator. Kung mayroon kayong stroller, mas mabuting sumakay sa elevator upang makaiwas sa mga aksidente.
Source: Mirror
Basahin: 3-year-old falls four storeys down from mall escalator
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!