Bukod sa pleasure na hatid ng pagtatalik, may ibang benepisyo rin ito sa katawan. Katulad na lamang na maaaring maging exercise ang iba’t-ibang sex positions.
Narito ang ilan sa mga sex position kung nais mong magbawas ng timbang!
8 sex positions na nakakatulong magbawas ng timbang
1. Hot Seat Position
Ang Hot seat ay ang umuusong position sa pagtatalik ngayon. Ito ay kapag nasa top ka at nakaposisyon na paupo sa ari ng iyong asawa. Ngunit hindi mo dapat ilalapat ang iyong sarili sa kanyang balat. Hindi ka talaga literal na nakaupo sa ibabaw ng iyong asawa. Kailangan ng matinding pressure ang dalawang hita mo sa sex position na ito.
2. Standing Position
Madalas mo nang makita ang ‘Standing position’ kapag magtatalik ang dalawang bida sa isang movie. Ito ay literal na nakatayo habang nagkakaroon ng pleasure sa dalawang tao. Challenging ang position na ito dahil matinding force ang kailangan ng iyong asawa kapag binuhat ka habang nagtatalik. Habang ang paa mo nama nay nakapulupot sa bewang niya.
3. Lotus
Ang ‘Lotus position’ ay ang romantic way ng pagtatalik. Pareho kayong nakaupo ng asawa mo habang magkayakap at nagbibigay ng pleasure sa isa’t-isa. Makakatulong ito sa inyong katawan para mapanatili ang pagka-stabilize nito.
4. Bridge Position
Kung nais mo naman ng extra challenge habang nagtatalik, maaaring subukan ang Bridge position! Medyo hindi lang ito madaling gawin dahil matinding strength at pressure ang mararamdaman ng iyong biceps habang nakasuporta sa iyong buong katawan. Ang position na ito ay may pagkakahawig sa bending ngunit kailangan lang nakadiretso ang iyong katawan sa asawa mo. Kailangan mo rin na i-maintain ang iyong balance habang gumagalaw ang iyong asawa.
Challenging ang position na ito ngunit makakadagdag ito sa pleasure at thrill ng inyong pagtatalik.
5. Arch position
May pagkakahawig naman ang ‘Arch position’ sa workout routine na ‘Glute bridge’. Sa posisyon na ito, kailangan mong humiga at i-bend ang iyong tuhod. Sunod na itaas ang pwet na bahagi. Matinding pressure at strength ang mararamdaman mo sa abdominal muscles habang binibigyan ng pleasure ng iyong asawa.
6. Missionary Plank Position
Ang simpleng top-bottom position niyo ni mister ay lalagyan natin ng kaunting thrill. Sa ‘Missionary plank position’ kailangang iangat ni mister ang kanyang sarili palayo sa’yo. May pagkakahawig ito sa exercise routine na ‘plank’. Habang siya ay nakaplank, ipupulupot mo naman ang kaliwa mong binti sa likod ng iyong asawa.
7. Doggy Style Position
Maaaring nasubukan niyo na ni mister ang ‘Doggy style position’. Ngunit alam niyo bang maaaring nakakatulong ito para mabawasan ang inyong timbang? Ang posisyon na ito ay makakatulong sa iyong biceps at masanay ang pag stabilize ng katawan habang gumagala si mister sa likod.
8. Crab walk Cowgirl Position
Ang ‘Crab walk Cowgirl position’ ay may pagkakahawig sa Hot seat. Ngunit ang pinagkaiba lang nito ay nakaupo kana sa bandang ari ng iyong asawa. Habang ang dalawang kamay mo ay nakaposisyon sa iyong likod na sumusuporta sa iyong katawan habang ikaw ay gumagalaw sa taas ng iyong asawa.
Makakatulong ang posisyon na ito sa para mapractice ang iyong biceps at abdominal muscles.
Source:
BASAHIN:
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
5 amazing sex positions kapag maliit ang ari ni mister
Gusto ng sexy time pero buntis? Iba’t ibang safe sex positions sa bawat trimester