Lolo at lola na edad 80-anyos makakakatanggap ng P10,000 cash gift mula sa gobyerno

Dagdag na P10,000 patuloy na maipamimigay sa oras na tumungtong sa edad na 85, 90 at 95-anyos ang isang Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Expanded Centenarian Act aprubado na ni President Bongbong Marcos. Batas nakatakdang magbigay ng P10,000 cash gift sa mga lolo at lola na edad 80-anyos.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Expanded Centenarian Act.
  • Cash gift para sa mga lolo at lola.

Expanded Centenarian Act

Larawan mula sa Shutterstock

Napirmahan na ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Expanded Centenarian Act o Republic Act 11982. Sa ilalim ng bagong batas, ang mga Pilipinong edad 80-anyos ay makakatanggap ng P10,000 cash gift mula sa gobyerno. Magpapatuloy naman ang pagbibigay ng cash gift sa kanila makalipas ang limang taon. O sa oras na sila ay tumungtong naman sa edad na 85, 90 at 95-anyos. Magiging P100,000 naman ang cash gift na makukuha nila sa oras na sila ay mag-isang daang gulang na o 100 years old.

Ayon kay BBM, ito ay paraan ng gobyerno para pasalamatan ang mga naging sakripisyo nila lola at lola. Pati ang pagkilala sa naging ambag ng mga nakakatandang Pilipino sa kaunlaran ng bansa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

“To our active 80-somethings and lively 90-somethings, the expanded Centenarians Act confers upon you the thanks of a grateful nation. That you have made strong and stable through your labors.”

“The expansion of the coverage of the Centenarians Act is a homage to the Filipino trait of compassion and in our culture. None are showered with more kind and loving care than our elderly.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Marcos ukol sa bagong batas.

Reaksyon ng mga senior citizens

Samantala, ang mga senior citizens excited sa magandang balita na ito. Pero ayon sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa ngayon ay hindi pa nagagawa ang implementing rules and regulations ng bagong batas. Kaya naman habang hindi pa ito nagsisimula ay hinihikayat ang lahat ng senior citizens na magpunta sa Office of Senior Citizens sa kanilang lugar. Ito ay para makapagpa-rehistro at magpatala. Para sa oras na magsimula na ang implementation ng bagong batas ay kasama sila sa mabibigyan ng benepisyo na dala nito.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement