Senior Citizen na si Mommy Angie pinaiyak ang mga viewers ng programang EAT matapos manawagan sa mga anak. Alamin dito ang nakakalungkot niyang kuwento at ang hiling niya sa kaniyang dalawang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kuwento ng senior citizen na si Mommy Angie sa EAT.
- Panawagan ni Mommy Angie sa mga anak niya.
Kuwento ng senior citizen na si Mommy Angie sa EAT
Larawan mula sa Facebook account ng TV5
Viral ngayon sa social media ang hinaing ng isang 73-anyos na ina sa kaniyang mga anak. Ang ina na nagngangalang si Mommy Angie ay sumali bilang isang contestant sa isa mga segment ng programang E.A.T. Ito ay programang pinangungunahan nila Tito, Vic at Joey sa TV5.
Base sa kuwento ni Mommy Angie, hindi alam ng mga anak niya na sumali siya sa pa-contest ng programa. Hindi naman daw kasi siya nadadalaw ng mga ito. Wala rin naman daw siyang kasama sa ngayon. Dahil tatlong taon naring namayapa ang kaniyang mister. Habang ang kaniyang dalawang anak ay may kaniya-kaniya naring pamilya. Si Angie hindi napigilang maging emosyonal ng ibahagi ang kaniyang kuwento.
Panawagan ni Mommy Angie sa mga anak niya
Image by Freepik
May panawagan rin si Mommy Angie sa mga anak na hindi man lang makadalaw sa kaniya. Bagamat sabi niya ay nag-vivideo call o tumatawag naman daw ang mga ito. Pero iba parin daw ang madalaw o makasama niya ang mga anak ng personal pati na ang kaniyang mga apo. Lalo pa na ngayon ay mas tumatanda na siya at mag-isa nalang.
“May mga sasakyan naman kayo ba’t hindi niyo ako madalaw? Nakakapunta kayo kung saan-saan, bakit ako, dito lang? ‘Yung lumalabas kayo parang hindi ako maalala.”
Ito ang naluluhang hinaing ni Mommy Angie sa mga anak niya.
Sa huli ay tila binawi pa ni Mommy Angie ang kaniyang mga sinabi. Dahil maari daw mali ang nararamdaman niya. Pero sa pakiramdam niya daw ay nineglect siya ng mga anak.
“Feeling ko lang po ‘yun. Ang feeling ay pwedeng tama pwedeng mali. So it’s my feeling na parang nine-neglect nila ako.”
Ito ang sabi pa ni Mommy Angie.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!