X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Video call prenup shoot, ginawa ng couple dahil sa COVID-19

3 min read
LOOK: Video call prenup shoot, ginawa ng couple dahil sa COVID-19

Tuloy na tuloy pa rin ang kasalan ng couple na sina Alexis at Bernadette. Hatid nila ang paunang video call prenup shoot!

Sa paglipas ng panahon, wala na talagang hindi nagagawa ang teknolohiya. Noong nakaraang buwan lamang, hindi naging imposible ang graduation ceremony ng mga college student sa Japan kahit na kanselado ang kanilang ceremony dahil sa banta ng COVID-19. Ito ay dahil sa paggamit nila ng robot bilang substitute nila sa graduation ceremony. Ngayon naman sa Pilipinas, tuloy na tuloy pa rin ang kasalan ng couple na sina Bryan at Pink. Hatid nila ang paunang video call prenup shoot!

Yup, you heard it right, video call prenup shoot! Ano nga ba ang buong kwento?

Video call prenup shoot ang idea ng magkasintahan dahil sa COVID-19

Itinuturing na ‘simple and timely’ ang video call prenup shoot ng magkasintahang Bryan at Pink. Ito ay dahil sa kanilang kakaibang prenup shoot na isinagawa via video call!

video-call-prenup-shoot

Image from Luminara Photo

Ayon kay Carlo Pilongo ng Luminara Photo, ang prenup shoot ng magkasintahan ay simple at napapanahon dahil sa nangyayaring COVID-19 outbreak sa bansa. At ang buong Pilipinas ay sinasanay ang mga sarili sa social distancing.

Ang prenup shoot nina Bryan at Pink ay sobrang kakaiba. Sila ang nagpapatunay na hindi mapipigilan ng nangyayaring pandemic ang kanilang pagmamahalan. “Love is immune” ika nga nila. Nakatakdang mag pakasal ang dalawa sa 2021 matapos ang kanilang 11 years na relationship bilang mag girlfriend-boyfriend. Dagdag nila na balak pa rin nilang magsagawa ng pangalawang prenup shoot para sa kanilang kasal.

video-call-prenup-shoot

Image from Luminara Photo

Paglilinaw nila, ang nangyaring video call prenup shoot ay isinagawa 100% virtually at wala silang physical contact na nangyari. Sinusunod lang ni Pink ang mga cue ni Carlo para sa magiging pose nila nila ni Bryan.

Ayon sa interview ng GMA News kay Carlo Pilongo ng Luminara Photo, nainspired siya sa kapwa niya photographer kaya nagawa ang kakaibang konsepto ng video call prenup shoot. Ito ay dahil marami na rin ang gumagawa ng video chat model portraits sa gitna sa COVID-19 outbreak sa bansa.

“One morning I thought, why not do a couple’s session using video chat? I immediately asked my friends if they knew someone willing to do the concept and that’s where Bryan and Pink came in.”

Agad ring sumangayon sina Bryan at Pink sa konseptong ito. Dagdag nila, swak na swak rin ito dahil long-distance relationship sila noon pang 2017. Nagtatrabaho kasi bilang architect si Bryan sa Singapore samantalang nasa Pilipinas naman si Pink.

video-call-prenup-shoot

Image from Luminara Photo

Ayon kay Pink, sobrang natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanilang video call prenup shoot. Sobrang inspiring kasi nito para sa mga lovers sa ganitong panahon na malapit na kayong ikasal pero kailangan ugaliin ng social distancing. Isa rin itong memorable experience na paniguradong babaunin nila hanggang sa pagtanda at ikukwento sa kanilang mga magiging anak.

LOOK: Video call prenup shoot, ginawa ng couple dahil sa COVID-19

Image from Luminary Photo

“The very essence of our love story which I think most LDR couples could relate to—where mobile phones play a huge role in bridging the gap, the distance.” Dagdag ng bried-to-be na si Pink.

LOOK: Video call prenup shoot, ginawa ng couple dahil sa COVID-19

Image from Luminara Photo

Ang konseptong ito ay hindi lamang kakaiba kundi may mas malalim pa ring dahilan. Ayon sa couple at kay Carlo, ito ang paraan nila upang mag bigay ng inspiration sa iba at patuloy pa ring maging positive sa kabila ng nangyayaring krisis.

Source:

GMA News Online

Basahin:

Robots ginamit para matuloy ang graduation ceremony sa Japan , 50,000 pesos wedding budget? Kayang kaya mo na yan!

Partner Stories
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
Parents’ Flu-proof Guide to Sending Their Kids Back to Face-to-Face Classes
Parents’ Flu-proof Guide to Sending Their Kids Back to Face-to-Face Classes
Know a Filipino hero during the pandemic? Bangon Awards nomination opens with almost half a million of prizes from Human Nature and Robinsons Supermarket
Know a Filipino hero during the pandemic? Bangon Awards nomination opens with almost half a million of prizes from Human Nature and Robinsons Supermarket
5 reasons why kids need Omega-3-6-9, the brain and mood booster
5 reasons why kids need Omega-3-6-9, the brain and mood booster

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • LOOK: Video call prenup shoot, ginawa ng couple dahil sa COVID-19
Share:
  • Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

    Howie Severino: "COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof."

  • 23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

    23-day-old baby sa Lipa City namatay dahil sa COVID-19

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko