Talaga namang hahangaan mo ang magic ng technology! Sino ba namang mag-aakala na matutuloy ang isang graduation ceremony sa Japan ng wala ang mga magsisitapos na studyante kundi mga robot na substitute lamang ang kapalit?
Graduation ceremony in Japan
Nakaisip ng magandang paraan ang mga studyante ng Business Breakthrough University sa Tokyo para matuloy ang kanilang graduation. Muntik na kasi itong makansela ng tuluyan dahil sa banta ng COVID-19. Ngunit hindi sila nagpapigil! ‘The graduation must go on’ ika nga.
Graduation ceremony japan | Image from Business Breakthrough University
Sa pamamagitan ng “Newme” robot at tablet na magsisilbing mukha nito, ang hinahangad nilang graduation ay natupad! Ramdam pa rin ang presensya ng mga studyante. Ito ay kahit na robot lamang ang naglalakad sa aisle at tumatanggap ng kanilang diploma.
Graduation ceremony japan | Image from Business Breakthrough University
Ang mga customizable avatar robot na ito ay nakasuot ng mga graduation gowns at caps. Habang ang nakadikit na tablet ang magsisilbing mukha na may live picture ng mga magsisitapos.
Sa pamamagitan din ng Zoom, live na live nilang napapanood ang memorable graduation ceremony.
Graduation ceremony japan | Image from Business Breakthrough University
Paano nga ba ito nangyari?
Gamit ang ANA Group’s “Newme” robot, posible na ang ganitong mga pangyayari! Ito ay napapatakbo gamit ang remote at customizable avatar na maaaring magamit sa mga museum visit o sa ano mang uri ng kaganapan lalo na ngayon sa napapanahong krisis.
School graduation ceremony in Philippines
Matatandaan na pagkatapos ianunsyo ang isang buwang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, kanya kanya na ang diskarte ng mga school para sa alternatibong paraan upang hindi mapagpaliban ang kanilang klase kahit nasa bahay ang mga studyante dahil sa kanselado na ang pasok. Marami ang nagsagawa ng online classes, online exam at online quiz.
Noong March 11, sinabi ng Department of Education (DepEd), na nasa school ang desisyon kung hindi muna magsasagawa ng graduation ceremony upang maiwasan ang mass gathering katulad nito.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones
“Kung kaya ng schools i-implement strictly ang Department of Health (DOH) guidelines sa health eh magpatuloy sila ng graduation. At saka gagawa sila ng paraan para mako-contain ang size ng crowds kasi ang sabi ni DOH, iko-control ang mass gatherings,”
Dagdag pa ni DepEd Secretary Leonor Briones,
“We trust the schools. We trust the parents. And we trust their capacity to assess if they can implement the guidelines which are publicly known,”
Ngunit sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, ilang mga school na ang nagkansela ng kanilang mga graduation ceremony.
Enhanced community quarantine extension in Luzon
Dalawang linggo na lamang ang natitira bago matapos ang Enhanced Community Quarantine na nagsimula noong March 15 hanggang sa April 14.
Ngunit sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngayon sa bansa, muling pinaboran ni Pangulong Duterte ang extension ng Enhanced Community Quarantine. Inanunsyo ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong Tuesday, April 7.
Ang pagtatapos sana ng ECQ ay ngayong April 14 ngunit maeextend na hanggang April 30 sa buong Luzon.
As of now, mayroon nang 3,660 na naitalang positibo sa COVID-19 sa bansa. Samantalang 163 ang namatay at 73 katao ang nakarecover.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!