Hindi basta-basta ang pagiging isang working mom, lalong-lalo na kung ikaw ay nagbubuntis. Kaya’t malaking tulong ang pagpasa ng Extended maternity bill, o ang batas na naglalayong palawigin ang maternity leave hanggang 105 na araw.
Napakaimportante ng batas na ito sa Pilipinas, dahil napakaraming ina ang makikinabang dito. Makakatulong ito sa mga ina upang hindi na sila mapilitang umalis sa trabaho matapos nilang manganak. Nakakatulong rin ito sa mga sanggol na pinakakailangan ang pag-aalaga ng kanilang mga ina sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay.
Extended maternity bill, malapit nang isabatas!
Kahapon lamang ay pumasa na sa Senado at sa House of Representatives ang batas para sa maternity leave. Ibig sabihin, ang kailangan na lamang upang ito ay maisabatas ay ang pirma ni Pangulong Duterte. Suportado din ng pangulo ang bill na ito, kaya’t kakaunting panahon na lang ang aantayin ng mga ina upang makuha ang mga benepisyo sa batas na ito.
Sa ilaim ng Expanded Maternity Leave Act of 2018, bibgyan ng 105 araw ng paid leave ang mga inang kakapanganak pa lamang. 7 sa araw na ito ang idadagdag sa paid leave ng kanilang asawa, at may karagdagang 15 na araw para sa mga solo mothers.
Bukod dito, puwede ring magdagdag ng 30 araw ang mga ina sa kanilang leave. Pero ito ay hindi na magiging paid leave. Ito ay para sa lahat ng uri ng delivery, at hindi lang sa natural birth.
Bakit mahalaga ang Extended maternity bill?
Ang extended maternity bill, o Expanded Maternity Leave Act of 2018 ay isang batas na tutulong sa mga working mothers. Ang pagkakaroon ng karagdagang panahon upang maalagaan ang kanilang anak ay napakaimportante.
Halimbawa, ang kasalukuyang haba ng maternity leave sa bansa ay hanggang 60 na araw lamang. Lubhang kakaunti ang oras na ito upang maalagaan ng isa ang kaniyang anak. Kung piliin ng isa na mag-breastfeed, at hanggang 60 na araw lang ang kaniyang leave, kawawa naman ang bata. Malaking tulong na ang pagkakaroon ng karagdagang 40 na araw dahil mas magkakaroon ng panahon ang isang ina na alagaan at matutukan ang paglaki ng kaniyang anak.
Bukod dito, mas makakabuti rin sa kalusugan ng mga ina ang pagkakaroon ng panahon upang makapagpahinga. Makikinabang rin dito lalong-lalo na ang mga solo mothers. Ito ay dahil mas magkakaroon sila ng panahon upang makahanap ng mag-aalaga sa kanilang anak.
Makakatulong din ang batas na ito upang hindi mapilitang umalis sa trabaho ang isang ina. Ito ay dahil madalas, napipilitang pumili ang mga ina kung magtatrabaho sila, o aalagaan ang kanilang anak. Dahil sa karagdagang panahong ibibigay ng extended maternity bill, maaalagaan na nila ang kanilang mga anak sa pinakaimportanteng panahon ng kanilang buhay.
Source: GMA News
Basahin: 100-day maternity leave update: naaprubahan na ng kongreso
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!