Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na kanilang hinihimok ang bawat paaralan sa bansa na ibalik na ang face-to-face class para sa Academic Year 2022-2023.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- DepEd inihahanda ang pagbabalik ng face-to-face class
- How to keep your kids safe when face-to-face classes return?
DepEd inihahanda ang pagbabalik ng face-to-face class
Taong 2020 Marso nang isuspende ang halos lahat ng klase sa bansa dahil sa banta ng virus na COVID-19. Marami ang nag-akalang tatagal lamang ito nang ilang araw ngunit ngayon ay halos magdadalawang taon na ring walang face-to-face classes.
Nauwi tuloy sa online classes ang lahat ng mga schools, colleges at universities upang mapagpatuloy lamang ang pagkaklase. Ang iba naman ay blended learning kung saan mayroong nagmo-module at mayroon din namang halo ng online learning.
Dahil dito ay maraming nahirapan mag-adjust sa bagong sistema ng klase lalo na ang parents. Ilan sa mga problemang sumulpot dahil sa pandemic ay:
- Kawalan ng gamit para sa online class gaya ng laptops, tablets, cellphone o kaya naman ay internet.
- Paghihirap ng parents na ituro ang ibang lessons sa tuwing hindi nauunawaan ng anak dahil sa malabong komunikasyon sa online.
- Dagdag gastos sa mas marami pang kailangan sa online classes.
- Madaling nadidistract ang mga bata sa pakikinig sa bawat klase.
Sa pagluwag ng restrictions, pinaplano na ng Department of Education (DepEd) ang muling pagbabalik nang halos lahat ng mga bata sa classroom. Mayroon ng limitadong face-to-face sa mga klase sa buong bansa sa ngayon.
Sa isang public briefing, dating sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na kanilang hinihimok ang bawat public at private school na ibalik na ang face-to-face class para sa parating na school year.
Ayon kay Marlon Garma, ang DepEd assistant secretary, may nakahanda silang contigency plan sakaling tumaas ang COVID-19 cases. Lahad pa ng DepEd, kahit maging Alert Level 2 ang status sa Metro Manila ay magtutuloy pa rin ang limited face-to-face class.
Tinitignan din nila ang safety assessment ng bawat paaralan kung papasa ito na payagang makapagklase na ang mga estudyante. Mayroon din daw silang iba’t ibang guidelines na pinagbabasehan upang matiyak na ligtas ang bawat school.
“Bago natin payagan ang isang eskuwelahan na makapag-face-to-face class, dapat ay nakasunod sila doon sa guidelines mula doon sa ating assessment.”
“Ang atin pong inilabas na pahayag, ang atin pong indicative date of opening school ay August 24. Pero hindi pa ho final date ‘yan dahil batay po sa batas, ang atin pong Pangulo ang siyang magdedeklara ng official day ng opening of classes.”
BASAHIN:
STUDY: Kids are getting lower grades because of online learning
Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids
How to keep your kids safe when face-to-face classes return?
Sa kabila ng pagbaba ng cases sa virus na COVID-19 at pagluwag ng iba’t ibang restrictions sa lockdown mahalaga pa ring isipin ang safety ng bawat bata. Alam ng parents kung gaano na ka-excited ang mga bata na bumalik na muli sa klase. Mas nai-enjoy kasi ng bata ang school experience kasama ang friends, classmates at iba pang activities na ginagawa dito.
Sa kabila ng excitement na ito, paano nga ba mapapanatiling ligtas ang pagbabalik ng mga bata sa face-to-face classes nila? Narito ang ilang tips na maaaring i-consider:
- Huwag kakalimutang magsuot pa rin ng face mask – Isa sa pinagmumulan ng virus na COVID-19 ay ang respiratory droplets na nagmumula sa pagbahing, paghinga o kaya naman ay pagsasalita.
- Panatalihin ang social distancing – Mas madaling nakukuha ang virus sa close contact from person to person. Kaya nga mahalaga ang social distancing upang hindi tuluyang magdikit at maipasa pa ang virus sa isang tao.
- Ituro ang wastong paghuhugas ng kamay – Mababawasan na makakuha ng virus mula sa contaminated na bagay kung parating naghuhugas ng kamay.
- Pabaunan parati ng alcohol – Kung hindi parating makakahugas ng kamay sa school niya, maganda kung pababaunan siya ng alcohol upang madali lang ma-disinfect kung humawak man siya sa contaminated na bagay.
-
Siguraduhing fully-vaccinated na ang anak – Isa sa effective na way upang hindi nila makuha ang COVID-19 virus ay ang maging fully-vaccinated.
- Alamin ang iba’t ibang safety precautions ng school – Maganda na malamang hindi lang ang bahay ang parating ligtas sa virus dapat ay alam mo rin kung ano ang mga safety precautions na ginagawa ng school para sa mga estudyante nila.
- Dapat ay may schedule sila na dini-disinfect nila ang paligid at iba’t ibang gamit pa sa loob ng school.
- Fully-vaccinated dapat ang lahat ng teachers at iba pang staffs na makakasalamuha ng mga bata.
- Available dapat parati ang sanitizer at alcohol sa bawat sulok ng school.
- Alamin ang plano ng school kung sakali mang magkaroon ng case ng COVID-19 sa loob.
- Ipa-check-up siya bago magsimula sa face-to-face class. Para malaman kung fit talaga ang iyong anak sa pagpasok sa school magandang ipa-check-up siya upang malaman kung wala ba siyang kasalukuyang sakit na maaaring makaapekto sa health niya. Maaari rin namang manghingi ng reseta kung ano ang vitamins na dapat niyang inumin na makakatulong sa kanyang resistensya.
- Parating pakinggan ang anak. Sa kahit anong bagay lalo na sa health concerns ay dapat parating bukas ang parents sa communication. Dito kasi mas madaling naagapan o kaya naman ay nababantayan ang anak sa kahit ano mang maaaring nararamdaman niya.