TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Publiko pinag-iingat sa mga ibinebentang fake na baby wipes sa bansa

4 min read
Publiko pinag-iingat sa mga ibinebentang fake na baby wipes sa bansa

Narito ang ilang brand name ng mga fake na baby wipes na nagtataglay ng mapanganib na kemikal na makakasama sa balat at kalusugan ng mga sanggol.

Fake baby wipes in the Philippines nagkalat umano sa pamilihan. Mga awtoridad pinag-iingat ang publiko sa pagbili nito.

fake baby wipes in the philippines

Image from Freepik

Fake baby wipes in the Philippines

Sinalakay ng NBI ang isang warehouse sa Binondo na pinag-iimbakan ng fake baby wipes in the Philippines. Ito daw ang ibinebenta sa ilang pamilihan sa Bulacan at Maynila. Kung titingnan ang mga fake baby wipes na nakulimbat mula sa naturang warehouse ay kamukhang-kamukha ng mga original.

Bago pa man ang ginawang raid ng NBI sa nasabing warehouse ng fake baby wipes ay una ng naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration tungkol dito nitong Hunyo. Ito ay matapos na magbigay babala ang grupo na Ecowaste Coalition tungkol sa mapanganib na kemikal na taglay ng mga fake na baby wipes na ito.

Ang mga cheap at fake wipes na ito ay nagtataglay umano ng mga preservatives na kung tawagin ay methylchloroisothiazolinone at methylisothiazolinone (MCI/MIT). Ito ay uri ng chemical compounds na maaring magdulot ng allergic contact dermatitis. Ang pangunahing simtomas ng kondisyon na ito ay rashes o lesions sa balat.

Hanggang sa ngayon ang mga fake baby wipes na ito ay patuloy na ibinibenta sa pamilihan partikular na sa Divisoria at iba pang palengke sa Maynila.

Ilan nga sa mga brand ng baby wipes na natuklasang taglay ang mapanganib ng preservatives na ito ay ang mga sumusunod na nagkakahalaga ng P20-P25 kada pakete:

  • Dong Bang
  • Dong Bang Yao Baby Tender
  • Family Treasure Baby Tender
  • Sky Fire Baby Tender
  • Giggley Baby Wipes

Maliban sa nabanggit na mga brands ay may mga kumakalat rin na fake o counterfeit version na ilang sikat na baby wipes brand. Mas nakakaengganyo nga ito sa mamimili dahil sa pag-aakalang original at legit ito.

Mapanganib na epekto ng fake baby wipes

Isang nakakabahalang halimbawa nga ng epekto ng fake baby wipes na ito ay ang nangyari sa isang sanggol sa Russia. Dahil sa paggamit ng natuklasang fake na baby wipes pala ay nagtamo ng chemical burns sa balat ang isang 6-months old na sanggol.

Kwenta ng ina ng sanggol ay nabili niya ang pekeng baby wipes sa isang kilalang supermarket chain sa kanila. Kaya naman hindi niya inakala na ito ay peke lalo pa’t ito ay may label ng isang sikat na diaper brand. Nagulat nalang siya ng matapos niyang linisan at palitan ng diapers ang anak gamit ang baby wipes ay nag-iiyak nalang daw ito. Doon niya nakita na namumula at may mga paltos na sa puwet ang kaniyang sanggol. At base sa ginawang eksaminasyon at pagsusuri ng doktor natuklasang ang natamong chemical burns ng sanggol ay dulot ng baby wipes na ginamit sa kaniya. Dahil kahit kapangalan at kamukhang-mukha ito ng isang sikat na diaper brand ay wala itong sell-by date stamped na nagpapatunay na isa itong counterfeit o fake na produkto.

Samantala, naglabas rin ng product alerts ang European Union tungkol sa mga baby wipes na nagtataglay naman ng kemikal na kung tawagin ay iodopropynyl butylcarbamate o IPBC. Ito ay kabilang umano sa carbamate family ng mga biocides na maaring pumasok sa balat ng mga infants at magdulot ng adverse effect sa functions ng kanilang thyroid gland. Isa na nga sa mga produktong may taglay nito at ibinebenta sa bansa ay ang Super Soft Skin Care Wet Towel na nagkakahalaga ng P19.00 kada pakete.

Paalala ng mga awtoridad

Kaya naman dahil dito ay nagbabala ang FDA sa pagbili ng mga fake baby wipes in the Philippines na ito. Paalala naman ng grupo ng Ecowaste Coalition, dapat ugaliing tingnan ang ingredients o materyal na ginamit sa paggawa ng produktong bibilhin. Lalo na sa mga produktong ginagamit sa mga baby na sensitive pa ang mga balat.

“Consumers should carefully read the product labels, avoid wipes containing MCI/MIT and IPBC and shun those that have not been assessed by health authorities for their quality and safety.”

Ito ang pahayag ng grupo. Dagdag pa nila, dapat daw ay hindi ipina-flush o itinatapon sa kanal ang mga nagamit ng baby wipes. Dahil sa ito ay maaring bumara sa mga drainage at sewerage system na maaring magdulot ng baha at polusyon sa mga bahagi ng tubig sa bansa.

Source: The Sun UK, Manila Standard, GMA News

Photo: Manila Bulletin

Basahin: 10 extraordinary uses for baby wipes!

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Publiko pinag-iingat sa mga ibinebentang fake na baby wipes sa bansa
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko