X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baby Felize one-year-old na! McCoy de Leon pens sweet birthday message: "Lahat gagawin ko para mapasaya ka lang, anak"

5 min read

Baby Felize de Leon nagdiwang ng kaniyang first birthday. McCoy at Elisse may sweet na mensahe para sa kanilang anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Baby Felize de Leon 1st birthday celebration.
  • Mensahe nina McCoy de Leon at Elisse Joson para sa anak.

Baby Felize de Leon 1st birthday celebration

felize de leon birthday

Image from Elisse de Leon's Instagram account

Ipinagdiriwang nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang first birthday ng anak nilang si Baby Felize. Kahapon sa kaniyang Instagram account ibinahagi ni McCoy ang kanilang celebration kung saan makikita sa isang video na kinakantahan nila ni Elisse ng happy birthday song si Felize.

Maliban sa sweet happy birthday song at cute birthday dedication cake ay may mensahe rin si McCoy sa anak na makikita sa caption ng kaniyang IG post. Ito ay pinamagatan ni McCoy na “Simpleng mensahe para sa aking anak”.

Birthday message ni McCoy para sa anak na si Felize

 
View this post on Instagram
  A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Base sa post ni McCoy ay may inihanda silang family getaway ni Elisse para sa birthday ni Felize. Pero maliban sa bakasyong ito ay pinaghandaan daw ni McCoy ang anak ng munting salo-salo para mismo sa araw at oras ng kaniyang birthday.

Ito daw ay bilang selebrasyon niya sa pagdating ng anak sa buhay niya na nagbigay sa kaniya ng kakaibang saya.

“Alam ko mayroon tayong selebrasyon at bakasyon sa malayong lugar para mapasaya ka namin anak. Pero gusto ko lang rin malaman mo na ngayon eksaktong oras ng kaarawan mo. Naghanda ako ng munting salo salo para mapasaya ka namin sa simpleng paraan, walang ayos, walang kahit ano.”

Pagpapatuloy pa ni McCoy, sobrang saya at nagpapasalamat siya sa tuwing nakikitang nakangiti ang anak. Ang makita nga lang daw ang ngiti ng anak ay parang nagpaparamdam sa kaniya na araw-araw ay birthday nito. At kung may regalo nga daw itong ibibigay sa anak sa ngayon, ito ay ang pagmamahal niya habang-buhay.

“Basta ngayon anak kumpleto tayo kasama ka namin ng mommy mo, maniwala ka man sa hindi masayang masaya na ako, sobra na kung makita ka naming nakangiti (na dalawa pa ring maliliit na ipin)."

"Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan. Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak. Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghabangbuhay... pangako yan.”

Hiling pa ni McCoy na sana ay mabasa ng anak ang mensahe niya sa paglaki nito. Dahil ito ang patunay ng pagmamahal niya kay baby Felize, ganoon rin sa ina nito at partner niyang si Elisse.

“Sana pag tanda mo mabasa mo to at nakangiti ka. Ito ang patunay na sa unang taon mo dito sa mundo, lahat lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak. Mahal na mahal kita anak ko at ng mommy... sobra. Happy FIRST (hay ang bilis ng panahon) Birthday Felize!”

BASAHIN:

McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yong heart ni Elisse”

Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”

Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea para kay Baby Felize: “Importante ‘yong memories with her”

Birthday message ni Elisse para sa anak na si Felize

felize de leon birthday

Image from Elisse de Leon's Instagram account

Samantala, si Elisse naman ay nagkuwento tungkol sa naging birthday salubong nila ni McCoy sa birthday ni Felize.

“You tried to stay up late last night cause somehow you knew that it'll be your special day. Pero around 9 cranky baby ka na kaya we took out your cake and sang happy birthday."

"Si daddy nag-blow ng candle mo right before you tried to touch the fire and si mommy naman ang nagwish for you. You still played with your cake and syempre tikim tikim ka din—and that made you smile.”

Ito ang pagkukuwento ni Elisse sa parehong video na ibinahagi ni McCoy.

Sa dulo ng kaniyang mensahe ay sinabi ni Elisse kung paano ang maliliit na events at bagay na ginagawa ng anak na si Felize ay nakakapagpataba pa ng puso niya. Sinabi niya rin kung gaano niya kamahal ang anak kasunod ang pagbati ng happy birthday sa ngayong one year old ng si baby Felize.

“All of these little moments plus a hundred more in the last 12 months, make up so much of my heart.”

“Mommy loves you so much, Felize. We love you!!! Happy birthday my one year old.”

Sa ngayon, ayon pa rin sa Instagram post nina McCoy at Elisse, sila ay kasalukuyang nasa Bohol para doon i-celebrate ang first birthday ni Felize.

felize de leon birthday

Image from Elisse de Leon's Instagram account

Matatandaang Oktubre nang nakaraang taon ng isapubliko nila McCoy at Elisse na sila ay may anak. Ito ay kanilang ginawa sa Pinoy Big Brother house na kung saan kinuha nilang ninong si Big Brother ng anak nilang pinangalanan nilang Felize McKenzie.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Baby Felize one-year-old na! McCoy de Leon pens sweet birthday message: "Lahat gagawin ko para mapasaya ka lang, anak"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.