Isang human fetus ang natagpuan sa CR ng NAIA Terminal 1 nito lamang Miyerkoles, August 6, 2024.
Fetus sa NAIA Terminal 1
Natagpuan ng isang cleaning staff ng airport ang isang fetus sa CR o restroom ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, nitong umaga ng Miyerkoles.
Sa tantya ng mga awtoridad, nasa isang buwang gulang pa lamang ang fetus. Nakita umano ito ng tagalinis ng NAIA na nakabalot sa tissue paper na puno ng dugo at nakalagay sa loob ng basurahan.
Ayon sa report ng Philippine National Police, natagpuan ang fetus sa female restroom cubicle nang mangolekta ng basura ang tagalinis.
Agad naman umanong rumesponde ang airport police at medical team sa pangunguna ni Dr. Donita Arnesto—na siyang nagkumpirma na fetus nga ng tao ang nakabalot sa tissue.
Dinala rin naman agad sa Ninoy Aquino International Airport Police Station 1 ang fetus para sa angkop na aksyon at disposisyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives ng Philippine National Police. Sa ngayon ay nagsagawa na ng joint investigation ang NAIA Police Station 1 at Sub Station 8 upang makilala at mahanap ang nanay ng fetus.
Posibleng “miscarriage” at hindi abortion?
Samantala, nang kumalat ang balitang ito sa social media, agad namang nag-react ang mga netizen.
Ayon sa isang netizen, “Mas ok na yan, kaysa maranasan pa niya yung hirap ng buhay, nasa Pilipinas pa man din siya.”
May netizen naman na nagsabi na imbes na abortion ang nangyari ay malaki rin umano ang posibilidad na “miscarriage” ito o nakunan marahil ang ina ng fetus.
“Sounds like someone had a horrible miscarriage.”
Na sinang-ayunan naman ng isa pang netizen at humiling na sana ay mabigyan ng immediate care ang ina ng fetus sakaling matagpuan ito.
“Mother needs immediate care.”
Ikaw mommy o daddy, anong masasabi mo sa balitang ito? Maaaring ibahagi ang inyong opinyon sa comment section!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!