Mark Herras at fiancée na si Nicole Donesa magkakaanak na!

Mark Herras at fiancée na si Nicole Donesa magkakaanak na!

Fiancée ni Mark Herras na si Nicole Donesa ay buntis sa una nilang baby, inanunsyo nila ito sa kanilang Youtube channel kamakalian.

Ibinahagi ni Mark Herras at fiancée na si Nicole Donesa ang balitang siya’y buntis sa kanilang Youtube channel.

“We are happy, we are proud and we are excited to tell you guys (Nicole) is pregnant,”

fiancée-ni-mark-herras-buntis

Screenshot from MarkNico Youtube channel

Limang buwan na umanong buntis ang fiancée ni Mark Herras na si Nicole Donesa sa kanilang unang baby.

Nilinaw ng dalawa na hindi naman iyon ang rason ng kanilang pagpapakasal ayon kay Mark.

“Pero hindi ‘yon ang reason kung bakit kami magpapakasal, okay? Nililinaw ko lang sa mga mamba-bash diyan.”

fiancée-ni-mark-herras-buntis

Screenshot from MarkNico Youtube channel

Sinabi ni Nicole fiancée ni Mark na sinadya raw talaga na i-delay ang announcement ng kanyang pagbubuntis.

“It’s nice thing to keep private muna especially during the very sensitive stages sa akin. First trimester for me was so hard. Both of us actually, (it) was really hard,”

fiancée-ni-mark-herras-buntis

Screenshot from MarkNico Youtube channel

Kaya naman pinili munang itago ng dalawa ang magandang balita dahil naging mahirap para kay Nicole ang first trimester at pati na rin kay Mark. Kaya hindi muna agad nila sinabi ito sa publiko.

 

Mark Herras at Nicole Donesa’s Relationship

Unang nagkakilala ang dalawa sa isang afternoon drama sa GMA network na “Bihag”. Doon nagsimula ang kanilang simpleng pagkakaibigan. Dahil sa natatanging closeness ng dalawa na ibinabahagi nila sa kanilang social media maraming netizen ang naghihinalang may relasyon na nga sila.

Inamin nila ang kanilang relasyon August noong nakaraang taon at matapos halos ang isang taon sila naman ay na engaged noong June 2020.

“Just when I thought the world was ending, a miracle happened. Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can. Thank you God,”

Sinabi ni Nicole sa kanyang Instagram post patungkol sa kanilang engagement ni Mark Herras.

Ang kanilang relasyon ay puno ng saya at kilig, ang kanila ngang endearment sa isa’t isa ay “bearbear”.

Pinagdiwang din nila ang mga holiday magkasama. Mas tumibay umano ang kanilang relasyon habang COVID-19 pandemic.

Noong birthday nga ni Nicole naghanda sila ng pagkain para sa mga coronavirus frontliners katuwang si Mark Herras noong May 2020.

Ngayon nga ay inaasahan na ng dalawa ang kanilang unang baby. Dagdag pa ni Mark Herras lalaki ang kanilang anak pero gusto aniya ni Nicole ay babae. Pero tingin umano talaga niya ay lalaki ang kanilang magiging anak.

Congratulations sa kay Mark Herras at sa first-time mom na si Nicole Donesa.

 

SOURCE:

ABS-CBN.com

BASAHIN: 

LOOK: Carlo Aquino, isa ng daddy!

Dianne Medina, ipinasilip ang room ni Baby Joaquin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner