Alam niyo ba na wala pa sa kalahati ng workforce ng NASA ang mga babae? Pero ang department head nito ay isang Filipina American? Kilalanin si Filipina-American engineer Josephine Santiago-Bond!
Filipina American Engineer Josephine Santiago-Bond
Si Santiago ang head ng Advanced Engineering Development Branch kung saan mayroong 21 na engineers at interns. Siya ay nagmula sa pamilya ng mga scientists pero kuwento niya, hindi raw siya magaling sa Math noong nag-aaral pa.
Image from NextShark
Sa katunayan, bumabagsak pa nga raw siya pero ito ang kanyang sinabi:
“I had to crawl my way through some of the courses, but I wasn’t going to give up because of a few bad grades.”
Kahit noong nag-aaral pa, hindi naman daw niya inaasahan na related sa Siyensiya ang magiging propesyon niya. Siya rin ang pinakabata sa pamilyang puro mga doktor.
Josephine Santos-Bond childhood
Image from NextShark
Siya ay ipinanganak sa United States pero noong medyo tumanda ay tumira rin sa Pilipinas.
Kuwento niya pa, nag-PHD noon ang kanyang mga magulang kaya nakita talaga niya ang tiyaga ng mga ito sa kanilang propesyon. Kaya naman bata pa lang ay alam niya na ganito rin ang expectation mula sa kanya.
“I’ve witnessed how they’ve achieved their career goals by having strong work ethic, and they have expected no less from me.”
Kuwento niya pa, hindi naman talaga siya interesado sa space noong nag-aaral pa. Pero siya ay nagkaroon ng oportunidad na mag-intern sa Kennedy Space Center sa Florida. Nagustuhan niya raw ang passion at paraan ng pagtatrabaho ng mga tao doon kaya naman na-engganyo rin siya.
Image from NextShark
“I fell in love with the passion of the people that I briefly worked with, and the exciting mission of the agency.”
Siya ay nag-aral din sa University of the Philippines ng Electronics and Communications Engineering program.
Senyales na matalino si baby
1. Maagang naaabot ang mga milestones kumpara sa mga ka-edad niya
Maaaring alam mo na kung ano ang mga baby developmental milestones. Magandang paraan ito para malaman kung ang iyong anak ay nasa tamang track pagdating sa physical, cognitive at emotional growth.
Subalit, kung di hamak na masmaagang naaabot ng iyong anak ang kanyang milestones kumpara sa mga ka-edad niya, senyales ito ng matalinong baby. Halimbawa, kung ang iyong tatlong buwang gulang ay kaya nang umupo nang mag-isa. O ang iyong 10 buwang gulang ay nakakapagsalita na ng malinaw at buong mga pangungusap.
2. Kayang kaya mag focus
Ang mga baby at bata ay kilala sa kanilang mababang attention spans — nasa 15 minuto lamang at iba na ang nais nilang gawin. Subalit, isa sa mga senyales ng matalinong baby ay kaya nilang mag focus sa isang gawain nang matagal sa murang edad pa lamang, bago mag 6 na buwang gulang.
Halimbawa, makita ang iyong 5 buwang gulang na naka-focus sa paglalaro ng wooden blocks nang hindi nadi-distract. O nakaupo lamang siya habang binabasahan ng libro, at nagagawa pang ituro ang mga paboritong larawan o nililipat ang pahina.
3. Nag-eenjoy magsolve ng problems
Kugn ang iyong anak ay nagpapakita ng signs ng matalinong baby, huwag umasang makita sila na madaling sumuko! Tama — kasama ng matinding focus, ang mga baby na ito ay nabiyayaan ng pambihirang problem-solving skills. Halimbawa, naitabi ang mga snacks sa cabinet, madali itong maiintindihan ng iyong anak at makakahanap ng paraan para maabot ito.
Lahat ng bata ay nagpapakita ng problem-solving skills kasabay ng kanilang developmental milestones. Ngunit, ang talagang advanced na bata ay maipapakita ang mga ito nang masmaaga sa mga ka-edad nila.
Gusto mo bang tumalino ang iyong anak?
Alam mo ba na mayroong mga maliliit na bagay na puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa iyong anak? Isa na rito ang pagbabasa sa kanila ng libro. Marahil ay marunong na silang magbasa mag-isa pero ang pagbabasa ng libro sa kanila ay mas nakakabuti raw ayon sa mga pag-aaral.
Subukan daw itong gawin araw-araw at makikita mo unti-unti ang mga benepisyo nito. Bagama’t madalas ay abala ang mga magulang sa ibang bagay, importante talagang bigyan pa rin ang iyong anak ng kahit kaunting oras at atensyon.
Dahil marami sa mga magulang ay abala, mahirap itong gawin araw-araw. Kaya naman narito ang ilang tips para magawa mo itong exercise na ito nang tuloy-tuloy.
- Magsimula muna sa mga maiikling kuwento para hindi masyadong matagal na oras ang kailanganin.
- Mag-set ng oras na walang makakaabala sa inyo. Siguraduhin muna na tapos na ang mga dapat mong gawin.
- Kung gusto mo ring masukat kung natututong magbasa ang iyong anak, pwede kayong mag-take turns sa pagbabasa ng isang kuwento.
- Kung nahihirapan ka naman dahil distracted ang iyong anak sa tuwing kayo ay nagbabasa, siguraduhin na engaging ang istorya na iyong pipiliin.
- Paminsan ay tanungin mo rin siya kung ano ang kanyang natututunan at huminto minsan minsan habang nagbabasa para siguraduhing siya ay nakikinig.
- Para sa mga mas bata, ayos lang kung magbasa kayo ng istorya ng ilang ulit. Pero para sa toddlers at preschoolers, marahil ay palagi silang maghahanap ng bagong kuwento.
Simple lang ang pagbabasa sa iyong anak pero napakarami nitong benepisyo para sa kanila. Kung talagang gusto mo na lumaki silang matalino at mabait, alam mo na kung ano ang iyong dapat gawin!
Source:
NextShark
Basahin:
WATCH: Real life wonder woman conquers American Ninja Warrior, inspires young girls
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!