Siguro’y nakita mo na ito sa mga panaderya sa inyo, o kaya naman ay sa school canteen noong estudyante ka pa, o di naman kaya’y sa trabaho. Kahit saan mo pa siya makita, alam mong ito ay parte na ng ating Pinoy na panlasa: ang Filipino egg pie. Kaya naman nagdesisyon kaming maglabas ng egg pie recipe dito!
Ang isang egg pie recipe ay karaniwang binubuo ng gatas, asukal, itlog, at minsan, konting kalamansi bara bawasan kung masyado siyang matamis.
Kung gusto mo maging tradisyunal, pwede kang gumamit ng evaporated milk at minatamis na condensed milk. Noong panahong hindi pa talamak ang refrigerator, sa mga kabahayan sa PIlipinas noon.
Ang pinaka-kilalang bahagi ng egg pie ay ang tustadong kulay ng ibabaw nito. Ito ay makukuha lang kung maglalagay ka ng puti ng itlog sa custard batter bago mo ito lutuin.
Paano gumawa ng Filipino egg pie
Pie Dough:
- 1 1/2 tasa (198 g) all-purpose flour
- 1/2 kutsarita fine sea salt
- 1 kutsarita granulated sugar
- 1/2 tasa (4 oz/114g) unsalted butter, kinutsara, malamig
- 2-3 kutsarang ice water
Filling:
- 6 malaking egg yolks
- 3/4 tasa sweetened condensed milk
- 1 tasa evaporated milk
- 1/4 kutsarita vanilla extract
- 2 large egg whites
- opsyonal: 1/2 kutsarita calamansi juice or 1/2 kutsarita calamansi zest
Pie Dough:
-
Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang harina, asin, at asukal. Takpan at palamigin sa refrigerator o freezer hanggang lumamig ang buong mangkok (Mga 5 minuto.)
-
Gamit ang pastry blender (o dalawang tinidor), lagyan ng malamig na mantekilya ang malamig na harina hanggang magmuka itong magaspang at mabatong buhangin. Lagyan ng ice water at tupuin para magsama ang mga sangkap. Ang dough ay magiging makapal.
-
Ilagay ang dough sa malinis na mesa na may konting harina, at saka mo doon masahin hanggang maghalong mabuti ang dough. Patagin ang dough sa kapal na 1/2-inch. Balutin ng plastic wrap at palamigin sa chiller ng isang oras (o kaya naman ay buong gabi, kung ikaw ay may oras).
-
Ilabas ang pinalamig na dough at hayaan ito manatili sa temperatura ng kwarto ng limang minuto bago ito i-roll. Lagyan ng konting harina ang mesa at pagkatapos ay i-roll ang dough dito, 11 inches ang diametro at 1/8 inch ang kapal. Ilagay ang pie plate na nakataob sa rolled dough para makasigurong tama ang laki nito.
-
Ilipat ang dough sa pie plate at mariing idiin ito sa loob ng pie plate. Tanggalin ang sobrang dough pero mag-iwan ng 1/2 inch na sobrang dough sa mga gilid ng pie plate. Tupiin ang sobrang dough na ito pabalik sa pie at palamutihan ang mga gilid kung gugustuhin mo. Palamigin sa refrigerator ng 5 hanggang 10 minuto.
-
Painitin muna ang oven hanggang 400oF. Lagyan ang pie ng parchment paper at patungan ito ng pabigat (katulad ng dried beans). Lutuin ito ng 15 minuto. Alisin ang pie weights at lutuin ulit ang pie ng tatlo pang minuto. Pagkatapos, hayaang lumamig ang crust habang ginagawa mo ang filling ng egg pie.
Filling:
-
Ibaba ang temperatura ng oven sa 325oF. Sa malaking mangkok, paghaluin ang dalawang itlog, condensed milk, evaporated milk, asin, at vanilla (pwedeng calamansi, kung iyong nanaisin) hanggang maging In a large bowl, whisk together egg yolks, condensed milk, evaporated milk, salt, and vanilla (and optional calamansi) hanggang maging pino ito. * Sa isang hiwalay na mangkok, magbate ng puti ng itlog. Pagkatapos ay dahan-dahang ihalot ito sa batter.
-
Isalin ang batter sa bahagyang lutong pie crust. Lutuin ng 45 hanggang 50 minuto hanggang maging golden brown ang ibabaw nito at ang custard ay maging parang gelatin. Hayaang lumamig ang egg pie bago hatiin. Kapag lumamig na ito, pwede mo na itong ilagay sa refrigerator para mas madali at mas malinis siyang hatiin.
Pwede mo ring basahin: 5 Pinoy dessert recipes na patok ngayong summer!
Source: The Little Epicurian
Isinulat ni Paul Amiel Salonga
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!