Natagpuang wala ng buhay ang filipino nurse mula London na si Nurse Donald Suelto. Napagalamang siya ay naka under quarantine sa kanyang mismong bahay.
Filipino Frontliner Nurse Donald Suelto
Ayon sa panayam sa pamangkin ni Nurse Suelto na si Emylene Suelto Robertson, kinailangang mag self-quarantine ni Nurse Suelto dahil sa exposure sa isang pasyenteng may COVID-19 sa ospital kung saan siya nagtatrabaho.
Filipino Nurse Donald Suelto | Image from Emylene Robertson
Sa kwento ng kanyang pamangkin na si Emylene, wala itong suot na personal protective equipment dahilan para makakuha ng virus sa pasyenteng umuubo. Agad rin siyang sumailalim sa swab test upang malaman kung infected na ba ito. Advised naman ng mga doktor sa kanya, na magsagawa siya ng self quarantine noon ding March 28.
Sa unang mga araw ng quarantine ni Nurse Donald, ayon kay Emylene ay lagi nila itong kinakamusta kung ano na ang kalagayan niya. Tugon naman ng kanyang tito ay ayos lang ito at hindi nila kailangan mag-alala. Wala pa kasi itong nararamdamang sintomas. Tanging ang nararamdaman nito ay ang kakaiba sa lalamunan.
“But one thing he was saying was that his throat was sore but his face did not show that he was not well. He did not show us that he’s not well,”
Hanggang sa pang limang araw ay nakakaramdam na agad siya ng mild symptom katulad ng sore throat at kinabukasan ay nagkaroon rin ng lagnat.
Sinasabi rin ng kanyang tito na nakakaranas ito ng dry cough at labis na pagkapagod.
“He said he was very tired. His body was in pain,”
Filipino Nurse Donald Suelto | Image from Emylene Robertson
Kaya naman noon ding April 5 ay tinawagan ni Nurse Suelto ang kanyang manager para sana magpadala sa ospital ngunit ang utos ng boss ay tumawag sa London hotline para sa emergency healthcare. Ngunit kwento ni Emylene, hindi nasasagot ang tawag ng kanyang tito dahil na rin siguro sa dami ng tawag mula rito.
Nagsimulang mangamba si Emylene nang tatlong araw na hindi sumasagot sa kanyang tawag si Nurse Donald. Kaya naman nakiusap ang isang malapit na kaibigan ni Nurse Donald sa mga pulis na ipatingin siya sa tinitirhang apartment. Para na rin makumpirma ang kalagayan nito. Ngunit hindi agad nalaman ng ang mga awtoridad dahil hindi agad-agad pwedeng makapasok dito kung walang permiso.
Kaya naman nagbigay ng pahintulot si Emylene sa mga pulis na puntahan ito sa tinitirhan at nagpakilala siya na pamangkin nito.
At dito na nga natagpuan ang walang buhay na katawan ni Nurse Donald.
Dagdag pa ni Emylene, naging mahirap ang naging proseso matapos makuha ang bangkay ng kanyang tito. Dahil hindi nila alam kung nasaan ito dahil wala silang contact.
“It was like we were chasing so many numbers from different corner court in London. Because no one advised what the procedure was after they found my uncle dead.”
Filipino Nurse Donald Suelto | Image from Emylene Robertson
Labis naman ang pagdadalamhati ng malalapit na pamilya at kaibigan ni Nurse Donald. Inalala rin ni Emylene ang kabutihan ng kanyang tito.
“He is really a great hero. And he stayed in his home. He made it on his own. He followed the rules that we should not call unless really needed, he never went out and respected the rules here. I’m very proud of him. He was really a dedicated worker, He is devoted to his family and he loved his job.”
Ang 51 years old na nurse na si Donald Suelto ay 18 years nang nagtatrabaho at nagsisilbi sa National Health Service sa London. Ibinahagi rin ng kanyang pamangkin na si Emylene kung gaano ito kalapit at kabait. Hindi lang sa kaniya pati na rin sa iba pa nitong kamag-anak. Walang asawa ang 51 years old na si nurse Donald. Dahil ayon sa kanya, sinusuportahan nito ang apat niyang pamangkin at ang 77 years old nitong nanay sa Pilipinas.
“He was really a dedicated worker, He is devoted to his family and he loved his job.”
Source:
CNN Philippines
BASAHIN:
Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din , RIP Philippine Pediatric Society President Dr. Sally Gatchalian
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!