Gusto ko lang sana i-share ang Filipino success story ng Dad ko since Birthday niya noong nakaraan. Mula sa pagbebenta ng suka hanggang sa pagtatayo ng mga high rise builiding.
Mula sa paglalakbay sa kalsada ng Pampanga hanggang sa paglalakbay sa buong mundo. Sa pagiging wala ay pagiging mayroon. Mula sa bahay sa ibabaw ng creek hanggang sa isang bahay na pwedeng gawing location ng isang pelikula.
Sa pagtutulak ng kariton hanggang sa pagmamaneho ng sasakyan.
Filipino success story ng aking Tatay/Dad/Papa
Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Subalit hindi naging hadlang ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA.
Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon-galon na Suka ang kaniyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito.
Ang nalilikom niyang pera ay kanyang pinang-papaaral sa kanyang sarili at binibigay niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid.
Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka.
Noong mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka.
Larawan mula kay Marc Randall Sicat
Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio.
Makalipas ang 2 taon
After 2 years niyang mamasukan bilang isang Engineer siya agad ay nagtayo ng kanyang sariling construction company. Sa loob ng 2 years bago niya itayo ang kaniyang kumpanya siya ay pumunta sa Manila at siya ay nalayo sa kanyang pamilya.
Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at siyempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit.
Larawan mula kay Marc Randall Sicat
Maraming nagtiwala sa kaniyang mga client at lalampas na ng 1000 projects ang kaniyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls, mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat ng Hospital at eskuwelahan at marami pang iba.
Larawan mula kay Marc Randall Sicat
Pero siyempre ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi TINANGGAP ng papa ko si HESUS bilang kanyang Diyos, Hari, at Tagapagligtas.
“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” –John 3:16 NIV
“If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.” – Romans 10:9 NIV
Kaya TO GOD BE THE GLORY! Happy Birthday din sayo Papa! I love you!
Larawan mula kay Marc Randall Sicat
Orihinal na inilathala ni Marc Randall Sicat sa Facebook, at may permiso mula kay Marc Randall Sicat na ilathala sa theAsianparent Philippines
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!