Mula sa paglalakbay sa kalsada ng Pampanga hanggang sa paglalakbay sa buong mundo. Sa pagiging wala ay pagiging mayroon. Mula sa bahay sa ibabaw ng creek hanggang sa isang bahay na pwedeng gawing location ng isang pelikula.
Sa pagtutulak ng kariton hanggang sa pagmamaneho ng sasakyan.
Filipino success story ng aking Tatay/Dad/Papa
Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Subalit hindi naging hadlang ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA.
Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka.
Noong mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka.
Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio.
Makalipas ang 2 taon
Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at siyempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit.
Maraming nagtiwala sa kaniyang mga client at lalampas na ng 1000 projects ang kaniyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls, mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat ng Hospital at eskuwelahan at marami pang iba.
BASAHIN:
Mommy vlogger, nakapagpatayo ng bahay mula sa katas ng online business at Youtube
REAL STORIES: Bitbit ko ang dalawang anak ko sa klase — ngayon may degree na ako
The inspiring story of Norman King—the first Aeta U.P. Graduate
Kung-makikita niyo wala man lang pintura ‘yong pader na pinost ko sa mga pictures. Pero ngayon ‘yong new house na ginawa din ng Dad ko ay pinagshooshootingan pa.
Dati nilalakbay niya buong Pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kaniyang minamaneho.
“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.” –John 3:16 NIV
“If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.” – Romans 10:9 NIV