6 na pagkain at inumin na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag

ALAMIN: Mga mommy! 'Wag kakainin ang mga pagkaing ito para maiwasan ang pagkalaglag n baby. Ano ang mga food that causes miscarriage?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Food that causes miscarriage: Madaming dahilan kung bakit nakukunan ang isang babae.  Minsan nakadepende ang maayos na pagbubuntis sa kung healthy foods lang ang kinakain mo ng isang ina. Meron lang talagang mga pagkain na kailangang iwasan ng isang buntis para sa maayos na kapit ni baby sa tyan.

Food that causes miscarriage

Narito ang mga pagkaing maaaring magdulot ng pagkakunan:

1. Kape at iba pang caffeinated drinks

May ibang doctor na nagsasabing okay lang na uminom ng black coffee, tea at soft drink ang isang buntis. Ngunit tandaan, ito ay hindi pwede sa lahat. Kung ang iyong pagbubuntis ay sensitive, mas makakabuti kung iwasan mo muna ang mga caffeinated drinks.

6 na pagkain at inumin na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag | Image from Mike Kenneally on Unsplash

Kung ang iyong doctor naman ay binigyan ang approval na uminom ng kape o tea sa isang araw, laging isaisip lamang na ang caffeine ay diuretic. Ibig sabihin ay madaling makapagpalabas ng fluid sa iyong katawan. Kaya mas mabuting uminom ng maraming tubig para na rin mapunan nito ang mga fluid na nilababas dahil sa caffeine.

2. Madumi at hindi hugas na pagkain

Ugaliing hugasan ang mga pagkaing ihahain. O kaya naman lutuin ito ng mabuti. Hindi ito namamalayan ng lahat ngunit may masamang epekto din sa pagbubuntis ng isang babae ang hindi hugas o hundi lutong pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Raw food

Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain rin ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby.

Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.

6 na pagkain at inumin na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag | Image from Fadya Azhary on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Raw egg

Maraming pagkain ang kalahok ay hilaw na itlog. Ngunit alam mo ba na ito ay maaaring sanhi ng salmonella? Ang mga sintomas nito ay pananakit ng tyan at pagtatae. Kapag nakaramdam ka na parang may iba sa tyan mo, hindi maaalis sa isang buntis ang makaramdam ng stress o pagkabahala.

Iwasan na ang hilaw na itlog na maaaring makapagdulot ng Salmonella

5. Isda na may mataas na mercury content

May benefits sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.

Ayon sa Mayo Clinic, ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackaerel o tile fish.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6 na pagkain at inumin na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag | Image from Unsplash

6. Alak

Ayon sa mga medical experts, lahat ng uri ng alak ay talagang makakasama sa kalusugan ng baby mo. Meron rin itong negative benefits para sa brain cells ng baby mong kasalukuyan mong pinagbubuntis.

Para makasiguro, ‘wag na lang uminom ng alak sa mga buntis. Isa ang alak sa dahilan sa pagkakunan. Maaaring ang anak mo ay magkaroon ng Fetal Alcohol Syndrome.

7. Organ Meat

Kahit na marami ang nakukuhang nutrients dito, hindi pa rin nakabubuti sa isang buntis ang pagkain ng organ meat. Ang mga nutrients na makukuha rito ay vitamin B12, vitamin A, iron at copper na makabubuti sa nanay at sa kanyang anak. Ngunit ang sobra-sobrang vitamin A intake ay hindi nirerekomenda sa pagbubuntis ng nanay. Isang dahilan kasi ito nang pagkakaroon ng abnormal na pagtaas ng copper na pwedeng makaapekto sa birth defects ni baby paglabas.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN: 

Iba’t ibang uri ng miscarriage at paano maiiwasan ito

Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano