Free mammogram at breast ultrasound ipatutupad ng Philhealth mula sa July

Magkakaroon na ng free mammogram at breast ultrasound para sa mga Pilipina simula sa July 2024. Ito ang bagong programa ng Philhealth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang magandang balita para sa mga kababaihan ngayong Women’s Month ang ibinahagi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Aniya, magkakaroon na ng free mammogram at breast ultrasound simula sa July 2024.

Bagong Philhealth program: Free mammogram at breast ultrasound para sa mga Pilipina

Ayon sa World Health Organization (WHO), breast cancer ang isa sa pinaka karaniwang type ng cancer na nakaaapekto sa mga Pilipina. Dagdag pa rito, ayon sa WHO, mayroong 685,000 deaths noong 2020 ang naitala nang dahil sa breast cancer. Tinatayang nasa 2.3 million babae ang naitalang na-diagnose ng breast cancer noong 2020.

Larawan mula sa Shutterstock

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga kababaihan na magkaroon ng access sa preventive care kaugnay ng breast cancer, magbibigay ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng free mammogram at breast ultrasound sa mga Pilipina. Magsisimula ang programang ito sa July.

“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” saad ni Romualdez.

Ito ang inanunsyo ni Speaker Romualdez. Matapos ang kaniyang meeting kasama ang mga Philhealth official. Sa pangunguna ng president at chief executive officer na si Emmanuel Ledesma Jr.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Nangako naman si Ledesma na maipatutupad nila ang programang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We will not fail you…We are really confident that we will be able to fulfill your request,” saad ni Ledesma.

Samantala, inanunsyo rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa nitong Martes, March 12, 2024. Na inatasan niya rin ang Philhealth na isama ang free mammogram at breast ultrasound services sa “Konsulta” benefits package. Na para umano sa immediate implementation sa buong bansa.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This will ensure sustainable financing of preventive health services that can catch cancer and other conditions early so that we can unload higher level hospitals within the health care provider network,” saad ni Herbosa.

Sa  ngayon ay hihintayin na lamang natin ang kanilang anunsyo kung paano ma-avail ang nasabing serbisyo para sa mga babaeng Pilipino.

Sinulat ni

Jobelle Macayan