Binahagi ni Gab Valenciano ang hinarap niyang problema kaugnay ng kaniyang mental health. Kinuwento rin niya kung anong nakatulong sa kaniya para malampasan ito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Gab Valenciano ibinahagi ang kaniyang mental health issue na naranasan
- Mensahe ni Gab sa mga taong tulad niyang nakikipaglaban sa mga mental health issues
Gab Valenciano ibinahagi ang kaniyang mental health issue na naranasan
Image from Gab Valenciano’s Facebook account
Sa pinakabagong episode ng vlog ng kilalang showbiz reporter na si Ogie Diaz ay ininterview niya si Gab Valenciano. Ito ay ang isa sa mga anak ni Gary Valenciano at misis niyang si Angeli Pangilinan. Si Gab ay kilala ring dancer, director at musician.
Base sa pag-uusap nila Ogie at Gab, ay ibinahagi ni Gab kung paano nakaapekto ang pangbabash na natatanggap niya online sa kaniyang mental health.
Kung noong una daw ay hindi niya sineseryoso ang depression, nang maranasan niya ito ay nag-iba ang pananaw niya sa naturang health issue.
“I never understand what anxiety was. Actually tinatawanan ko siya before. I didn’t understand what mental health was until it happened to me.”
Bagamat, ang depression niya ay hindi daw basta lang nag-ugat sa bashing na natatanggap online. Naging dagdag na dahilan daw ito para lumala ang depression at mental health issue na kaniyang naranasan.
“It was the people around, the bashing, the fake news doon ako naapektuhan.”
“Talagang I tried to hurt myself at one point.”
Ito ang sabi pa ni Gab.
Gab biktima ng bullying at bashing
Image from Gab Valenciano’s Facebook account
Kuwento pa ni Gab, bata palang daw siya ay biktima na siya ng bullying na hindi niya naiintidihan kung bakit.
“I don’t know what I did to deserve this. And I think I’m an okay person naman.”
“Actually, it goes all the way back when I was young. Ang dami kasing nagsasabi na ‘Napaka-lucky mo na Valenciano ka.’ Hindi nila alam na before social media, may bullying na.”
“I was 6 or 7 years old. Naalala ko pa to sa school. Pagpasok ko ng kwarto sabi ‘Ay ang pangit pala ng anak ni Gary V.’ So as a 6 o 7-year-old syempre hindi ko makakalimutan yun.”
Ang karanasan niyang ito bilang isang bata ang pinag-ugatan daw ng mental health condition na nararanasan ni Gab. Siya ay natukoy na may bipolar disorder at clinical depression base sa diagnosis ng doktor.
BASAHIN:
Bangs Garcia umaming nakaranas ng depression: “Na-realize ko hindi ako puwedeng housewife talaga.”
Pagkakaroon ng girlfriend o boyfriend, makatutulong ba sa depression? Heto ang sagot ng mga experts
Angelica Panganiban to take a break from showbiz: “Tutukan ko na muna ‘yong baby.”
Gab naging madali ang recovery sa depression sa tulong ng mga magulang niya
Image from Gab Valenciano’s Facebook account
Sa kabila ng karanasan, ni minsan daw ay hindi nagalit si Gab sa mga magulang niya. Bagkus ay malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sa maayos ang naging pagpapalaki nila sa kaniya at sa mga kapatid niya.
“Never akong nagkaroon ng sense of hatred towards my parents. If not mas mahal ko pa sila. Because when we were growing up never pa akong nakipag-away, nakipagsuntukan sa buong buhay ko. Because I was raised by two very good people, mommy ko at saka daddy ko.”
Mahalaga rin daw ang naging papel ng mga magulang niya sa paglaban niya sa depression na naranasan. Dahil sa pagmamahal at suportang ipinapakita ng mga ito ay naging madali ang recovery niya.
“Nagmi-message sila sakin randomly. I love you son. I miss you. Si Mommy ko din nagse-send ng bible verse. And those small messages, even sa mga galing sa mga kaibigan, they really matter.”
“Doon ako thankful na I have a very good childhood. I grew up in a very good household. And I hope na one day, magawa ko din yun for my future family.”
Maliban sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang, ay natutunan rin daw ni Gab na palibutan ang sarili niya ng mga tamang tao. Ganoon rin ang mga bad habits na maaring makasama sa kalusugan niya.
“Ang ginawa ko, I surrounded myself with the right people talaga. Nagtanggal talaga ako ng mga kaibigan na kahit sabihin mong 15 years ko nang kilala. Tinanggal ko talaga sa buhay ko na hindi okay sakin. Tinanggal ko yung mga bad habits.”
Mensahe ni Gab sa mga may nararanasang mental health condition
Sa kabuuan sabi pa ni Gab, hindi niya matatamo ang mental health at self-awareness na mayroon siya kung hindi dahil sa mga struggles at challenges na kaniyang naranasan. Kaya sa mga tulad niya na lumalaban sa naturang kondisyon ay narito ang mensahe niya.