Isa lamang ang talagang hangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang maging masaya at successful ang mga ito. Mabuti nalang, maraming mga pagaaral ang naisagawa para malaman ang tamang gabay sa pagpapalaki ng anak. Nuong nakaraang taon, isang pagaaral ang isinagawa ng mga mananaliksik mula MIT, Harvard at University of Pennsylvania. Nalaman nila na ang isa sa pinakamahalagang magagawa ng mga magulang para sa anak ay kausapin sila.
Gabay sa pagpapalaki ng anak upang lumaki silang successful
Ang pakikipag-usap sa kanila habang sila ay bata pa lamang ay makakatulong sa pagkamit ng successful na buhay. Ang pinaka-mahalagang kakayahan para makamit ito ay ang komunikasyon. Kailangan ito sa baway gabay sa pagpapalaki ng anak. Kapag may matibay na kakayahan sa komunikasyon, masmataas ang posibilidad na magkaroon ng mga sumusunod:
- Mas magagandang relasyon
- Mas tumatagal na pag-aasawa
- Pagkakaroon ng mataas na kumpiyansa sa sarili
- Pangkalahatang kasiyahan sa buhay
Ang kagandahan ng pakikipag-usap
Ang pag-aaral na isinagawa ay gumamit ng functional magnetic resonance imaging (fMRI). Gamit ito, sinuri ang mga isip ng 36 na bata sa iba’t ibang istilo ng pakikipag-usap.
Dito nakita na ang bahagi ng utak na nakatuon sa speech production at language processing (Broca’s area) ay nagiging aktibo habang nakikipag-usap. Ang mga nakitaan ng mas-aktibong Broca’s area ay masmataas ang puntos sa wika, grammar, at kakayahan sa pangangatwiran.
Ayon sa senior author ng pag-aaral na si John Gabrieli, kanilang napakita ang unang ebidensiya na ng ugnayan ng pag-uusap at brain development. Nakakabighani ang impluwensiya ng pakikipag-usap ng mga magulang sa biological growth ng utak.
Alamin kung ano ang word gap
Sa isang pag-aaral nuong 1995, nakita na ang mga bata mula sa mayayamang pamilya ay masmataas ang abilidad sa wika at komunikasyon. Naugnay ito sa pagka-expose ng mga bata sa nasa 30 milyon na salita sa murang edad kumpara sa mga mula sa masmahihirap na pamilya. Ngunit, ayon sa bagong pag-aaral, wala masyadong kinalaman ang 30 milyon na salitang gap na ito.
Ayon kay Gabrieli, ang pakikipag-usap ang nakikitang pinag-kaiba, ano pa man ang kakayahan sa buhay. Ang pakikipag-usap sa bata ay mas nakikita sa mga mayayamang pamilya. Nakita parin ang benepisyo ng pakikipag-usap sa mga bata mula sa mga masmahihirap na pamilya.
Pakikipag-usap
Lagi nating kinakausap ang ating mga anak, direkta man o hindi. “Maupo ka dito.” “Bilisan mo, mahuhuli na tayo.” “Magaling!” “Huwag mong gawin yan.” Ngunit, ang importante ay ang pakikipag-usap, palitan at hindi lamang mula sa isang partido.
Hindi nito ibig sabihin na magkaroon ng malalalim na pakikipag-usap sa mga bata. Ang mahalaga ay ang mga pag-uusap kung saan nababahagi ang mga nais sabihin ng isa’t isa.
Hindi ito mahirap gawin at may malaking maitutulong na pang matagalan. Napapaganda nito ang pangkabuohang kakayahan sa komunikasyon na importante sa success sa magiging career. Pagdating sa kanyang kinabukasan, mahalaga ang pakikipag-usap sa kanya.
Source: CNBC
Basahin: Ito raw ang sikreto para maging successful ang iyong anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!