X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Galit na customer, pinagsisigawan at binato diumano ang isang service crew

4 min read
Galit na customer, pinagsisigawan at binato diumano ang isang service crewGalit na customer, pinagsisigawan at binato diumano ang isang service crew

Dahil sa viral video ng galit na customer, mga netizens nagpalitan ng kuro-kuro na hindi sa lahat ng oras ay “customer is always right.”

Isang video ng galit na customer sa isang Pizza Hut service crew ang nagviral sa social media nitong nakaraang araw. Ang video ay kuha sa Araneta Coliseum na kung saan ginanap ang ice skating performance na “Magic on Ice” show.

Sa video makikita ang dalawang matanda na pinagsisigawan ang Pizza Hut service crew.

Ayon sa uploader ng video na si Olin Ovlac na nandoon rin para manood ng naturang ice skating performance, ang hindi pagkakaintindihan daw ay nag-ugat sa pagkakatanggal ng takip ng mineral na water na order ng mga customer.

“Sobrang naawa ako sa service crew dahil pinaliwanag nya naman sa customer na policy talaga for safety purpose yung pagtanggal ng takip sa mineral water.Aba nagwawala ang mag-asawa at binalikan pa ng anak at pinagbabato ang team member ng pagkain.”

Samantala, isang facebook user din na si Jernard Bariso ang nagcomment sa Facebook post ni Ovlac para maipaliwanag talaga ang nangyari.

Ayon sa kaniyang post bago pa man ang hindi pagkakaintindihan sa bottle cap policy ng Araneta Colisuem ay nauna ng pumila sa linya ng Pizza Hut ang matandang babaeng customer para bumili ng popcorn. Ngunit dahil hindi naman nagtitinda ng popcorn ang Pizza Hut ay nagalit ito ng maunang bigyan sa kaniya ang isang customer na umo-order ng pizza. Dito ipinaliwanag ng service crew na hindi sila nagtitinda ng popcorn kung hindi ang katabing stall nila at iba ang linya ng transaction para dito.

Paliwanag ukol sa viral video ng galit na customer sa isang Pizza Hut service crew.

Image screenshot from Facebook

Matapos ang insidente ay sumunod na bumili ang asawa ng babaeng customer ng mineral water sa service crew. Ipinaliwanag ng service crew na kailangan tanggaling ang takip ng mineral water bilang ito ay kasama sa safety policy ng Araneta Coliseum at bawal ipasok sa loob.

(Policy kasi ng coliseum na tanggalin ang takip ng bote ng mga bottled drinks na ibinebenta sa loob ng lugar. Ito ay para sa safety ng mga manonood upang hindi magamit na weapon ang bottled drinks na ipambato sa mga performers o players ng mga concerts at laro na nagaganap sa coliseum.)

Dito na nagsimulang magalit ang matandang lalaki at pilit na kinukuha ang takip ng mineral water sa service crew.

Sinundan ito ng pamamato ng anak ng galit na customer ng pagkain sa service crew habang pinagsisigawan ito. Dito na lumaban at ibinatong pabalik ng service crew ang pagkain na ibinato sa kaniya. Ayon naman sa uploader ng video na si Ovlac ang kuha niyang video ay ang nangyari matapos ang food-throwing incident.

Sa video makikitang pinagsisigawan ng mga galit na customer ang service crew na umiiyak na dahil sa pangyayari,

Ang viral video na ito ay umani na ng 66 thousand reactions at nai-share na ng 117 thousand times sa Facebook. Kabi-kabila naman ang reaksyon ng mga netizens sa naturang pangyayari na isang halimbawa na hindi sa lahat ng oras ay customer is always right.

Galit na customer sa service crew

Image screenshot from Facebook

Dahil din sa dinanas ng kapwa nila fastfood crew ay naglabas din ng kanilang saloobin ang iba pang service crew na sila ay dapat ding respetuhin at intindihin.

Galit na customer sa service crew incident

Image screenshot from Facebook

Galit na customer sa service crew incident.

Image screenshot from Facebook

Ang Pizza Hut service crew ay kinilalang si Rocel Salazar na hindi parin nagbibigay ng kaniyang pahayag patungkol sa pangyayari.

Samantala ang bottle cap policy o ang pagtatanggal ng takip ng mineral water o iba pang bottled drinks ay isang patakaran na ng mga events venue dito at sa labas ng bansa. Ito ay upang maiwasang magamit ito na pambato sa mga concerts, competitions at shows na maaring makasakit sa mga manonood at performers rito.

Bukas ang The Asian Parent sa panig ng parehong kampo.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Sources: Interaksyon, Yahoo

Basahin: Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Galit na customer, pinagsisigawan at binato diumano ang isang service crew
Share:
  • Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

    Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

  • Dahil sa galit sa biyenan, babae itinapon ang anak sa tulay

    Dahil sa galit sa biyenan, babae itinapon ang anak sa tulay

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

    Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!

  • Dahil sa galit sa biyenan, babae itinapon ang anak sa tulay

    Dahil sa galit sa biyenan, babae itinapon ang anak sa tulay

  • Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

    Experts say these nutrients that are key in baby's brain development

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.