TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Gamot sa baradong ilong, hindi daw mabuting ibigay sa mga bata

3 min read
Gamot sa baradong ilong, hindi daw mabuting ibigay sa mga bata

Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng gamot sa baradong ilong ay hindi raw epektibo, at posible pang makasama sa mga bata.

Kapag may sipon ang bata, karaniwan na ang pagbigay sa kanila ng gamot na nakakapawi ng sintomas ng sipon. Bukod dito, gumagamit din ng mga pampahid ang ibang mga magulang para makatulong. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, hindi raw epektibo ang mga decongenstant o gamot sa baradong ilong para sa mga bata. Dagdag pa nila, ito raw ay posible pang makasama sa kanila!

Bakit hindi epektibo ang mga decongestant sa bata? 

gamot sa baradong ilong

Ayon sa mga eksperto, natural na nilalabanan ng katawan ng bata ang sipon.

Sabi ng mga eksperto, hindi raw dapat ibigay ang mga decongestant sa mga batang edad 6 pababa, at kung ibibigay naman sa mga batang 12 pababa, dapat ay limitahan lang ang paggamit nito.

Ayon sa kanila, natural na gumagaling ang mga bata sa sipon, dahil isang virus ang sanhi nito. Matapos ng ilang araw, ay malalabanan din naman ito ng kanilang immune system.

Bukod dito, wala rin daw patunay na epektibo ito sa mga bata na edad 6 pababa. Nakakasama pa raw ang paggamit ng gamot sa baradong ilong, dahil puwedeng maging sanhi ng pagka-antukin, o kaya sakit ng tiyan ang mga gamot na ito.

Pagdating naman sa mga vapor rub, posible daw itong maging sanhi ng skin rashes sa mga bata.

Hindi rin daw ito maganda para sa mga matatanda

Dagdag pa ng mga researcher na para sa mga matatanda, nakakatulong daw ng kaunti ang mga decongestant. Pero puwede daw itong maging sanhi ng sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at pagkapuyat.

Kapag nasobrahan pa raw ang paggamit ng mga ito, posibleng lalong lumala at tumagal ang mga sintomas ng sipon.  

Mas mabuti raw na hayaan na lang mawala ng natural ang sipon, at palakasin ang resistensya upang labanan ang sakit. Natural lang daw ang ganitong mga sintomas, at hindi dapat masyadong mag-alala ang mga magulang kapag sinipon ang kanilang anak.

Ano ang magandang gamot sa baradong ilong ng bata?

Ang mga sintomas ng sipon, tulad ng baradong ilong, ay hindi komportable para sa mga bata. Kaya’t maraming magulang ang naghahanap ng mga gamot at iba pang solusyon para sa baradong ilong.

Ngunit mayroon namang mga gamot sa baradong ilong na natural, at hindi makakasama sa mga bata. Heto ang mga puwede mong gawin:

  • Gumamit ng steam upang mabawasan ang bara sa kanilang ilong. 
  • Nakakatulong ang mga nasal drops, o nasal aspirator upang matanggal ng direkta ang mucus na nasa ilong ng bata.
  • Malaking tulong ang pag-inom ng liquids, lalo na ng tubig kapag mayroong sipon.
  • Kailangan din ng iyong anak ng sapat na pahinga kapag siya ay mayroong sipon.
  • Minsan, nakakatulong ang pagtulog ng nakaupo upang hindi bumara ang mucus sa ilong.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Sipon o allergic rhinitis na ba?

Partner Stories
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Gamot sa baradong ilong, hindi daw mabuting ibigay sa mga bata
Share:
  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
    Partner Stories

    Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!

powered by
  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
    Partner Stories

    Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko