#AskDok: Ano ang gamot para sa baradong ilong dahil sa sipon?

Abala na nga ang sipon at ubo, ano pa kaya kung magbabara pa ang ilong? Sa ating pananaliksik at panayam kay dok, inalam natin ang iba’t ibang gamot sa baradong ilong at mga pamamaraang maaaring gawin upang maibsan ang indikasyong nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan ka na bang nagkaroon ng baradong ilong? Alamin ang sanhi at gamot sa baradong ilong sa artikulong  ito.

Kapag may pagbabara ang ilong, nagdudulot ito ng discomfort o hirap sa isang tao. Sapagkat bukod sa hindi makapagsalita nang maayos, marahil ay hirap din siyang huminga at matulog.

Ano-ano nga ba ang gamot sa baradong ilong na maaaring gamitin ng mga nakararanas nito? Mahalaga ring malaman ang mga gamot sa sipon at baradong ilong na epektibong makakatulong sa pag-alis ng discomfort.

Baradong ilong: 18 na mga sintomas at sanhi

Ayon sa internist na si Dr. Ann Meredith Garcia Trinidad, hindi maaaring ihiwalay ang kaso ng sipon at ubo sa pagkakaroon ng baradong ilong.

Sapagkat pangkaraniwang bahagi ang mga ito ng sintomas sa ilalim ng upper respiratory tract infection o URTI. Bagaman, ang pagbabara ng ilong ay maaaring kaugnay ng iba pang kondisyon tulad na lamang ng allergic rhinitis.

Isa pang tawag dito ay nasal congestion at stuffy nose. Kadalasang sintomas lamang ito ng iba pang sakit, katulad ng isang karaniwang lagnat o common cold. Upang mapawi ang mga sintomas na ito, magandang isaalang-alang ang mga gamot sa sipon at baradong ilong na makatutulong sa mabilis na paggaling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang gamot sa baradong ilong? | Larawan mula sa iStock

Maaaring makaranas ng mga susumunod bukod sa pagbabara ng ilong:

  1. Sipon
  2. Kawalan ng pang-amoy
  3. Hirap huminga sa pamamagitan ng ilong
  4. Ubong mas malala kapag gabi
  5. Namamaga at paminsan-minsang pamimintig ng paligid ng mata, noo, at/o pisngi
  6. Masakit ang tainga, ngipin, at ulo
  7. Pangangati ng lalamunan
  8. Pagbaho ng hininga
  9. Pagkakaroon ng lagnat
  10. Kahirapang matulog sa gabi
  11. Mabilis mapagod

Maraming posibleng dahilan naman ang maaaring pagmulan ng pagbabara ng ilong. Ang pangunahin nito ay pamamaga ng daluyan ng dugo sa sinus.

Maaari may kasama rin itong mga karaniwang sakit katulad ng lagnat, flu, at sinus infection kaya naman nagbabara ang ilong.

Subalit kapag tumagal ito ng higit sa isang linggo. Maaaring sintomas na ito ng mga iba pang sakit. Katulad na lamang ng mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. virus
  2. allergy
  3. hay fever
  4. acute or chronic sinusitis
  5. noncancerous growth na kung tawagin ay nasal polyps o benign na tumor sa nasal passages
  6. chemical exposures
  7. environmental irritants

Ang pagbabara ng ilong ay maaari ring mangyari habang nagbubuntis, kadalasan sa huling bahagi ng first trimester. Sanhi umano ito ng fluctuations at increased blood supply na nangyayari habang bunis na maaaring maging sanhi ng pagbabara ng ilong.

Gamot sa baradong ilong

Larawan mula sa iStock

Paano ba mawala ang baradong ilong? Ano ang gamot sa baradong ilong pero walang sipon na lumalabas?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Trinidad, oras na makapasok na sa katawan at sistema ng tao ang mga virus na may dalang sakit. Inaasahan na ang mabilis na pagdudulot nito ng mga sintomas sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Habang inaasahan na ang pagkawala ng baradong ilong ay sa ika-7 o hanggang ika-10 araw, nakabase pa rin ito sa kabuuang kalusugan ng isang tao.

Payo pa ni Doc, nakakabuti umano ang pag-inom ng mainit na tubig at sabaw para sa maluwag na paghinga ng mga may baradong ilong.

Maaari ring bumili ng mga over-the-counter na gamot katulad ng decongestants, antihistamines, at nasal sprays. Ang huli ay gumagana bilang pang spray sa baradong ilong ng tao. Kailangan ito upang mailabas ang sipong nakabara sa loob ng ating ilong.

Ilan sa mga gamot sa baradong ilong ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • antihistamines (gamot sa allergy)
  • nasal spray
  • nasal steroids
  • antibiotics
  • decongestants (may reseta ng doktor)

Tandaan: mas mabuting kumonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit o uminom ng mga gamot na ito. Mahalaga ito sapagkat maaaring mapasama pa ang iyong kondisyon kapag hindi tama ang iyong nainom na gamot.

Home remedies sa baradong ilong

Home remedy gamot sa sipon at baradong ilong? Maraming mga home remedy na maaaring gamot sa sipon at baradong ilong. Makakatulong ito upang mapagaan ang pakiramdaman ng taong may baradong ilong.

Ilan sa mga home remedies na maaaring gamot sa sipon at baradong ilong ay ang mga sumusunod:

Nakakatulong ang paggamit ng humidifier kapag barado ang ilong. Mabilis din itong nagbibigay relief o ginhawa at bawas sa pananakit ng ilong.

Sa machine kasi na ito ay nako-convert ang tubig sa moisture na dahan-dahang napupunta sa hangin. Napapataas nito ang humidity sa isang kwarto

Ang paghinga sa isang silid na may moist air ay makakatulong para mabawasan ang pamamaga ng blood vessels sa ilong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagligo | home remedy gamot sa sipon at baradong ilong

Isa pa sa maaaring gamot sa baradong ilong o home remedy sa baradong ilong ay pagligo. Ang pagligo ng maligamgam na tubig ay makakatulong upang maibsan at mawala ang pagbabara ng ilong.

Ang steam kasi mula sa maligamgam na tubig ay nakakatulong para mabawasan at lumabas ang mucus sa ilong.

  • Panatilihing hydrated

Ang pag-inom lagi ng tubig ay makakatulong para mawala ang pagbabara ng iyong ilong. Maaari ring uminom ng juice, at pati sports drink kapag barado ang iyong ilong. Sa pagkain naman, nakakatulong rin ang paghigop ng maiinit na sabaw.

Nakakatulong ito para numipis ang mucus sa nasal passages, tinutulak din ng fluids palabas ng iyong ilong na nakakabawas ng pressure sa iyong sinuses. Ang kaunting pressure sa sinus ay ibig sabihin kaunting pamamaga at iritasyon dito.

Kaya naman ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig, pinapayo na uminom kada 8-12 na baso ng tubig araw-araw kapag may sipon.

Larawan mula sa iStock

  • Paggamit ng saline spray

Ang paggamit ng saline pray ay makakatulong din para mawala ang pagbabara ng ilong. Isa itong saltwater solution. Sa paggamit nito nagbibigay ito ng maraming moisture sa iyong ilong.

Makakatulong ito upang mawala ang mucus sa iyong ilong. Nababawasan din nito ang pamamaga ng blood vessels sa ilong. Mabibili ito ng over-the-counter sa mga botika.

Subalit mahalaga munang tanungin ang iyong doktor bago bumili at gumamit nito, para maturo niya ang tamang paraan ng paggamit.

Tandaan bago gumamit o uminom ng gamot ay hingin muna ang payo ng inyong doktor upang walang maging anumang komplikasyon.

  • Paggamit ng warm compress | home remedy gamot sa sipon at baradong ilong

Makakatulong rin ang paglalagay ng warm compress sa iyong ilong mula sa labas. Sa pag-warm compress sa ilong, basain lamang ang towel ng maligamgam na tubig. Pigain ang sobrang tubig, i-fold ang towel at ilagay ito sa iyong ilong at noo.

Ang maligamgam na temperatura nito ay makakapagbigay ng ginhawa sa may baradong ilong.

  • Steam Inhalation

Magpakulo ng tubig at ilagay sa isang mangkok. Pagkatapos ay takpan ang ulo ng tuwalya at langhapin ang singaw nang dahan-dahan sa loob ng 10–15 minuto. Magdagdag ng eucalyptus oil o peppermint oil para sa karagdagang ginhawa.

  • Ginger Tea

Pakuluan ang hiniwang luya sa tubig at lagyan ng kaunting honey at lemon juice. Ang luya ay may anti-inflammatory properties na tumutulong sa pagbawas ng bara.

  • Pag-iwas sa Irritants

Iwasan ang alikabok, usok ng sigarilyo, at malalakas na pabango na maaaring magpalala ng sipon o baradong ilong.

Baradong ilong lang o COVID-19 na?

Kung noon ay binabalewala lang natin ang pagkakaroon ng sipon at baradong ilong, ngayon ay nag-aalala na tayo dahil posibleng isa itong sintomas ng nakakahawang sakit na Covid-19.

Dahil sa mga bagong variant na lumalabas, sinasabing ang mga sintomas ng Covid-19 ay maihahalintulad mo na sa isang ordinaryong flu o trangkaso.

Subalit paano mo nga ba masasabing sipon lang ito dala ng panahon, o kailangan mo nang sumailalim sa isang RT-PCR test upang makumpirma ang iyong hinala?

Ayon sa Healthline, ang pinakabagong variant nga ng Covid-19 ay may pagkakapareho sa Covid-19. Subalit isang sintomas na hindi naman nararanasan sa karaniwang sipon o flu, at nararanasan ng may Covid ay ang hirap sa paghinga. At nangyayari ito kapag nagiging malubha na ang sakit ng pasyente at nagkakaroon na siya ng pneumonia.

“Generally, the flu or a cold does not cause shortness of breath unless it has progressed to pneumonia, in which case you’ll also want to contact your healthcare professional,”ani Ramzi Yacoub, chief pharmacy officer ng isang korporasyon sa Amerika.

Bukod sa ubo, sipon, baradong ilong at lagnat na pangunahing sintomas ng Covid-19, narito pa ang ilang pwedeng maramdaman ng may-sakit:

  • hinihingal o hirap sa paghinga
  • pagbaba ng oxygen levels
  • sobrang pagod
  • pananakit ng katawan na parang tinatrangkaso
  • pananakit ng ulo
  • kawalan ng panlasa o pang-amoy
  • pananakit at pangangati ng lalamunan
  • pagkahilo at pagsusuka
  • pagtatae

Kapag bukod sa baradong ilong ay nakakaranas ka na ng mga nabanggit na senyales, mas mabuting mag-self-isolate na at sumailalim sa RT-PCR test para malaman kung mayroon ka bang Covid-19.

Kailan ka dapat magpakonsulta sa doktor?

Minsan talaga hindi sasapat ang home remedy para mawala ang pagkakaroon ng baradong ilong. Kaya naman narito ang ilang palatandaan na dapat ka nang pumunta sa iyong doktor. Ito ay ang mga sumusunod:

  • kapag tumagal sa 10 araw ang pagkakaroon mo ng baradong ilong
  • ang pagkakaroon ng baradong ilong ay may kasamang lagnat ng tumagal na ng 3 araw
  • Kung green o berde na ang nasal discharge at may kasamang pananakit ng ilong o nasal at lagnat
  • kapag bumaba na ang immune system, lalo kapag may asthma o emphysema

Sakali mang maranas ang mga ito ay agad nang magpakonsulta sa inyong doktor upang hindi na lumalala pa. Maaaring sintomas din ang baradong ilong sa mas malala pang kondisyon.

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.