Best Gamot Sa Binat Ng Mga Nanay Na Kakapanganak Pa Lamang

Narito ang ilang gamot sa binat at pasma kabilang ang iba’t ibang home remedies na maaaring subukan sa inyong bahay. 

Gamot sa binat bagong panganak? Narito ang ilang tips at hakbang na maari mong subukan.

Binat sa panganganak

Hindi natatapos sa panganganak ang paghihirap ng isang buntis. Ang sakit na dinala niya sa loob ng siyam na buwan kasama ang paglabas sa bata ay maaaring masundan pa. Ito ang tinatawag na binat. Para sa mommies na nakaka-experience ng ganito, narito ang ilang gamot sa binat at pasma kabilang ang iba’t ibang home remedy na maaaring subukan sa inyong bahay. 

Ano nga ang binat para sa bagong panganak?

“Magpahinga ka muna at baka mabinat ka."

Ganito ang karaniwang linya para sa mga bagong kagagaling lamang sa sakit o kakapanganak pa lamang na mommy. Palagi itong sinasabi dahil malaki ang maaaring maging epekto pa nito sa kalusugan. 

Ang binat o tinatawag ding relapse sa wikang English ay tumutukoy sa isang medical condition kung saan hindi tuluyang naka recover o nakapagpagaling ang katawan ng isang tao na maaaring mangyari sa isang buntis.

Ang mga buntis kasi ay sumasailalim sa maraming klase ng sakit sa katawan cesarian man iyan o normal delivery. 

Nangyayari ang binat kung sa gitna ng pagpapagaling ay biglang bumalik ang sakit na iyong nararamdaman.

Ito ang labis na pagkaramdam ng pagod ng katawan na hindi naipahinga nang maayos. Kadalasang tumatagal ito nang ilang buwan depende sa environment na mayroon ka. 

Bakit nagkakaroon ng binat?

Bakit ako nabinat? Paano ko nakuha ito? Tanong mo rin ba ito sa iyong sarili?

Maraming factor kung bakit nakukuha ng mommies ang binat right after nila manganak. Narito ang ilang sa kanila:

  • Walang sapat na nutrisyon – Dahil nga kinakailangan ng katawan ng sapat na lakas at nutrients, kung magkukulang ito ay babalik almang sa pagkapagod.Minsan pa mas nauuwi sa dagdag na sakit dahil walang tumutulong na healthy foods na labanan ang sakit na dala ng panganganak.
  • Labis na pagkapagod – Ito ang pinaka karaniwang dahilan ng binat. Dapat kasing makabawi ng lakas ang katawan ng isang buntis, kung masosobrahan sa pagod ay maaaring bumalik lamang ang sakit.Imbes na ma-recharge ay nagagamit niya pa muli ang katiting na energy sana ng katawan.
  • Stress – Bukod sa pagod ng pisikal na pangangatawan, malaki rin ang ginagamapanang factor ng emotional at mental stress para sa mga nanay.Nagdudulot kasi ito ng hindi magandang epekto sa kabuuang pangangatawan niya.Madalas nangyayari ito kung maraming iniisip kaya naglalabas ng stress hormones ang kanyang katawan.
  • Kawalan ng tamang tulog – Isang way ang tulog para makapagpahinga, kung wala nito lalaki ang posibilidad na magkasakit lang siya ulit.Malaking tulong ang tulog sa pagre-repair ng tissues sa katawan upang manumbalik ang dating lakas. Kaya nauuwi sa pagkabinat ang pagpupuyat.
  • Anemia – Maaari ring panggalingan ng binat ang kakulangan sa red blood cells ng katawan. 

Paano malalaman kung may binat ka na ba?

Para mas mapadali sa iyo na malaman kung nakararanas ka na ba ng binat, inilista namin ang ilang sa common symptoms nito:

  • Labis na pananakit ng ulo.
  • Pagkakaroon ng mataas na lagnat.
  • Walang tigil na pagdurugo.
  • Nakararamdam parati ng pagkahilo na sinusundan ng pagsusuka.
  • Gumagalaw ang mga ugat sa katawan partikular na ang malapit sa mata.
  • Panlalamig sa loob ng iyong katawan.
  • Dehydration.
  • Kawalan ng lakas o panghihina at panglalata.

Gamot sa binat ng bagong panganak home remedy

Nagagamot naman ang binat. Kung ang iyong sintomas ay mild pa lamang maaari namang subukan ang ilang gamot sa binat home remedy: 

  1. Rest – Bumawi ng lakas at tiyaking makakatulog nang hindi bababa sa walong oras araw-araw lalo na sa gabi.Iwasan din ang stress na maaaring makaapekto sa iyong mental at emotional stress dahil malaki ang epekto nito sa physical body. Huwag na rin munang gumawa ng gawaing bahay na sobrang mabibigat.
  2. Eat healthy foods – Dahil nga sumailalim ang iyong katawan sa labis na sakit at operasyon kinakailangan nito ng magpapalakas sa kanya.Malaking tulong diyan ang pagsu-supply ng healthy foods na mayaman sa vitamins, minerals, at iba pang nutrients na kailangan ng kakapanganak pa lamang. Sa pagkain nang tama, mapapabalik nito ang iyong healthy mind and body.
  3. Take herbal medicines – Kung nais mo namang gamutin ang binat nang natural mayroong mga halamang pwedeng gamitin.Nakatutulong daw ang mga halaman tulad ng sambong, yerba beuna, at artamesa. Gumagampan daw kasi ito bilang aroma therapy sa mga nakararanas ng binat sa pamamagitan ng pagma-massage.
  4. Take paracetamol tablets – Para mabawasan ang ilang sintomas na labis na kinahihina na ng katawan, maaaring uminom ng paracetamol. Makatutulong ito upang mawala ang sakit ng ulo, lagnat, at pagkahina ng katawan. 

Best gamot sa binat ng bagong panganak

Narito ang list ng ilan sa mga maaaring gamot sa binat ng bagong panganak:

Gamot Sa Binat Tablet Category
Rexidol Forte Paracetamol + Caffeine Best for post partum pain
Biogesic Paracetamol Most trusted brand
TGP Paracetamol Best for reduction of fever
Bioflu Best for flu
Enerlax Paracetamol Best for coughs and colds

Best Gamot sa Binat ng Bagong Panganak
Rexidol Forte Paracetamol + Caffeine
Best for post partum pain
Buy Now
Biogesic Paracetamol
Most trusted brand
Buy Now
TGP Paracetamol
Best for reduction of fever
Buy Now
Bioflu
Best for flu
Buy Now
Enerlax Paracetamol
Best for coughs and colds
Buy Now

 

Rexidol Forte Paracetamol + Caffeine

Best for postpartum pain

Many moms experience postpartum pain, kaya bagay para sa kanila ang Rexidol Forte Paracetamol + Caffeine bilang gamot sa binat ng bagong panganak.

Nakatutulong ito para mawala ang sickness relapse o binat. May kakayahan din itong mabawasan ang sakit ng ulo ng isang tao. Bukod dito, malaking tulong din ito sa pananakit ng katawan.

Ang gamot na ito ay naglalaman ng 500 mg ng paracetamol, isang sangkap na nakatutulong nang labis sa lagnat at body pain. Mayroon din itong caffeine na 650 mg na nakatutulong naman para mapahaba at maenhance pa lalo ang effect ng Paracetamol. 

Maaaring uminom ng 1 hanggang 2 kada 6 na oras o kung ano man ang prescription ng doktor. 

Highlights:

  • Treats sickness relapse.
  • Lessen body pains at headache.
  • 500 mg paracetamol.
  • 650 mg caffeine.

Biogesic Paracetamol

Most trusted brand

Kung ang sintomas mo naman ay nagpapakita na ng fever pain, mainam diyan ang Biogesic Paracetamol. Ang maganda sa product na ito, proven and tested na ng nakararami bilang gamot sa binat ng bagong panganak

Isa kasi ito sa may pinakamaraming gumagamit upang gamutin ang mga lagnat at pananakit ng ulo. Mayroon itong 500 mg ng paracetamol, isang analgesic at antipyretic. 

Safe na safe pa ang gamot dahil maiinom ito kahit hindi pa kumakain, gluten-free, at lactose-free. Pwede rin para sa pregnant women, breastfeeding mommies, at sa mga matatanda. 

Maaari rin uminom nito ng 1 hanggang 2 kada 4 o 6 na oras.

Highlights:

  • Proven and tested for over 50 years.
  • Most commonly used to treat fever and headache.
  • 500 mg of Paracetamol (analgesic and antipyretic).
  • Safe for pregnant women and breastfeeding mommies.

TGP Paracetamol

Best for reduction of fever

Kung nais mo naman ng affordable na gamot na nakapagpapababa ng lagnat, try the TGP Paracetamol as your gamot sa binat ng bagong panganak.

Katulad ng ibang leading brand, effective rin ito na pawalain ang iba’t ibang pain ng katawan.

Kabila lang, mas mabibili mo ito sa murang halaga. Naglalaman ang bawat box nito ng 100 tablets na maaaring magamit pa for future use. 

You can also take this medicine even with an empty stomach. 

Highlights:

  • Reduces symptoms of fever.
  • 100 tablets per box.
  • Budget-friendly.
  • Can be taken even with an empty stomach.

Bioflu

Best for flu

Para naman sa kaliwa’t kanang sintomas ng flu, hindi na dapat maghanap pa ng iba dahil naririyan ang Bioflu.

Nababawasan nito ang pananakit ng katawan, lagnat, ubo, at sipon na mula sa post-nasal drip. Mabilis na makakabalik ka sa normal.

Ang bawat caplet nito ay naglalaman ng 10 mg phenylephrine, 2 mg chlorpheniramine maleate, at 500 mg paracetamol. Dapat din na 1 caplet lang kada oras ang iniinom o depende sa payo ng doktor. 

Highlights:

  • Lessens symptoms of flu like fever, body pain, colds, and coughs.
  • Caplet medicine.
  • Contains 10 mg phenylephrine, 2 mg chlorpheniramine maleate, and 500 mg paracetamol.

Enerlax Paracetamol

Best for coughs and colds

Sa mga mommy naman na hindi na matiis ang ubo’t sipon at nagdudulot na ng pananakit ng ulo, maganda ang Enerlax Paracetamol para sa inyo. Ang gamot na ito ay analgesic at non-selective cox inhibitor. 

Bawat box nito ay naglalaman ng 100 capsules. Ang bawat capsules naman ay nagcocontain ng 325 mg ng pinagsamang paracetamol at ibuprofen. 

Kinakailangan na inumin ito nang may laman ang tiyan. 

Highlights:

  • Analgesic and non-selective cox inhibitor.
  • 100 capsules per box.
  • 325 mg of paracetamol and ibuprofen.
  • Not to be taken with an empty stomach.

 

Price Comparison Table

Hindi dapat mahal magkasakit! Kaya naman narito ang price ng bawat paracetamol product sa aming list. Alin kaya dito ang swak sa iyong budget?

Brand
Rexidol Forte Paracetamol + Caffeine Php 135.00
Biogesic Paracetamol Php 90.00
TGP Paracetamol Php 180.00
Bioflu Php 162.00
Enerlax Paracetamol Php 280.00

Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Para maiwasan ang mas malalang sakit, kailangan mo mommy uminom ng vitamins. Basahin: 7 Vitamins Para Sa Healthy Pregnancy Journey ni Mommy

Sinulat ni

Ange Villanueva