May gamot na sa cancer! Ito ang magandang balita ng isang pag-aaral.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Gamot sa cancer.
- Paano sasabihin sa iyong anak na ikaw ay may cancer.
Gamot sa cancer
Ang pagkakaroon ng sakit na cancer ay maitutumbas sa salitang kamatayan. Dahil karamihan ng biktima ng sakit ay hindi na gumagaling. At hindi tulad ng ibang karamdaman, ito ay hindi basta nadadala sa pag-inom lang ng gamot. Kinakailangang dumaan sa masakit na treatment na mas nagpapahirap sa mahinang katawan ng isang cancer patient.
Pero may gamot na sa cancer! Ito ang masayang balita ng isang bagong pag-aaral. Ang nasabing gamot ay tinatawag na Dostarlimab. Ito ay isang checkpoint inhibitor na tumutulong sa immune system na makilala at labanan ang mga cancer cells sa katawan.
Nasubukan ang effectivity ng nasabing gamot matapos maibigay ito sa 18 na pasyenteng may rectal cancer. Pagkaraan ng anim na buwang pagintake ng nasabing gamot nawala ang bakas ng cancer sa katawan ng 18 pasyente. Nakita ito sa pamamagitan ng dagdag na pagsusuri, biopsy at PET scan ng cancer patients.
Bagamat ito na ang matagal na hinihintay ng marami, ayon sa mga researchers kailangan pa ang dagdag na pagsusuri sa gamot. Dapat matukoy kung gaano katagal ang bisa nito sa katawan at kung wala ba itong kaakibat na side effects. Pero magkaganoon man, ito ay napakagandang balita sa mundo ng siyensya na naglalayong maging alternative medicine o treatment para sa cancer kaysa radiation at chemotherapy.

Paano sasabihin sa iyong anak na ikaw ay may cancer
Ang breakthrough na ito sa mundo ng siyensya ay magbibigay ng pag-asa hindi lang sa cancer-patient kung hindi pati narin sa kaniyang pamilya. Para sa mga magulang na nakakaranas ng sakit, ito ay napakagandang regalo na lubos nilang pasasalamatan. Dahil para sa isang magulang na nakakaranas ng malalang sakit lalo na kung ang anak ay maliliit pa, ay hindi lang basta katawan ang nahihirapan. Kung hindi pati narin ang iyong puso at isipan na laging kapakanan ng anak ang inuuna.
Pero para sa mga nakakaranas ng malalang sakit, paano nga ba maipapaliwanag sa anak ang mga posibleng mangyari? Paano nga ba maipapaintindi sa kaniya ang iyong karamdaman? At paano sasabihin sa kaniya na dahil sa sakit ay maari kang mawala ng biglaan na labag sa iyong kalooban.

Narito ang ilang hakbang na maaring gawin.
Maging matapat sa iyong anak at ipaliwanag ito ng naayon sa kaniyang edad.
Gumamit ng simpleng wika na madaling maintindihan ng bata. Para sa mas batang mga anak, maaaring sabihin, “May sakit si Mommy/Daddy, pero tinutulungan ako ng mga doktor na gumaling.” Para sa mas matatandang bata, maaaring magbigay ng kaunting detalye ngunit iwasang ibigay ang masyadong komplikadong impormasyon.
Bigyan sila ng kumpiyansa at pagmamahal.
Ipaalala sa kanila na mahal sila at hindi sila ang dahilan ng iyong sakit. Ipaalam din na ginagawa ng mga doktor ang kanilang makakaya upang gumaling ka.
Hayaang magtanong ang bata.
Maaring magkaroon sila ng iba’t ibang emosyon, mula sa takot hanggang sa pagkalito. Hayaan silang magtanong at sagutin ito ng tapat at mahinahon. Kung may tanong kang hindi alam ang sagot, sabihin na maghahanap kayo ng sagot nang magkasama.

Isali sila sa maliit na paraan.
Bigyan sila ng maliliit na gawain, tulad ng pag-abot ng tubig o pagguhit ng larawan para mapasaya ka. Makakatulong ito upang maramdaman nilang bahagi sila ng iyong laban.
Gumamit ng aklat at iba pang materyales.
Mayroong mga aklat at video na idinisenyo upang ipaliwanag ang kanser sa mga bata sa isang mas positibo at madaling unawain na paraan. May mga organisasyong nagbibigay ng materyales na angkop sa edad ng mga bata.
Kumuha ng propesyonal na gabay.
Kung ang iyong anak ay nahihirapan sa emosyonal na aspeto, maaaring ikonsulta sila sa isang child psychologist o sumali sa isang support group. Maraming ospital at cancer centers ang nag-aalok ng counseling para sa mga pamilyang may ganitong sitwasyon.
Panatilihin ang normal na gawain o routine.
Bagama’t mahirap, subukang panatilihin ang pang-araw-araw na routine ng bata, tulad ng pagpasok sa paaralan, paglalaro, at tamang oras ng pagtulog. Ang pagkakaroon ng regular na iskedyul ay maaaring magbigay ng seguridad sa kanila.
Ilan lamang ito sa mga paraan na makakatulong para maipaliwanag sa iyong anak ang iyong sakit. Huwag matakot at sabay ninyong harapin ang sakit na may positibong pananaw na malalampasan at gagaling ka mula rito. Sa tulong ng pagmamahal at suporta ng pamilya mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!