Kung first time mom ka, malamang magugulat ka sa mamula-mula at tila mahapdi na namumuo sa bandang puwitan ni baby. Kung hindi ka naman first time mom, marahil hindi na ito bago sa iyo. Normal ang ganitong pangyayari sa sanggol lalo na kung nagsusuot ng diaper. Ano nga ba ang gamot sa diaper rash ng baby? Narito ang aming best picks ng diaper rash cream brands para kay baby!
Wala namang may gusto ng diaper rash para kay baby. Masakit para sa pakiramdam ng mga magulang na makitang nasasaktan at hindi komportable ang pakiramdam ng kanilang anak. Madalas nagiging iritable at fussy ang baby kapag mayroon nito. Don’t worry mommies and daddies, normal lamang itong nangyayari. Kaya naman nandito kami para mabawasan ang inyong pag-aalala.
Talaan ng Nilalaman
Anu-ano nga ba ang sanhi ng diaper rash sa baby?
Kadalasang nagkakaroon nito kapag hindi agad napapalitan ang diaper kaya lumalabas ang mapupulang marks sa pwet ng bata. Dahil exposed nang matagal ang skin ni baby sa ihi at dumi niya, nagiging sanhi din ito ng inflammation. Ito ang karaniwang nakakapagpalala ng diaper rash.
Minsan, may reaksyon din si baby sa iba’t-ibang produkto kagaya ng bagong baby wipes o bagong diaper. Isa rin sa maaaring dahilan ay dahil nakatira tayo sa tropical country, kaya hindi maiiwasan na pagpawisan ang mga bata.
Paano pumili ng best diaper rash cream
Kung magsi-search ka online, makikita mo na napakaraming diaper rash creams ang mabibili mo. Tandaan, hindi sila lahat magkakapareho. Mayroong mas mabisa at may kaniya-kaniya silang strengths. Pinili namin ang aming recommended brands gamit ang mga factors na ito:
Ingredients
Siguraduhin na safe ang ingredients ng gamot sa diaper rash. Whenever possible, piliin ang produktong gumagamit ng natural ingredients. Malaking plus din na ito ay aprubado ng mga doktor.
Presyo
Malaki ang range ng presyo ng mga gamot sa diaper rash. Piliin kung ano ang pasok sa budget mo. Hindi kailangang maging mahal ang isang produkto para maging effective. Gayun din, hindi kailangang sobrang mura pero hindi naman kasing bisa ng iba.
Fragrance
May scent ba ito? Kadalasan mas nakakapagpalala ng skin irritation ang cream or ointment na may heavy fragrance.
Gamot sa diaper rash ni baby
Mama's Choice Baby Diaper Cream
|
Buy Now |
Bepanthen Ointment Nappy Rash
Best for sensitive skin
|
Buy Now |
Desitin Baby Diaper Rash Cream Maximum Strength
Best fast-acting
|
Buy Now |
Sebamed Baby Nappy Care Cream
Best for Newborn
|
Buy Now |
Drapolene Cream
Best multipurpose
|
Buy Now |
Tiny Buds In A Rash Nappy Cream
Most affordable
|
Buy Now |
Mama’s Choice Baby Cream for Diaper Rash
Ang Mama’s Choice Baby Diaper Cream for Diaper Rash ay sinisiguradong safe at protected ang baby mo sa heat rash, diaper rash, milk rash, at iba pang skin irritations! Ito ay effective sa pag-prevent, pag-heal, at pag-clear ng rashes.
Bukod pa riyan, meron itong fast-acting formula. Sa loob lamang ng tatlong application, maaaring mabawasan na ang rashes ni baby.
Ingredients:
Lahat ng ingredients nito ay natural at safe. Ang Centella Asiatica ay nakakapag relieve ng rash at redness para sa sensitive skin ni baby.
May laman din itong rosemary extract na pinoprotektahan ang skin mula sa minor irritation. Panghuli, ang sweet almond ay tumutulong sa pag nourish at moisturize ng skin ni baby.
Fragrance:
Mabango pero hindi matapang ang amoy nito, perfect para kay baby!
Bepanthen Ointment
Best for sensitive skin
Ang Bepanthen Ointment ay isa sa mga gamot sa nappy rash na hindi lamang mabisa kundi siguradong hihiyang sa sensitive na skin ni baby. Trusted brands ng mga experts at parents all over the world.
Karagdagan, dahil nga ginawa ang produktong ito para sa mga baby na may sensitive skin, ito ay fragrance free, no preservatives, no colorant at antiseptic. Siguradong safe na safe gamitin.
Kada apply ng ointment sa pwet at private part ni baby, nagbibigay ito ng breathable protective barrier para maiwasan ang pagkakaroon ng nappy rash. Safe itong gamitin sa araw-araw lalo na sa night time kung kailan mas babad ang pwet ni baby sa ihi.
Ingredients:
Ang Bepathen ay may gawa sa purified water, sweet almond oil, lanolin at liquid petrolatum.
Fragrance:
Wala itong halong fragrance na maaaring makairita sa balat.
Desitin Diaper Rash Paste Maximum Strength
Best fast-acting
Kung nais naman gumamit ng fast-acting diaper rash cream na ligtas para sa iyong precious one, subukan ang Desitin. Mayroon itong maximum level ng zinc oxide na siyang nagbubuo ng protective barrier sa skin ni baby para mabilis itong gumaling at maibsan ang pangangata at iritasyon ng balat.
Ingredients:
Ang main ingredient nito ay ang zinc oxide. Ang Desitin ay isang pediatrician-tested formula. Ayon sa clinical study, 90% ng babies na may diaper rash ay nakaramdam ng relief sa loob ng 12 oras nang paggamit ng Desitin Maximum Strength.
Fragrance:
Wala itong strong fragrance na makaka-irritate kay baby.
Sebamed Baby Nappy Care Cream
Best for sensitive skin
Tamang-tama naman ang formulation ng diaper rash cream mula sa Sebamed para sa mga baby na may extra sensitive skin. Ito ay may water-in-oil formulation na may pH level 5.5 na may benepisyal na epekto sa balat. Bukod sa paghihilom ng diaper rash at i-soothe ang pangangating nararamdaman, may kakayahan itong palambutin at i-moisturize ang balat.
Ingredients:
Nagtataglay ito ng Wheat Bran extract, Lecithin at Squalene na nakakatulong maibsan ang pangangati at iritasyon. Ito ay dermatologically- at clinically-tested.
Fragrance:
Wala itong strong fragrance kaya mainam para sa baby.
Drapolene Cream
Best multipurpose
Isa ito sa mga pinaka-popular na gamot sa diaper rash dahil proven effective ito. In fact, bukod sa ginagamit ito para sa diaper rash, sinasabing pwede din ito para sa minor burns at sugat.
Ingredients:
Ang main ingredients nito ay ang Benzalkonium Chloride Solution at 2 mg Centrimide.
Fragrance:
Wala itong malakas na amoy na pwedeng maka-irita sa sensitibong sense of smell ni baby.
Tiny Buds Natural Nappy Cream
Most Affordable
Abot-kaya ang produktong ito, pero hindi ibig sabihin n’yan ay hindi ito kasing epektibo ng ibang gamot sa diaper rash. Sa katunayan, inirerekomenda ito ng mga pediatrician para sa mga babies na may sensitive skin.
Bukod pa diyan, may partnership ang Tiny Buds sa WWF Philippines kaya pag bumili ka nito, makakatulong ka sa cause ng #PlantTinyBuds.
Ingredients:
Ipinagmamalaki ng Tiny Buds na natural ingredients lang ang laman ng cream na ito. Wala itong petroleum, zinc oxide, steroid and drug content at paraben.
Fragrance:
Gaya ng mga produkto sa listahang ito, wala itong heavy fragrance kaya safe para kay baby.
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price |
Mama’s Choice | 50 g | Php 399.00 |
Bepanthen | 30 g x 2 | Php 518.00 |
Desitin |
113 g
|
Php 690.00
|
Sebamed | 100 ml | Php 648.00 |
Drapolene Cream | 55 g | Php 395.00 |
Tiny Buds | 20 g | Php 185.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.