Highblood: Gamot at mga pagkain na dapat mong iwasan

Highblood: Gamot at mga pagkain na dapat mong iwasan

May mataas na blood pressure o may history ng highblood sa inyong pamilya? Dapat ay umiwas na sa mga pagkaing bawal sayo at kumain ng kumain ng mga pagkaing makakatulong para mapanatili ang healthy blood pressure mo.

Gamot sa highbloodba ang hanap mo? May mga pagkaing makakatulong para natural na malunasan at makontrol ito.

Gamot sa highblood

Image from Freepik

Highblood o hypertension

Ayon sa DOH, 30 to 35% ng adult population sa bansa ay maituturing na hypertensive o may mataas na blood pressure. Ito ay ang sinumang may blood pressure reading na 130/80 (systolic/diastolic) ayon sa American Heart Society. Habang ang 120/80 ay kinukunsidera ng elevated hypertension.

Maliban sa mataas na blood pressure reading, ang highblood sa una ay walang pinapakitang sintomas. Kaya naman itinuring itong silent killer na maaring mauwi sa heart attack, kidney disease, stroke at iba pang problemang pangkalusugan.

Bagamat karamihan ng highblood cases ay namamana. O kaya naman ay dala na ng edad, gender o race, may mga factors naman na maaring ma-kontrol ng isang tao ang pagkakaroon nito. Tulad ng pag-eehersisyo at pag-iwas sa mga pagkaing maaring magsimula o magdulot ng mataas na blood pressure. Ilan nga sa mga pagkaing ito ay ang sumusunod na dapat iwasan lalo na kung may history na ng highblood pressure ang isang tao.

Mga pagkaing dapat iwasan ng may highblood

Maalat na pagkain

Ang mga maaalat na pagkain ang biggest dietary source ng sodium. O ang mineral na kapag nasobrahan ng intake ng katawan ay maaring mag-resulta sa highblood pressure. Kaya naman payo ng mga health authorities limitahan ang pagkain ng maalat. At dapat sa isang araw ay hindi lalagpas sa 2,300mg ang sodium intake ng isang healthy adult. Ito ay katumbas ng 1 teaspoon of salt sa isang araw.

Ayon naman sa Food and Drug Administration o FDA, pinamakataas na source ng sodium ay ang mga processed o packaged foods. Ilan nga sa mga ito ay ang sumusunod:

  • deli meat
  • frozen pizza
  • vegetable juices
  • canned soup
  • canned o bottled tomato products

Matatamis na pagkain

Ang sobrang pagkain ng matatamis ay maari ring mauwi sa pagkakaroon ng highblood pressure. Dahil sa ito ay nagdudulot ng weight gain at obesity na isang factor sa pagkakaroon ng highblood.

Sa ngayon, ayon sa Americal Heart Association, ang isang babae ay dapat limatahan sa 24grams o 6 teaspoons ang kaniyang sugar intake sa isang araw. Habang ang mga lalaki naman ay dapat 36grams o 9 teaspoons a day lang ng sugar ang na-coconsume sa isang araw.

Gamot sa highblood

Image from Freepik

Pagkaing may saturated fats o trans fats

Maliban sa mataas na level ng salt, ang mga packaged prepared foods ay may mataas din na level ng trans fats. Ito ang mga uri ng fats na kapag sumobra ang intake ay nagpapataas ng LDL o bad cholesterol sa katawan. Kung mapabayaan ang mga bad cholesterol na ito ay hindi lang maaring mauwi sa highblood kung hindi pati narin sa coronary heart disease. Ganito rin ang epekto ng sobrang intake ng saturated fats, kaya naman maliban sa pagkain ng mga packaged prepared foods ay dapat umiwas din ang isang may highblood sa sumusunod na pagkain.

  • chicken skin
  • full-fat dairy
  • red meat
  • butter
  • coconut oil
  • palm oil

Alcohol

Ang pag-inom ng small to moderate amounts ng alcohol ay nakakapagpababa ng blood pressure ng isang tao. Pero ang sobrang pag-inom nito ay maaring magdulot din ng biglaang pataas ng blood pressure na sadyang delikado.

Ayon nga sa Mayo Clinic, ang pag-inom ng tatlong baso ng alcohol sa isang upuan ay makakapagtaas na ng blood pressure. At maaring magdulot na ng long-term blood pressure problems kung uulit-ulitin.

Maliban dito, ang alcohol o alak ay puno rin ng calories na maaring magdulot ng weight gain o obesity.

Mga pagkaing gamot sa highblood

Para naman maibsan ang mataas na blood pressure o ma-kontrol ito ay may mga pagkain namang itinuturing na natural na gamot sa highblood. Ito ang ipinapayong kainin upang labanan ang hypertension at ang masamang epekto nito sa katawan. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Leafy greens o maberdeng gulay

Ang mga maberdeng pagkain o gulay ay may mataas na level ng potassium. Ito ang mineral na nakakatulong na maialis ang sobrang sodium sa katawan na nakakapagbaba naman ng blood pressure.

Ilan sa leafy green o vegetables na maaring kainin ay talbos ng kamote, spinach, kangkong at iba pa.

Berries

Ang mga berries ay mayaman naman sa natural compounds na flavonoids. Ito ay nakakatulong na maiwasan ang hypertension at nakakapagbaba ng blood pressure. Ilan sa uri ng berries na maaring maidagdag sa iyong diet ay ang blueberries, raspberries at strawberries.

Gamot sa highblood

Image from Freepik

Skim milk at yogurt

Ang skim milk ay excellent source ng calcium at mababa ang level ng fats. Nakakatulong rin ito na magpababa ng blood pressure. Kung hindi mo gusto ang skim milk ay maari mong subukan ang yogurt na may parehong epekto rin sa katawan. Ngunit dapat ay mababa ang sugar quantity nito.

Oatmeal

Ang oatmeal naman ay high-fiber, low-fat, at low-sodium na perfect para magkaroon mababang blood pressure.

Bananas

Ang mga saging ay rich in potassium din. At mas mabuti kaysa sa pag-inom ng mga supplements. Maari itong ihalo sa iyong oatmel o cereal sa umaga. O kaya naman ay gawing snack o dessert matapos mong mananghalian o hapunan.

Salmon, mackerel, at iba pang isda na rich sa omega-3s

Ang mga isda ay good source ng lean protein. Habang ang mga fatty fish tulad ng mackerel at salmon ay may mataas naman na level ng omega-3 fatty acids. Ito ay nakakatulong na magpababa ng blood pressure at triglycerides. Pati na ang pag-rereduce ng inflammation sa katawan.

Seeds

Ang mga unsalted seeds tulad ng sunflower o squash seed ay mayaman sa potassium, magnesium, at iba pang minerals na nakakatulong magpababa ng blood pressure. Ang pagkain ng ¼ cup ng mga seeds na ito in between meals ay makakatulong ng ma-maintain ng mababang blood pressure.

Garlic at herbs

Ang pagkain ng bawang ay nakakapagpataas ng nitric oxide ng katawan. Pinapababa nito ang blood pressure sa pamamagitan ng pag-promote ng vasodilation o widening ng arteries na dinadaluyan ng ating dugo.

Habang ang pagdadagdag naman ng mga flavorful herbs sa iyong diet ay nakakapagbawas ng iyong salt intake. Ang halimbawa ng herbs at spices na ito ay basil, cinnamon, thyme, rosemary, at marami pang iba.

Ang mga pagkaing nabanggit ay ilan lamang sa mga natural na gamot sa highblood. Sa kabuuan ay kailangan lang tandaan na para makaiwas sa mataas na blood pressure ay dapat kumain ng prutas at gulay. At iwasan ang mga pagkaing matataba, maaalat, at matatamis na maaring magdulot ng highblood o hypertension.

 

SOURCES: Healthline, PIA, Healthline Foods

BASAHIN: These health problems may be linked to your blood type, High blood pressure has been redefined from 140 to 130, say reports, No exercise is worse for you than high blood pressure or high cholesterol

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner