Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? 10 home remedies para sa namamagang ngipin

Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? Subukan ang mga home remedies tulad ng malamig na compress, mumog ng tubig na may asin, at bawang para maibsan ang sakit habang hinihintay ang pagpunta sa dentista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Antibiotic para sa pamamaga ng ngipin ba ang hanap mo? O kaya ibang puwedeng gamot sa pamamaga ng ngipin na available sa bahay ninyo? Maraming puwedeng solusyon diyan na abot kamay lang sa loob ng inyong bahay.

Ang sakit ng namamagang ngipin ay mahirap tiisin. Bagamat maliit na parte lang ito ng katawan, ang sakit na dulot nito ay maaring magpahinto na sa isang tao sa paggawa ng kaniyang mga gawain nang maayos. Ano ba ang gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid?

Sanhi ng pamamaga ng ngipin

Ang toothache o pananakit ng ngipin ay dulot ng tooth abscess o ng impeksyon sa loob ng ngipin. Nagsisimula ito kapag pinasok ng bacteria ang ngipin kapag ito ay may basag, sira o di kaya naman ay nabubulok na.

Kapag pinasok na ng bacteria, dito na nagsisimulang ma-infect ang ngipin at magkaroon ng pus o nana. Dahil sa pus build-up ay namamaga ang ngipin na nagdudulot naman ng pananakit nito. Ang impeksyon sa ngipin ay maaari ding magdulot ng pamamaga ng gilagid, pisngi, at mukha.

Ano ba ang gamot sa pamamaga ng pisngi at mukha dahil sa ngipin?

Bagamat ang pinakamainam na gawin ay ipabunot na ang sirang ngipin, ang ilan naman sa atin ay walang oras para gawin ito o hindi kaya naman ay takot magpunta sa dentista para mabunutan.

Kaya naman para makatulong sa oras na sumumpong ang sakit, narito ang mga gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid na maari mo lang makita sa loob ng inyong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Mga natural na gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid

Anong gamot sa pamamaga ng ngipin? Para matulungan ka sa panahon na nananakit ang iyong ngipin, narito ang mga gamot sa pamamaga at sakit ng ngipin na maaari mong subukan sa bahay:

1. Saltwater rinse : Gamot sa namamagang gums home remedy

Ang pagmumumog ng tubig na may asin ay ang pinakamadali at pinaka-affordable na gamot sa toothache at dental pain. Ito rin ay nakakatulong sa wound healing at pagkakaroon ng healthy gums.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagtitimpla ng ½ teaspoon ng asin sa ½ tasa ng maligamgam na tubig. Imumog ito sa loob ng bibig na hindi bababa sa dalawang minuto saka idura ang tubig. Gawin ito nang tatlong beses sa loob ng isang araw.

2. Baking soda

Isa pang affordable na gamot sa pamamaga ng ngipin ay ang baking soda. Mahusay din ito sa pagtatanggal ng plaque sa bibig at mayroong natural antibacterial properties.

Para gamitin ang baking soda bilang gamot sa sakit ng ngipin ay ihalo ang ½ tablespoon nito sa ½ cup ng tubig na may konting asin. Imumog sa bibig ng hanggang limang minuto at idura. Ulitin hanggang maubos ang mixture na ginawa at gawin dalawang beses sa loob ng isang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Cold compress: Gamot sa namamagang gums home remedy

Ang cold compress rin ay makakatulong para maibsan ang pamamaga at sakit ng ngipin. Maaari din itong gamiting gamot sa pamamaga ng pisngi o mukha dahil sa ngipin.

Maglagay lang ng ice cubes sa isang dry towel at ilagay sa balat malapit sa affected area. Gawin ito nang maraming beses sa isang araw. Makatutulong ito para maibsan ang pamamaga. Ang cold compress ay maaring gamitin sa loob ng 15 minute intervals.

4. Garlic

Ano ang gamot sa pamamaga ng pisngi dahil sa ngipin? Ang pinakilalang natural na gamot sa pamamaga ng ngipin na nagdudulot ng pamamaga ng pinsgi ay ang bawang.

Dahil din ito sa antibacterial at anti-inflammatory properties na taglay ng bawang na nakakatulong para maibsan ang sakit at patayin ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon at pamamaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magdikdik lang ng isang butil ng bawang at ilagay sa affected area. Ulitin ito nang maraming beses sa isang araw lalo na kapag sumumpong ang sakit.

5. Hydrogen peroxide

Isang mahusay na panlaban sa bacterial infection ay ang hydrogen peroxide. Mababawasan din nito ang plaque at magagamot ang bleeding gums.

Ihalo lang ang pantay na dami nito sa tubig at imumog. Siguraduhing hindi malulunok ang mixture na ginawa.

Maari itong gawin nang maraming beses sa loob ng isang araw

6. Oregano essential oil: Gamot sa namamagang gums home remedy

Ang oregano oil ay isang essential oil na mabibili sa mga drugstore o healthy food store. Mayroon itong antibacterial properties at antioxidant na makakatulong na mabawasan ang pamamaga at sakit ng ngipin. Kailangan lang itong ihalo sa carrier oil gaya ng coconut oil para hindi makadagdag ng iritasyon sa ngipin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para gawin itong gamot sa dental pain ay ihalo ang ilang drops nito sa isang ounce ng carrier oil. Magpatak ng few drops ng pinaghalong oil sa isang cotton ball at ilagay sa infected area sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Tanggalin ang cotton swab at hayaan munang mababad ang mixture sa ngipin ng sampung minuto saka magmumog.

Gawin ito nang tatlong beses sa isang araw.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Ivan Babydov

7. Fenugreek tea

Tulad ng oregano oil, ang fenugreek tea ay mayroon ring antibacterial properties. Madalas na mabibili ang ground fenugreek sa supermarket kasama ng iba pang spices.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ihalo lamang ang isang teaspoon ng ground fenugreek sa mainit na tasa ng tubig. Palamigin ito at ilagay sa affected area gamit ang isang cotton ball. At gawin ito nang tatlong beses sa isang araw.

8. Clove essential oil: Gamot sa namamagang gums home remedy

Gaya ng oregano oil, ang clove essential oil rin ay kailangang ihalo muna sa carrier oil bago magamit na gamot sa toothache at inflammation.

Para gamitin, ihalo ang 3 to 5 drops ng clove essential oil sa carrier oil. Magpatak ng few drops ng mixture sa affected area gamit ang cotton. O kaya naman ay maglagay ng ilang patak ng mixture sa isang basong tubig at imumog. Gawin ito tatlong beses sa loob ng isang araw.

9. Thyme essential oil

Isa pang essential oil na tumutulong sa paglaban sa bacteria at maibsan ang pamamaga ay ang thyme oil. Tulad ng mga naunang essential oil ay kailangan rin itong i-dilute sa carrier oil bago gamitin.

Puwede itong ipatak sa affected area gamit ang cotton. O kaya naman ay gawin ding mouthwash na maaring ulitin nang tatlong beses sa loob ng isang araw.

10. Oil pulling

Ang oil pulling ay isang paraan at gamot sa toothache na ginagawa noong una pang panahon. Dahil tinatanggal daw nito ang mga toxins sa ngipin at gums. Maganda rin daw itong solusyon sa bad breath.

Ang mga oil na maaring gamitin sa oil pulling ay raw coconut oil, sesame oil at olive oil.

Para gawin ito ay maglagay ng isang kutsarang oil na napili sa iyong bibig. Imumog ito sa iyong ngipin ng hanggang 20 minutes. Idura ito at huwag lulunukin.

Para sa mas magandang resulta, gawin ang oil pulling sa umaga o sa oras na wala pang laman ang tiyan.

Ang mga nabanggit na gamot sa pamamaga ng ngipin ay temporary relief lamang. Para tuluyan ng maibsan ang sakit ay mas maiging magpunta sa dentista. Ito ay para malaman ang pinakamainam na gawin at hindi na magdusa pa sa sakit ng ngipin.

Antibiotic para sa pamamaga ng ngipin at gilagid

Hindi dahil masakit ang ngipin ay nangangahulugan na ito na kailangan mo na agad ng antibiotic para sa pamamaga ng ngipin. May pagkakataon na susubukan muna ng iyong dentista na i-drain ang abscess na nagpapamaga ng iyong gilagid. Sa mga malalang impeksyon naman ay posibleng root canal o pagbunot sa ngipin ang kailangang gawin.

Kailan kailangan ang antibiotic bilang gamot para sa pamamaga ng ngipin at gilagid?

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang antibiotic para sa pamamaga ng ngipin at gilagid kung ang impeksyon ay malala. Gayundin naman kung ang impeksyon ay kumalat na at ikaw ay mayroong mahinang immune system.

Mahalagang magpatingin sa doktor kapag matindi ang impeksyon ng ngipin. Ang uri kasi ng antibiotic para sa pamamaga ng ngipin ay nakadepende sa uri ng bacteria na nagdudulot ng impeksyon at tooth decay.

Karaniwang uri ng antibiotic na ibinibigay bilang gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid ay ang penicillin at amoxicillin. Kaya lamang, maraming tao ang allergic sa gamot na ito.

Kaya mahalagang kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng antibiotic. Bukod pa rito, ipinagbabawal din naman ang pagbili ng ano mang antibiotic nang walang prescription mula sa doktor.

Kung hindi man makakapunta sa doktor at hindi makakabili ng antibiotics, mayroong ibang gamot na maaaring mabili over-the-counter na makatutulong din para maibsan ang pamamaga at pananakit ng ngipin.

Ilan sa mga ito ay ang ibuprofen tulad ng advil at motrin. Pati na rin ang acetaminophen o Tylenol.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Andrea Piacquadio

Anong gamot sa pamamaga ng ngipin ng bata?

Mahalaga ang agad na pag-aksyon kung namamaga ang ngipin ng iyong anak. Posible kasi itong humantong sa mga seryosong isyung pangkalusugan tulad ng bacterial blood infections at pagkawala ng ngipin.

Kung hindi agad makakabisita sa dentista, narito ang ilang puwedeng gawin para maibsan ang pananakit ng ngipin ng bata.

Gamot sa pamamaga ng ngipin ng bata:

  • Dampian ng cold compress ang bahagi ng pisngi ng bata na namamaga dahil sa sirang ngipin.
  • Ilagay ang freshly-used peppermint tea bags sa freezer nang ilang minuto. Pagkatapos ay idampi ito sa pisngi at gilagid ng bata na parang cold compress din.
  • Pagmumugin ang bata ng maligamgam na tubig na may asin.
  • Gumawa ng garlic paste at gumamit ng cotton swab para ipahid ang paste sa namamagang ngipin at gilagid.
  • Magmumog ang bata ng diluted hydrogen peroxide. Matapos idura ang hydrogen peroxide, tiyaking pagmumugin ulit ang bata nang ilang beses ng plain na tubig.
  • Pahiran ng clove oil ang namamagang ngipin at gilagid.
  • Makatutulong ang aloe vera gel. Pahiran ang affected area at i-massage nang marahan.

Kung hindi pa rin mawala ang pananakit at pamamaga sa mga home remedy na ito, puwede namang painumin ang bata ng gamot sa pamamaga ng ngipin na mabibili sa mga botika. Puwedeng uminom ang bata ng ibuprofen at acetaminophen. Tiyakin lang na sundin ang recommended dosage na angkop sa edad ng iyong anak.

Gamot sa pamamaga ng ngipin ng buntis

Pangkaraniwan din ang dental problem para sa mga buntis. Ang mga pagbabago sa katawan ng isang babae dulot ng hormonal changes ay posible ring maging dahilan ng dental plaque sa buntis.

Ang build up ng dental plaque ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo ng gilagid at pamamaga nito. Kilala ang kondisyon na ito sa tawag na pregnancy gingivitis.

Ano ang gamot sa pamamaga ng ngipin ng buntis?

Alam naman natin na hindi lahat ng paggamot ay puwede sa buntis. Kaya naman mahalagang malaman kung ano ang ligtas na gamot sa pamamaga ng ngipin ng buntis

Narito ang mga dapat gawin kung ikaw ay buntis at nakaranas ng pananakit at pamamaga ng ngipin:

  • Magpatingin sa dentista at huwag kalimutang ipaalam na ikaw ay buntis. Ligtas namang sumailalim sa dental x-rays at iba pang dental procedures habang buntis. Pero nakadepende ito sa kung ilang buwan ka nang buntis. Posibleng i-delay muna ng dentista ang ibang treatment hanggang sa nasa second trimester na ang iyong pagbubuntis.
  • Ipagpatuloy ang routine dental cleanings dahil hindi naman ito makasasama sa iyong baby. Makagagamot ng pregnancy gingivitis ang regular na pagpapalinis ng ngipin.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Cedric Fauntleroy

Kung pansamantalang idedelay ng iyong dentista ang treatment hanggang sa 2nd trimester ng pagbubuntis mo, maaaring humingi ng tulong dito para alamin ang mga pagkain at inumin na nakapagpapalala ng sensitivity at pananakit ng ngipin.

Tulad ng mga nabanggit sa taas, maaari ding maglagay ng cold compress sa namamagang bahagi ng mukha o magmumog ng maligamgam na tubig na may asin para mabawasan ang pamamaga ng ngipin.

Samantala, maaari namang alamin sa iyong dentista kung mayroon bang over-the-counter na gamot para sa pamamaga ng ngipin ng buntis. Itanong sa iyong doktor kung ligtas ba sa iyong kondisyon ang tooth antiseptic na mayroong benzocaine content o pain relievers tulad ng acetaminophen.

Paano maiiwasan ang pamamaga ng gums at ngipin?

Ang pamamaga ng ngipin at gilagid ay maaaring dulot ng impeksyon, plaque, o masamang oral hygiene. Narito ang ilang tips para maiwasan ito:

1. Panatilihin ang tamang oral hygiene

  • Mag-toothbrush dalawang beses araw-araw gamit ang fluoride toothpaste.
  • Gumamit ng dental floss at mouthwash para sa karagdagang proteksyon laban sa bacteria.

2. Iwasan ang matatamis at acidic na pagkain

  • Limitahan ang matatamis at maaasim na pagkain na nagdudulot ng plaque at iritasyon sa gilagid.

3. Magpatingin sa dentista regularly

  • I-schedule ang check-up tuwing 6 na buwan para sa professional cleaning.

4. Uminom ng maraming tubig

  • Pinapanatiling malinis at basa ng tubig ang bibig.

5. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak

  • Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pamamaga at pangangati ng gilagid.

6. Gumamit ng malambot na toothbrush

  • Para maiwasan ang pagkamot o gasgas sa gilagid.

Kung may sintomas ng pamamaga o impeksyon, mumugin ng tubig na may asin at magpatingin agad sa dentista.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.