Help! Anong gamot sa sakit ng ulo ko?
Kahit na halos lahat tayo ay nasa bahay at hindi na kailangang maranasan ng matagal na biyahe papasok ng trabaho dahil may ‘work from home’ naman, bakit nakakapagod pa rin? Actually, parang mas doble pa ang pagod ko ngayong nasa bahay ako kaysa nasa labas. Isabay pa ang kambal na pananakit ng ulo at pagod. Hindi na kayang tumingin sa screen ng laptop para makapag trabaho. Moms! Kaya pa ba?
Sa totoo lang, nag-aalala na ako sa physical health ko pero alam ko ang mga sintomas na ito ay may kaugnayan sa stress ko. Oo, hindi na bago sa atin ang hatiin ang katawan para lang makapag-multitask sa pagtulong sa mga anak na kasalukuyang may online learning. Samahan pa ni bunso na iyak ng iyak dahil gusto ng gatas! Ganito ang pandemic story ko.
Ayon sa emergency physician at public health professor sa George Washington University, at former health commissioner ng Baltimore na si Dr Leana Wen, mahirap talagang ihiwalay ang mental health at physical health.
Ang pag-aalaga ng mga anak ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, depression at pagtaas ng pag-inom ng alak. “That’s why seeking help from your doctor, not waiting until it reaches a boiling point, and seeking help early is important.”
Talaan ng Nilalaman
Parenting ngayong COVID-19: Ang totoong nangyayari sa ‘Stay Home’
Noong unang punta ko sa telemedicine appointment ko para talakayin ang mga sintomas, inabisuhan akong magpa-test ng COVID-19. Magandang balita naman dahil negative ako! Pero siyempre, may kapalit ang kasiyahan ko. Ang sabi sa akin, mayroon akong stress na sinamahan ng sinus pressure kaya kinakailangan kong uminom ng Claritin.
Pagkatapos ng isang buwan, dito na ako nakaramdam ng seryosong kondisyon. Kinakailangan kong umupo ng ilang minuto para makaakyat ng hagdan. Ang pananakit ng ulo ko ay lumala at dumating na sa puntong, buong araw akong nakahiga sa kama at hindi makaaalis. Pagkatapos ng pangalawang telemedicine appointment at isa pang coronavirus test, napagalaman na ako ay anaemic at kailangang ma-confine sa ospital para masalinan ng dugo.
Ayon kay Amanda Zelechoski, isang associate professor ng psychology sa Valparaiso University at co-founder ng Pandemic Parenting, ang pagkakaroon ng hesitation ng mga pasyenteng nakakaranas ng minos symptoms ay dahil sa message na: Stay at home; hayaan niyong makapag-focus ang mga frontliners sa emergency cases.
Ngunit sa mabilis na pagtaas ng kaso ngayong pandemic, para kay Dr. Zelechoski, ang kasabihan na ito ay kailangang itigil na.
“We have to think about getting back to what that routine care looks like — or when there are concerning things, recognizing that ‘I still need to get it checked out.”
Dagdag pa nito na mas delikado kung hindi masusuri ang mga pasyente.
Ang isang writer mula sa Indianapolis na si Ericka Andersen, may dalawang anak, dahil sa nangyayaring pandemic, nagkakaroong ng delay sa lahat. Hindi niya maiwasang mabahala. “I just want to make sure, as someone who has a history of cancer in my family. That nothing is wrong.”
Ganito rin ang iniisip ni Dr. Wen, na nagkaroon ng cervical cancer at high risk sa breast cancer. “For me, missing my preventive screenings would have a potential physical consequence. But also it would cause an extraordinary amount of stress.” sabi niya. “I would always be thinking about: Should I have gotten screened earlier because I may have cancer?”
Paano malalabanan ang ‘decision fatigue’
Para kay Dr. Zelechoski na may tatlong anak, ang desisyon na ito ay maaaring makadagdag lang ng problema sa mga magulang at palalain ang sitwasyon. Kinakailangan ng mga magulang na malaman ang tamang school. “It’s just not sustainable and it really will start to take a toll.”
Kwento naman ni Ojeda, pagkatapos ng nakakapagod na linggo, hinayaan niya ang kaniyang sarili na mag-relax at kalimutan pansamantala ang role ng ‘nanay’. Halimbawa na lang kapag gusto ng kaniyang anak na umorder ng pizza, hahayaan niya ito at tila nakatatandang kapatid lang na walang naririnig na ang solusyon ay kumuha na lang ng pagkain mula sa fridge.
Nakatulong ito para makapag-charge siya at bumalik ang dating sigla para naman makapag-isip ng magiging desisyon kung ililipat na niya sa ibang school ang anak niya.
Payo ni Dr Zelechoski, ‘wag kakalimutan ng mga magulang ang kanilang sarili lalo na ngayong stress sila. “You’re in the middle of a collective global trauma right now.”. Inaabiso niya rin ang mga magulang na madalas magpatingin ng sarili, kung ito ba ay in person o via telemedicine.
“When What Parents Are Feeling Is More Than Just Stress” by Sandi Villarreal © 2020 The New York Times Company
Sandi Villarreal is editor in chief of Sojourners, a print and online magazine about faith, culture and politics. She lives with her husband and three children in Washington, D.C.
Pananakit ng ulo at pagkahilo
Nakakabahala kapag sabay na naranasan ang sakit ng ulo at pagkahilo. Gayunpaman, maraming bagay ang maaaring magdulot ng pagkahilo at pananakit ng ulo, tulad ng dehydration at anxiety.
Ilan sa mga posiblemg dahilan ng pagsasabay ng pagkahilo at sakit sa ulo ay:
- Brain qneurysm
- Stroke
- Migraine
- Head injuries, tulad ng traumatic brain injury at post-concussion syndrome
- Impeksyon dulot ng bacteria at virus
- Dehydration
- Mababang blood sugar
- Anxiety
- Labyrinthitis
- Anemia
- Mihinang paningin
- Autoimmune conditions
- Side effects ng gamot
Gamot sa sakit ng ulo
Kinakailangang alamin muna ang sanhi ng pananakit ng ulo bago malaman kung paano ito gagamutin. May posibilidad na mabawasan ang pagkakaroon ng sakit ng ulo kapag alam mo na kung ano ang nagiging sanhi nito.
Kapag alam na ang sanhi ng pananakit ng ulo, maaari nang maibigay ng doktor ang akmang paraan ng panggagamot. Halimbawa, kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng ulo dahil sa nerbyos o nag-aalala.
Ang counseling at stress management techniques ay makakatulong na i-manage ang ganitong pananakit ng ulo. Maiiwasan ang stress-induced headaches sa pamamagitan ng pagpapababa ng stress levels.
Hindi lahat ng sakit ng ulo ay nangangailangan ng medikasyon, ang iba ay kinakailangan lang ng treatment. Ang uri ng treatment ay ibinabase sa uri, level ng sakit, at dahilan, na kinabibilangan ng:
-
Stress management.
Tinuturuan ng stress management na magkaroon ng mga paraan para makayanan ang mga pangyayari na nagdudulot ng stress. Ang relaxation techniques ay nakakatulong sa pamamahala ng stress.
Ang paghingang malalim , muscle relaxation, mental images, at pakikinig sa musika ay makakapagpababa naman ng tension sa katawan.
-
Biofeedback.
Ang biofeedback ay tinuturuang kilalanin ng katawan ng katawan ang namumuong tension. Natututunan mo kung paano tumutugin ang iyong katawan pagdating sa mga stressful situations at mga paraan kung paano ito aayusin.
Sa pagsasagawa ng biofeedback, konektado ang mga sensor sa katawan. Sinusubaybayan nito ang iyong involuntary physical responses sa pananakit ng ulo, na kinabibilangan ng pagtaas ng:
-
- Bilis ng paghinga
- Pulso
- Heart rate
- Temperatura
- Muscle tension
- Aktibidad ng utak
-
OTC medications.
Ang paminsan-minsang pananakit ng ulo ay kadalasang tumutugon ng maayos sa over-the-counter pain relievers. Ngunit kailangang tandaan na ang madalas na paggamit ng ganitong uri ng gamot ay maaaring magdulot ng araw-araw na pananakit ng ulo.
Para sa madalas o malalang sakit ng ulo, maaaring magbigay ang iyong doktor ng mga nireresetang gamot para sa sakit ng ulo.
Minsan, ang mga gamot para sa high blood pressure, seizures, at depression ay nakakatulong maiwasan ang migraines. Maaari irekomenda ng iyong doktor ang paggamit nito para mabawasan ang pananakit ng ulo.
Hilo at ang gamot dito
Ang pagkahilo ang kadalasang dahilan ng pagbisita ng mga matanda sa doktor. Ang madalas o hindi nawawalang pagkahilo ay maaaring makaapekto sa iyong buhay. Pero ang pagkahilo ay hindi naman sensyales ng nakamamatay na kondisyon.
Ang gamot sa pagkahilo ay depende sa sanhi at sintomas nito. Madalas naman itong epektibo ngunit maaaring mangyari ulit.
Sanhi ng pagkahilo
Ang kadalasang dahilan ng pagkahilo ay dahil sa migraine, mga gamot, at alcohol. Maaari ring dahil ito sa problema sa inner ear kung saan kinokontrol ang balanse.
Puwede ring resulta ng vertigo ang pagkahilo. Ang karaniwang sanhi ng vertigo at vertigo-related dizziness ay benign positional vertigo (BPV).
Ito ay nagdudulot ng pansamantalang pagkahilo kapag ang isang tao ay biglaan at mabilis na nagpait ng posisyon, tulad ng pag-upo sa kama matapos ang pagkakahiga.
Ang iba pang maaaring sanhi ng pagkahilo ay kinabibilangan ng:
- Biglaang pagbaba ng blood pressure
- Heart muscle disease
- Pagbaba ng dami ng dugo
- Anxiety disorders
- Anemia (mababa ang Iron)
- Hypoglycemia (mababang blood sugar)
- Impeksyon sa tenga
- Dehydration
- Heat stroke
- Sobrang pag-eehersisyo
- Motion sickness, tulad ng pagkahilo sa sasakyan
Sintomas ng pagkahilo
Ang mga taong nakakaranas ng pagkahilo ay maaaring makaramdam ng mga sensasyon na kinabibilangan ng:
- Lightheadedness o pakiramdam na mahihimatay
- Pakiramdam na umiikot
- Kawalan ng katatagan
- Kawalan ng balanse
- Pakiramdam na lumulutang o lumalangoy
Minsan ay may kasamang nausea, pagsusuka, o pagkahimatay ang pagkahilo. Manghingi agad ng tulong sa doktor kung mayroon ka ng mgaa sintomas na ito sa matagal na panahon.
Gamot sa hilo
Ang gamot sa hilo ay nakatuon sa underlying cause. Kadalasan, ang mga home remedies at medical treatments ay kayang ikontrol ang dahilan ng pagkahilo. Halimbawa nito ay:
- Kayang pamahalaan ng mga gamot at pag-eehersisyo sa bahay na nakakatulong sa makontrol ang balanse para sa inner-ear issues.
- Nareresolba ang BPV sa pamamagitan ng maneuvers na nakakatulong na maibsan ang mga sintomas. Maaaring operahan ang mga pasyenteng hindi nakontrol ang BPV.
- Ang meniere’s disease ay ginagamot sa pamamagitan ng masustansyang low-salt diet, occasional injections, o opera sa tenga.
- Ginagamot naman ang migraine sa pamamagitan ng mga gamot at pagbabago sa lifestyle, tulad ng pag-alam sa dahilan ng pagkakaroon ng migraine at maiwasan nito.
- Ang mga gamot at anxiety-reducing techniques ay maaaring makatulong sa anxiety disorders.
- Makakatulong din sa pagkahilo ang pag-inom ng maraming tubig lalo na kung ang pagkahilo ay dulot ng sobrang pag-eehersisyo, init, at dehydration.
Gamot sa motion sickness
Ang motion sickness ay pagkahilo na nangyayari kapag nasa byahe, sa sasakyan man, barko, o eroplano. Nagdudulot ito ng malamig na pawis, nausea, at pagsusuka. Mas madalas na nakakaranas ng motion sickness ang mga bata at kababaihan.
Ang mga gamot na maaaring makatulong na maiwasan ang pagkahilo sa byahe at iba pang sintomas nito ay kinabibilangan ng:
-
Antihistamine.
Ito ang kadalasang ginagamit upang gamutin ang allergy. Nakakatulong din ang antihistamine na maiwasan ang pagkahilo sa byahe at maibsan ang mga sintomas nito.
Ang mga antihistamine na nagdudulot ng pagkaantok ang epektibo, ang mga antihistamine na hindi nakakaantok ay hindi nakakatulong dito.
-
Patches.
Ang scopolamine skin patches o oral pills ay ginagamit upang maiwasan ang pagduduwal at pagsusuka. Nilalagay ito sa likod ng iyong tenga ng hindi bababa sa apat na oras bago bumyahe.
Matapos ang tatlong araw, kinakailangang tanggalin ang patch at palitan ng bago. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng panunuyo ng bibig, at hindi pwedeng gamitin ng bata.
Tandaan na kapag sobrang masakit na ang iyong ulo o labis-labis na ang nararamdamang hilo, magpakonsulta agad sa doktor. Sapagkat maaaring may iba ka pa palang sakit.
This story was originally published on 14 October in NYT Parenting and translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
Updates by Shena Macapañas
Additional Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.