May mga paraan at gamot sa sore throat o gamot sa masakit na lalamunan na hindi kailangang bilhin at available sa loob lang ng ating bahay. Ang mga home remedy sa masakit na lalamunan ay madalas na mas ligtas at mas mura, kaya magandang alamin ang mga ito..
Talaan ng Nilalaman
Ano ang sore throat at ano ang mga sintomas nito?
Ang sore throat ay tumutukoy sa pananakit, pangangati at iritasyon sa ating lalamunan. Ang pangunahing sintomas nito ay ang pananakit ng lalamunan na mas nadadagdagan sa tuwing lumulunok ng pagkain o inumin.
Ayon sa CDC, ang sore throat ay maaaring dahil sa isang viral o bacterial infection na kadalasang nagtatagal ng lima o pitong araw. Madalas masasabi umanong ito ay dulot ng isang virus kung sasabayan ang sore throat ng mga sumusunod pang sintomas.
- Ubo
- Runny nose
- Pamamaos
- Conjunctivitis o sore eyes
Samantala, masasabi namang ang sore throat ay dulot ng bacterial infection kung ito ay nagpapakita ng sumusunod na sintomas. Ang bacteriang madalas na nagdudulot ng sore throat ay ang group A strep. Kaya naman mula sa tawag na sore throat ito ay nagiging strep throat na.
- Biglaang pagkakaroon ng sore throat.
- Hirap sa paglunok.
- Lagnat.
- Namumula at namamagang tonsils na minsan at may white patches o streaks na nana.
- Maliliit na red spots sa ngala-ngala.
- Kulani sa harapang bahagi ng leeg.
Maliban sa viral sore throat at strep throat, ang pananakit ng lalamunan o sore throat ay maaaring dulot din ng allergy o kaya naman ay paninigarilyo. Upang maibsan ang mga sintomas, maraming mga home remedy sa masakit na lalamunan ang maaaring subukan, tulad ng mainit na tubig na may asin o honey.
Sore throat at iba pang COVID-19 symptoms
Woman photo created by user18526052 – www.freepik.com
Sa ngayon, ang sore throat ay isa rin sa pangunang sintomas ng sakit na COVID-19. Kung may sore throat at nakakaranas ng mga sumusunod pang sintomas ay mabuting ipaalam na agad sa iyong doktor.
- Pananakit ng ulo.
- Pangangatog ng katawan.
- Kawalan ng panlasa o pang-amoy.
- Congestion o runny nose
- Nausea o pagsusuka.
- Diarrhea.
- Lagnat.
- Hirap sa paghinga.
Kailan dapat magpunta sa doktor?
Samantala, hindi tulad ng common sore throat o iyong dulot ng virus, ang strep throat ay mas nangangailangan ng pansin ng isang doktor lalo na kung isang bata ang nakakaranas nito.
Kaya naman sa oras na magpakita ng sintomas ng strep throat ang iyong anak o ang kaniyang sore throat ay sasabayan pa ng mga sumusunod na sintomas ay mabuting dalhin na agad siya sa doktor upang matingnan.
- Hirap sa paglunok
- Dugo sa kaniyang laway o plema.
- Labis na paglalaway.
- Dehydration.
- Pamamaga at pananakit ng kasu-kasuhan.
- Rashes sa katawan.
Kung sakali ring magpakita pa ng ibang sintomas ang iyong anak maliban sa nabanggit ay mabuting dalhin parin siya sa doktor para makasigurado.
Gamot sa sore throat: Home remedy sa masakit na lalamunan
Samantala, para maibsan ang hirap at pasakit na dulot ng sore throat, ay may mga paraan at gamot sa sore throat na maaaring makita at gawin sa loob lang ng ating bahay. Ang mga home remedy sa masakit na lalamunan ay karaniwang madaling gawin at epektibo. Pero tandaan, kung ang sore throat ay hindi pa rin gumagaling o bumubuti matapos gawin ang mga sumusunod, mabuting magpunta na sa doktor. Lalong-lalo na kung ang nararamdaman o ipinapakitang sintomas ay ang sa strep throat.
Ang mga gamot sa sore throat na maaaring makatulong na maibsan ang pananakit o discomfort na dulot nito ay ang sumusunod.
1. Ipahinga ang katawan at uminom ng maraming tubig.
Water photo created by pressfoto – www.freepik.com
Ang pagtulog o pagpapahinga ng maayos ay isang paraan para matulungan ang ating katawan na labanan ang kahit anong infection tulad ng sore throat. Kung maaari ay dapat ding ipahinga ang ating lalamunan sa pamamagitan ng pagbabawas sa pagsasalita.
Ayon sa NHS o National Health Service ng UK, makakatulong rin ang madalas na pag-inom ng tubig o pagpapanatiling hydrated ng taong nakakaranas nito.
Subalit, dapat ding iwasan ang pag-inom ng mga maiinit na inumin. Samantalang ang pagsipsip ng ice cubes, ice lollies o hard sweets ay makakatulong sa pagpapahupa ng maga o inflammation sa lalamunan.
2. Pag-inom ng over-the-counter medications.
Maaari ring maibsan ang discomfort na dulot ng sore throat sa pamamagitan ng pag-inom ng mga over-the-counter medications. Ang mga halimbawa nito ay ang paracetamol at ibuprofen na puwede din sa mga bata.
Mayroon ding mga sore-throat lozenges katulad ng Difflam at anesthetic sprays na maaaring makatulong sa pagpapahupa ng maga sa lalamunan.
Subalit, hindi dapat magbigay ng sore-throat lozenges sa mga batang apat na taong gulang pababa. Ito ay dahil maari silang mabulunan o ma-choke dito.
3. Pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin.
Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin o saltwater ay nakakapagpapabawas din ng maga sa lalamunan, isa ito sa mga home care remedy upang maibsan ang sakit sa lalamunan. Ngunit ito ay hindi nirerekomendang gawin sa mga bata.
Para gawin ito ay magtunaw ng kalahating kutsaritang asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at imumog sa iyong bunganga at lalamunan.
Isang magandang gamot ito sa sore throat at paraan upang mapanatiling malinis ang lalamunan. Para sa mas magandang resulta ay gawin ito ng kada tatlong oras hanggang mawala ang sintomas ng sore throat.
4. Huwag uminom ng antibiotics nang hindi nirerekomenda ng isang doktor.
Karamihan ng mga sore throats ay dulot ng isang virus at hindi kayang gamutin ng antibiotics. Para makasigurado ay mabuting magpatingin muna sa isang doktor para malaman kung ano ang naging sanhi ng iyong sore throat, at upang marekomendahan ng mga capsules o tablets para sa sore throat.
Sapagkat kung ito ay dulot ng isang bacterial infection ay may kaukulang gamot ang dapat inumin para labanan ang mga bacteria na nagdudulot nito.
Ang viral sore throat ay kadalasang sinasabayan ng runny nose, ubo, red o watery eyes at pag-atsing. Samantalang, ang sore-throats naman na dulot ng bacterial infection ay may halos kahalintulad na sintomas ngunit minsan ay sinasabayan ng isang lagnat.
5. Iwasan ang mga irritants o mas magpapakati pa ng lalamunan.
Ang paninigarilyo ay isa sa mga irritants at nakakapagdulot ng sore throat sa isang tao. Kapag ang isang tao ay naexpose sa irritants gaya ng usok ng sigarilyo, ito ay uubo ng uubo dahilan upang mas maging maga ang lalamunan nito.
Maliban dito, pinapahina rin ng paninigarilyo ang immune system ng isang tao. Kaya naman mas madaling dapuan ng mga viral o bacterial infection katawan nito.
Ilan pang nagdudulot ng sore throat ay ang pollution o mga irritants sa hangin, allergies, dry air at ang pagbabago sa temperature gaya ng pagpasok sa malamig na kwarto mula sa mainit na lugar.
Para ma-eliminate naman ang dry air ay maaaring gumamit ng cool-air humidifier o kaya naman ay maupo sa loob ng isang steamy bathroom ng ilang minuto.
6. Palakasin ang iyong katawan at immune system.
Food photo created by timolina – www.freepik.com
Para tulungang makaiwas ang iyong katawan sa mga infection gaya ng sore throat ay dapat kumain ng balanced diet o ng masusustansiyang pagkain. Makakatulong din ang pag-inom ng mga supplements gaya ng Vitamin D na tumutulong sa pagboboost ng immunity.
7. Pag-inom ng mga alternative medicines o herbal remedies.
May mga alternative medicines o herbal na gamot sa sore throat. Isa na nga rito ay ang honey na isang natural antibiotic. Maaaring gamitin ito sa pamamagitan ng paghalo nito sa isang tea.
Ngunit, dapat tandaan na ang honey ay hindi dapat pinapainom o pinapakain sa mga batang isang taong gulang pababa.
Ang pagsipsip din ng garlic o bawang ay makakatulong sa paggamot ng sore throat dahil sa antibacterial properties nito. Kailangan lang ay mag-toothbrush pagkatapos gawin ito.
Paano makakaiwas sa sore throat?
Para makaiwas sa sore throat ay dapat manatiling malusog at malinis sa katawan sa lahat ng oras. Ang iba pang paraan na maaari mong gawin para magawa ito ay ang sumusunod.
- Ugaliin ang paghuhugas ng kamay.
- Umiwas sa mga close contact o taong may sore throat, sipon o iba pang upper respiratory infections.
- Huwag manigarilyo at umiwas sa exposure ng second-hand smoke.
Dalawa lamang ang treatment options para sa sore throat na nararanasan na maaari ring irekomenda ng mga Doktor. Kung ang sorethroat ay hindi nangangailangan ng medikal na atensyon o kung hindi naman ito ganoon kalala, pumipigil pa rin ito sa isang tao na mag-focus sa ginagawa.
Sa kabutihang palad, marami mga gamot o medicines para sa sakit sa lalamunan at mga home care remedies na maaaring gawin para maibsan ang sakit at kirot
Ilan sa mga dagdag na home remedies na maaaring sundan nang nakararanas ng sore throat ay ang mga sumusunod:
-
Pag-inom ng chamomile tea.
Ang chamomile tea ay natural na nakakapawi ng anumang sakit na nararamdaman. Matagal na itong gamit sa layuning panggagamot.
Mayroon itong anti-inflammatory, antioxidant at astringent properties na makatutulong sa pananakit ng lalamunan. Maaari rin nitong pasiglahin ang immune system upang labanan ang anumang impeksyon na magdudulot ng sore throat.
-
Baking soda gargle o pagmumumog ng baking soda.
Hindi lamang asin at maligamgam na tubig ang maaaring gamitin sa pagmumuog kung ikaw ay may sore throat, nakatutulong din ang baking soda gargle na patayin ang mga bacteria at maiwasan ang paglaki ng mga yeast at fungi.
Paghaluin ang maligamgam na tubig, ¼ kutsarita ng baking soda at 1/8 kutsarita ng asin at saka gamitin ito sa imumog.
Maraming mga pag-aaral na ang nagpakita sa antimicrobial effects ng apple cider vinegar sa paglaban sa mga impeksyon. Maaari din itong gamitin upang matunaw ang mucus o mga uhog sa lalamunan at mapigilan ang pagkalat ng mga bakterya.
Kung sa tingin mo ay magkakaroon ka ng sore throat, subukan ang paghalo ng 1 hanggang 2 kutsara ng apple cider vinegar sa isang tasa ng tubig at imumog ito.
Maaari ring humigop ng kakaunting mixture nito at ulitin ang prosesong ito isa hanggang dalawang beses bawat oras. Siguraduhing uminom ng maraming tubig sa pagitan ng pag-inom at pagmumog nito.
Ang pagkonsumo ng apple cider vinegar ay depende pa rin sa kalubhaan nito at ng sakit na nararamdaman. Mainam pa rin ang pagkonsulta sa iyong doktor upang hindi magkaroon ng seryosong komplikasyon.
-
Cayenne pepper or hot sauce.
Madalas na gamit ang cayenne pepper bilang pain reliever. Dahil naglalaman ito ng natural compound, na tinatawag na capsaicin, kilala ito sa pagharang ng mga sakit.
Maaari pa ring makatulong ang paglunok at paghalo ng maligamgam na tubig sa cayenne pepper para maalis ang maga dulot ng sore throat.
Tandaan lamang na sa pagkonsumo nito, natural ang burning sensation na mararamdaman. Hindi maaaring uminom ito kung mayroong mga open wound sa iyong bibig.
Iilang patak lamang ng hot sauce at wisik ng cayenne pepper ang kailangan upang hindi ito masyadong mainit sa pakiramdam.
Ang mga home remedies na ito para sa sore throat ay madali lamang gawin at hindi na kailangan ng malaking gastos sa pagkonsumo. Abot kaya ang presyo ng mga natural na remedyo na ito sa pagpapagaling ng sore throat.
Bukod sa mga nabanggit na over-the-counter medicines tulad ng mga throat sprays at decongestants na itinuturing ding pain relievers para sa sakit ng lalamunan.
Mayroon ding mga nonsteroidal anti-inflammatory drugs na tutulong upang matanggal ang pananakit ng lalamunan. Tulad ng Advil/Motrin (Ibuprofen), Aleve (Naproxen), Bayer (Aspirin). Subalit, ang aspirin ay hindi safe at hindi dapat gamitin sa mga infants at teenagers.
Ilang karadagang tablets at capsules para sa sore throat:
- Tylenol (Acetaminophen
- Sudafed (Pseudoephedrine)
- Afrin (Oxymetazoline)
- Penicillin V
- Cepacol (Dyclonine)
Nararapat muna ang pagkonsulta samga doktor bago ikonsumo ang mga gamot na ito sa sakit ng lalamunan upang matukoy ang mga dosis ng gamot batay sa nararanasan o kondisyong medikal.
Kinakailangan din ng reseta ang mga gamot na ito sa ilang pagkakataon. Aalamin din ng doktor ang edad, timbang at ilang mga factors sa pamamaga ng lalamunan.
Sore throat remedies para sa mga sanggol at bata
Iba ang paraan ng paggamot sa mga bata at sanggol kung sila ay nakararanas ng sore throat, dahil sa pagiging sensitibo ng mga katawan nito. Narito ang ilan sa mga tips at remedyo:
- Maglagay ng cool mist o humidifier sa kwarto ng inyong anak.
- Panatilihing hydrated ang mga bata sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na uminom hangga’t maaari.
- Iwasan ang mga juice o popsicle na may maraming citrus.
- Ang mga batang wala pang 5 taong gulang ay hindi dapat bigyan ng matapang na candy cough drops o anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib na mabulunan.
- Mag-ingat kapag nagbibigay ng mga cough drops sa mga batang wala pang 10 taong gulang.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.