X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Breast milk, nakakatulong panlaban sa tigdas

3 min read
Breast milk, nakakatulong panlaban sa tigdasBreast milk, nakakatulong panlaban sa tigdas

Maraming benepisyo ang pag-inom ng breast milk para sa mga sanggol. At ayon sa isang doktor, kabilang na rito ang pagiging gamot sa tigdas.

Dahil sa nangyaring outbreak ng tigdas sa ating bansa, maraming magulang ang nag-aalala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Bagama't mayroon nang isinasagawang mga vaccination campaign, ito naman ay para sa mga batang nasa 6 buwan pataas. Ibig sabihin ba nito, wala nang gamot sa tigdas para sa mga sanggol at mga batang wala pa sa wastong edad?

Ayon sa isang doktor, ang solusyon raw dito ay simple, at libre pa. Kailangan lang raw painumin ng mga ina ang kanilang sanggol ng breastmilk!

Breastmilk, mabisa nga bang gamot sa tigdas?

Sinabi ni Dr. Robin Navarro, isang cellular and biochemical medicine specialist, malaki raw ang naitutulong ng breastmilk kontra sakit. At pati raw ang sakit na measles ay kaya nitong labanan.

Aniya, "Ang gatas ng ina ay may tinatawag na antibodies kontra measles kaya ang mga sanggol ay may resistance sa lahat ng sakit at ang tawag doon ay passive immunity (A mother’s milk has what you call anti-bodies against measles that would give the infant the resistance against many diseases. It’s called passive immunity)."

Ibig sabihin, kailangang gawin ng mga ina na priority ang breastfeeding sa kanilang mga anak. Ito ay upang lumakas ang kanilang resistensya kontra sa mga sakit.

"Kung maubusan ng breast milk, ay ibinibigay ay unpasturized milk. At pagdating ng six months ang sanggol, bigyan na rin ito ng egg yolk, rich in cholesterol. Ang trabaho ng cholesterol ay sa immune system, panlaban sa lahat ng sakit na kung saan nag -assemble ng immune system," dagdag pa niya.

Pagdating naman daw sa pagbabakuna, sinabi ni Dr. Navarro na mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na immune system ng mga bata. "Kung magpabakuna at mahina ang immune system ng bata pwede siya mamatay, pwede siya magkaroon ng physical disability, iyong iba di makapagsalita, paralized everything, kaya mahalaga mataas ang immunity at sa bakuna papasok diyan ang measles," aniya.

Paano makakaiwas sa tigdas?

Pagdating sa tigdas, mahalagang alam ng mga magulang ang dapat gawin upang mailayo ang kanilang mga anak sa sakit na ito. At ang pagpapabakuna ay isa sa pinakamainam na gamot sa tigdas.

Ang mga bakuna ay kabilang sa mga pinaka-epektibong paraan upang paprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Bukod dito, nakapagbibigay rin ng tinatawag na "herd immunity" ang pagpapabakuna. Ang herd immunity ay isang pangyayari kung saan nagiging ligtas sa sakit at impeksyon ang mga batang wala pang bakuna dahil immune sa sakit ang mga tao sa paligid nila.

Ibig sabihin, sa pamamagitan ng herd immunity, makakaiwas sa sakit ang mga batang hindi pa puwedeng bakunahan dahil masyado pa silang bata, pati na rin ang mga bagong panganak pa lang. 

Hindi lang sa tigdas epektibo ang pagpapabakuna. Halos lahat ng bakuna na ibinibigay ng mga doktor ay ligtas, wala gaanong side-effects, at masisigurado ang kalusugan ng iyong anak. 

Huwag maniwala sa mga nababasa sa Facebook na masama ang pagpapabakuna, o kaya mayroon itong mga kemikal na sanhi ng pagkakaroon ng autism. Lahat ng mga doktor ay sang-ayon na epektibo ang pagpapabakuna, at hindi dapat matakot ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.

 

Source: Manila Bulletin

Basahin: Paolo Contis, sinabi na “lumalakas” daw siya matapos uminom ng breast milk ni LJ

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Breast milk, nakakatulong panlaban sa tigdas
Share:
  • STUDY: May epekto ang breast milk sa talino ng bata

    STUDY: May epekto ang breast milk sa talino ng bata

  • 5 Paraan na puwedeng gamitin ang breast milk bilang gamot

    5 Paraan na puwedeng gamitin ang breast milk bilang gamot

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • STUDY: May epekto ang breast milk sa talino ng bata

    STUDY: May epekto ang breast milk sa talino ng bata

  • 5 Paraan na puwedeng gamitin ang breast milk bilang gamot

    5 Paraan na puwedeng gamitin ang breast milk bilang gamot

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.