Hindi biro ang sakit na tigdas, lalo na sa mga bata. Posible itong magdulot ng matinding sakit sa mga bata, at nakamamatay ang komplikasyon nito. Kaya’t lubos na nakababahala ang estima ng DOH na mayroon nang 4,300 na kaso ng tigdas sa nangyaring tigdas outbreak 2019.
Paano nga ba masusugpo ang ganitong sakit, at ano ang magiging epekto nito sa ating kalusugan?
Tigdas outbreak 2019: 4,300 na ang kumpirmadong may tigdas
Ayon sa DOH, sa bilis ng pagkalat at pagdami ng mga kaso ng tigdas ay posible raw itong maging isang pandemic.
Ang pinaka-apektado raw na mga lugar ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol. Sa mga lugar na to ay mas mabilis kumalat ang tigdas.
Lubhang mapanganib ang tigdas para sa mga batang 1 taong gulang pababa, dahil mahina pa ang kanilang mga resistensya. Bukod dito, sila rin madalas ay hindi pa nabibigyan ng bakuna laban sa tigdas. Kapag napabayaan, posible itong maging nakamamatay.
Kung mabuhay naman sa tigdas ang isang pasyente, posible itong magdulto ng
Sa tala ng DOH, may 70 katao na raw ang namatay dahil sa pagkakaroon ng tigdas, at karamihan sa mga ito ay mga bata. Kaya’t inuudyok nila ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Nagbabahay-bahay na nga ang ibang mga tauhan ng DOH upang makumbinsi ang mga magulang na magpabakuna. Ang kawalan ng tamang impormasyon at pagkalat ng misinformation tungkol sa pagpapabakuna ay ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng outbreak ng tigdas sa Pilipinas.
Mahalaga ang pagpapabakuna
Tanging ang pagpapabakuna laban sa tigdas ang makakapigil ng pagkalat ng sakit na ito. Kaya hindi dapat hinahayaan ng mga magulang na lumaking walang bakuna ang kanilang mga anak.
Ang mga bakuna ay kabilang sa mga pinaka-epektibong paraan upang paprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Bukod dito, nakapagbibigay rin ng tinatawag na “herd immunity” ang pagpapabakuna. Ang herd immunity ay isang pangyayari kung saan nagiging ligtas sa sakit at impeksyon ang mga batang wala pang bakuna dahil immune sa sakit ang mga tao sa paligid nila.
Ibig sabihin, sa pamamagitan ng herd immunity, makakaiwas sa sakit ang mga batang hindi pa puwedeng bakunahan dahil masyado pa silang bata, pati na rin ang mga bagong panganak pa lang.
Hindi lang sa tigdas epektibo ang pagpapabakuna. Halos lahat ng bakuna na ibinibigay ng mga doktor ay ligtas, wala gaanong side-effects, at masisigurado ang kalusugan ng iyong anak.
Huwag maniwala sa mga nababasa sa Facebook na masama ang pagpapabakuna, o kaya mayroon itong mga kemikal na sanhi ng pagkakaroon ng autism. Lahat ng mga doktor ay sang-ayon na epektibo ang pagpapabakuna, at hindi dapat matakot ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.
Source: Philstar
Basahin: 6 months old na baby, puwede nang pabakunahan laban sa tigdas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!