Kapag magana sa pagkain ang mga anak, tiyak na magiging malusog sila. Pero, paano kung sa pamilya, ay walang miyembro na malakas ang gana sa pagkain?
Sa kulturang Pilipino, hindi nawawala ang pagsasalo-salo ng pamilya sa hapag-kainan. Dapat sabay-sabay na uupo at kakain ang lahat ng miyembro ng mag-anak.
Kaya para sa mga batang Pilipino, hindi na bago ang pagkakaroon ng gana sa pagkain. Kaugalian at naging tradisyon na ito ng maraming pamilya.
Ngunit, sa mga bagong pag-aaral, maaaring masabi na ang pagkakaroon ng gana sa pagkain ay namamana. Hindi dahil ito ang nakasanayan, kundi dahil ito ay nasa sa dugo. ‘Genetic’ o hereditary ang ganitong behavior sa pagkain.
Imahe mula sa | pexels.com
Gana sa pagkain ay namamana
Gaya ng inaakala natin, ang gana sa pagkain ay nasasanay na behavior sa ating mga anak. Pero ayon sa inilabas na bagong pag-aaral ng American Journal of Clinical Nutrition na nirebyu ng Psychology Today, ang gana sa pagkain ay genetic o maaaring mamana.
Batay sa natuklasan ng mga mananaliksik, may isang region sa chromosome ng mga tao na nagsisilbing growth hormone receptor. Ito ang nagpapa-stimulate ng gana sa pagkain.
Tinatawag na chromosome 3, may hiwalay itong bahagi na nakaka-impluwensya sa eating behaviors tulad ng restraint at disinhibition. Ito ang reception natin na tumanggi sa mas maraming serving ng pagkain.
Gana sa pagkain, positibo ba?
Sa ibang pag-aaral naman, na pinangunahan ni Nanette Steinle, M.D. ng University of Maryland, sinaliksik niya ang eating habits at genetic history ng 624 mamamayan na Amish.
Ayon sa kanya, “Kung mapapatunayan namin na may protina sa chromosome 3 na nagiging sanhi ng gana sa pagkain, pwede nang makapagsagawa ng treatment para sa obesity at kaugnay na eating disorder.”
Tandaan
Imahe mula sa | pexels.com
Walang masama sa kung magana sa pagkain. Ngunit mga mommies and daddies, antabayanan din natin ang ating namanang kaugalian sa gana sa pagkain.
Sa paraang ito, maaari pang maagapan ang namanang habit sa pagkain ng ating mga anak. Makakatulong ito sa pag-iwas sa anomang eating disorder at kaugnay na komplikasyon sa sobrang gana sa pagkain.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!