Ito ang mga palatandaan na may magastos kang asawa!

Para maiwasang makaapekto ito sa inyong pagsasama at relasyon ay narito rin ang dapat mong gawin.

Gastador na asawa? Napapaisip ka ba kung ganito ang iyong asawa? Para makumpirma mo ang iyong hinala, narito ang mga palatandaan na gumagastos nga siya ng sobra-sobra. At ang iyong dapat gawin para hindi ito makaapekto sa inyong pagsasama.

Sa artikulong ito ay malalaman ang sumusunod:

  • Mga palatandaan ng gastador na asawa.
  • At ang mga dapat gawin para hindi ito makaapekto sa inyong relasyon.

Mga palatandaan ng gastador ng asawa

Ang usaping pera ang isa sa madalas na pinagtatalunan ng mag-asawa. Siyempre ito ang isa sa nagpapaikot ng pangangailangan ng pamilya. Mula sa bayaring bills hanggang sa pagkain sa araw-araw apektado ng isyu sa pera.

Kaya naman kung magkakaroon ng hindi pagkakaintindihan dito ang mag-asawa, posibleng magkaroon ng kaguluhan sa kanilang pagsasama.

Ayon sa relationship therapist na si Jen Elmquist, para maiwasan ang problema sa pera, una, dapat matukoy kung magastos ang iyong asawa. Saka ka gagawa ng angkop na paraan para hindi ito makasira sa inyong relasyon.

Ayon sa mga financial experts, ang mga palatandaan na may gastador na asawa ka ay ang sumusunod. Pati na ang mga dapat mong gawin para hindi ito makaapekto sa inyong pagsasama.

1. Makakakita ka ng bagong gamit sa inyong bahay na itinatago sa ‘yo ng iyong asawa.

Ayon sa consumer savings writer na si Andrea Worong, ang pagtatago ng mga bagong biling gamit ang isa sa palatandaan na may gastador na asawa ka.

Sapagkat alam niyang kapag nakita mo ito ay siguradong hindi mo magugustuhan. Lalo na ang presyo o perang ginamit niya pambili nito.

Photo by Liza Summer from Pexels

2. Hindi lang mga bagong biling gamit, pati mga babayarang bills ay tinatago niya rin sa ‘yo.

Tulad ng pagtatago ng bagong biling gamit, ang pagtatago ng mga bayaring bills ay palatandaan din na magastos ang asawa mo. Sapagkat kaya niya tinatago ang mga bills sa ‘yo ay dahil ayaw niyang makita mo ito at mabigla sa laki ng kailangan ninyong bayaran.

Ayon kay Elmquist, kung isa o dalawang beses itong nangyari maaaring nalimutan lang talagang ipakita sa ‘yo ng iyong asawa ang mga bills ninyo. Pero kung ito ay nauulit nang nauulit mabuting kausapin na ang asawa mo at tanungin siya ng maayos tungkol rito.

3. May mga bagong account sa credit card at personal loans ang iyong asawa.

Siyempre para mas maraming panggastos o pambili ng kaniyang mga gusto, mangungutang ang iyong asawa. Kaya kung mapapansing mong napapadalas ang pagpapadala ng promotional offers ng mga loan at credit card companies sa bahay ninyo, may posibilidad na may itinatagong credit account ang asawa mo. Ang mga promotional offers na ito ay mas ini-enganyo pa siyang mangutang at gumastos pa.

4. Bumaba ang credit score ninyo.

Isa pang palantandaan na nag-o-overspending ang asawa mo ay kapag ang dating high score ninyo sa credit card ay biglang bumaba. Sapagkat kung malaki ang balanseng binabayaran ninyo o hindi kayo nakapagbayad sa oras sa credit card ay nababawasan ang iyong credit score o ang tiyansang makautang kayong muli.

BASAHIN:

Mister: “Bakit ko kailangan bigyan ng allowance ang misis ko? E, ako naman gumagastos sa lahat!

#TipidTips: Paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby

13 tips kung paano makakatipid sa kuryente sa inyong bahay

Photo by Mikhail Nilov from Pexels 

5. Madalas siyang bumibili ng mga big purchases ng hindi pinapaalam sa ‘yo.

Sapagkat sa natatakot siyang tututol ka sa paggastos niya, hindi niya ipinapaalam ang mga binibili niya lalo na kung may kamahalan ito.

6.Hindi niya sinasabi ang tunay na presyo ng pinamili niya.

Kung hindi na niya matatago sa ‘yo ang big purchase niya, ang sunod niyang gagawin ay niya hindi sasabihin ang tunay na presyo nito sa iyo. Idedepensa niyang mura ito ng kaniyang nabili kumpara sa orihinal nitong presyo. O kaya naman imbis na P1,000 sasabihin niya lang na P700 lang ito.

7. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa finances ninyo.

Para maiwasang magalit ka o matuklasan mo ang kaniyang ginagawa ay iniiwasan niyang pag-usapan ninyo ang tungkol sa inyong finances. Sapagkat alam niya sa sarili niya na gumagastos siya ng sobra na hindi makakabuti sa budget ninyong pampamilya.

8. Mas gusto niyang siya ang magkontrol sa finances ninyo.

Para nga hindi ka na magtanong pa, magbo-volunteer siya na siya na lamang ang bahalang mag-manage ng finances ninyo. Ito ay para hindi ka na umano mamoblema tungkol rito. Pero sa totoo lang ay gusto niya lang itago ang pagiging magastos niya.

9. Ayaw niyang makipag-usap sa isang financial professional.

Para sana sa ikabubuti ng finances ninyo, imbis na gustuhin niya ay iniaayawan ng asawa mong makipag-usap sa isang financial professional. Sapagkat alam niyang kapag natuklasan mo ang mga pinagbibili at iba pang kautangan niya ay siguaradong mabibigla ka.

Photo by Mikhail Nilov from Pexels

Paano mapipigilang makaapekto sa inyong pagsasama ang pagiging magastos ng iyong asawa?

Para maiwasang makaapekto sa inyong relasyon at pamilya ang pagiging gastador ng asawa mo, ang unang paraan na iyong dapat gawin ay ang kausapin siya ng maayos tungkol rito.

Siguraduhing ikaw ay mahinahon o kalmado habang nakikipag-usap sa kaniya. Tanungin siya ng maayos tungkol rito. Saka ipaliwanag sa kaniya kung paano nakakaapekto sa inyong pamilya ang pagiging magastos niya.

Sunod ninyong gawin ay mag-set ng budget sa mga needs at wants ninyo. Siyempre ang needs ang gawin ninyong priority at isunod lang ang wants kung may sosobra. Siguraduhin din na bago gawin ito ay may nakalaan na kayong pera para sa savings at sa oras na mayroong emergency.

Para masubaybayan ang inyong gastos, mabuting magkaroon rin kayo ng financial meetings linggo-linggo. O kaya naman ay buwan-buwan para malaman ninyo kung saan kayo gumagastos ng malaki at kung may paraan ba para mabawasan o makatipid pa kayo.

Tandaan ang mga problema ay maaayos sa mahinahong usapan. Dahil kung uunahin ang galit ay lalo lang kayong hindi magkakaintindihan na mas magpapalala pa ng sitwasyon.

Source:

Business Insider, Money Crasher