app

Ano ang magandang gatas para sa buntis?

Mahalga ang pag-inom ng gatas para sa buntis. Makakatulong ito sa healthy at mabilis na paglaki ng baby. Ngunit ano nga ba ang dapat mong bilhin na gatas? | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng maayos at healthy diet ay mahalaga habang nagbubuntis. Makakatulong ito sa magandang paglaki ng baby at sa kalusugan ng ina.

Marami ang pwedeng pagkuhaan ng nutrients o healthy benefits na makakatulong sa baby. Nandyan ang pagkain ni mommy ng gulay, prutas, pag-ehersisyo, pag-iwas sa mga bawal na pagkain o kaya naman madalas na pag-inom ng gatas para sa buntis.

Ngunit ano ba ang magandang gatas para sa buntis na makakatulong sa paglaki ni baby?

Ano ang benepisyo ng gatas para sa buntis?

Ayon sa pag-aaral, malaki ang benepisyong makukuha ng buntis sa simpleng pag-inom ng gatas. Isa itong pangunahing source ng vitamin D at calcium sa kanila na makakatulong sa bata upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng allergy nito pag siya ay pinanganak.

Ang madalas na pag-inom ng gatas ni mommy ay may magandang benepisyo sa baby na nasa kanyang tyan. Makakatulong ito sa mabilis na pagtangkad ni baby at napapababa ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.

Maiiwasan rin ang osteoporosis, multiple sclerosis, neonatal rickets sa pag-inom ng gatas ng buntis.

Bakit kailangan uminom ng prenatal milk ang buntis?

Ang pag-inom ng prenatal milk ay mahalaga para sa mga buntis dahil ito ay nagbibigay ng mga mahahalagang bitamina, mineral, at nutrients na kinakailangan ng katawan ng ina at sanggol sa sinapupunan. Narito ang ilang mga dahilan kung bakit ito ay mahalaga:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Nutritional support

Ang prenatal milk ay binuo upang magbigay ng kumpletong nutrisyon para sa mga buntis. Ito ay mayaman sa folic acid, iron, calcium, at iba pang bitamina at mineral na kritikal sa tamang pag-unlad ng sanggol, pati na rin sa kalusugan ng ina.

2. Pagpapabuti sa kalusugan

Ang pagbubuntis ay nagdadala ng mas mataas na pangangailangan para sa mga nutrisyon, at ang pag-inom ng prenatal milk ay nakakatulong sa pangangailangan na ito. Ito ay makakatulong sa maiwasan ang mga nutritional deficiencies at mga komplikasyon sa kalusugan ng ina at sanggol.

3. Pag-iwas ng birth defects

Ang tamang antas ng folic acid sa prenatal milk ay mahalaga upang maiwasan ang ilang birth defects sa utak at likod ng sanggol.

4. Pagpapalakas ng buto

Ang prenatal milk ay nagbibigay ng enerhiya at lakas sa mga buntis upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maayos na pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Pagtulong sa paglaki ng sanggol

Ang tamang nutrisyon mula sa prenatal milk ay tumutulong sa tamang paglaki at pag-unlad ng sanggol sa sinapupunan.

6. Pagpapalakas sa sistema ng immune

Ang mga bitamina at nutrients sa prenatal milk ay nagpapalakas ng immune system ng ina, nagbibigay proteksyon sa kanya at sa sanggol mula sa mga impeksyon at sakit.

7. Pag-ibsan ng sintomas na nararanasan ng buntis

Sa ilang kaso, ang prenatal milk ay maaaring makatulong na maibsan ang ilang sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagkahilo at pagkapagod.

Mahalaga ring kumonsulta sa isang doktor o dalubhasa sa nutrisyon bago uminom ng prenatal milk upang matiyak na ang produkto ay angkop sa iyong pangangailangan at kalusugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LIST: Mga gatas para sa buntis

Mommy! Narito ang iba’t ibang klase na maaari mong pagpilian na gatas para sa buntis. I-ready na ang cart!

Anmum vs. enfamama? | Image from Freepik

1. Anmum

Isa sa pinagkakatiwalaang gatas para sa buntis ang Anmum. Kilalang-kilala ito ng ating mga mommy dahil sa magandang benepisyong hatid nito.

“Anmum Materna is specially formulated to provide you essential pregnancy nutrients at just 2 glasses a day.”

Ang Anmum ay may brain nutrients katulad ng GA at DHA. MAy kasama rin itong Folate, Calcium, Iron at Inulin. Ang mga nutrients na ito ay mga pangunahing pangangailangan ng baby sa panyang malusog na paglaki. May iba’t-ibang flavor ang kanilang gatas katulad ng plain, choco, mocha latte, concentrate vanilla at strawberries & cream. Nagkakahalaga rin ito ng hindi bababa sa 199 pesos.

Shop now at Anmum.com

2. Enfamama

Maaari mo ring mabili online ang Enfamama. Ang kanilang gatas ay naglalaman ng DHA, Folic Acid, Zinc,Choline, Iodine at Iron. Ang mga nutrients na ito ay mga pangunahing pangangailangan ng baby sa panyang malusog na paglaki.

“Enfamama A+ has enhanced levelof DHA designed to provide 100 mg per day to help meet the expert recom- mendation for daily DHA intake.”

Available ang Enfamama sa dalawang flavor; vanilla at chocolate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Shop now at Enfamama.com

3. Promama

Ang promama ay makakatulong rin sa healthy diet ni mommy. Ang pag-inom nito 2 times a day ay sapat na para sa nutrients na madadala kay baby.

“PROMAMA  is a delicious vanilla-flavored nutritional milk drink designed to support women during pre-pregnancy, pregnancy and lactation.”

Shop now at Promama.com

Anmum vs. enfamama? | Image from Freepik

Ano ang mga uri gatas para sa buntis?

Mayroong iba’t-ibang uri ng gatas para sa buntis. Narito ang listahan at mga dapat tandaan sa paghahanda nito:

1. Raw Milk

Maaaring inumin ng buntis ang raw milk. Pero tandaan na ito maaaring inumin agad dahil naglalaman ito ng infectious pathogens at mga hindi kailangang enzymes kasama na ang pus cells ng baka.

Kung ito ang iinumin na gatas, ‘wag kakalimutang pakuluan ito at mas maganda kung inumin ng mainit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Whole Milk

Swak sa mga buntis ang pag-inom ng whole milk. Ito ay dahil naglalaman ng 5 grams ng saturated fat at 149 calories sa isang baso.

3. Pasteurised Milk

Tandaan lang na sa pag-inom ng pasteurise milk ay kailangan pakuluan ito bago inumin ng buntis. Makakatulong ang pag-init ng gatas na ito para makaiwas sa seryosong sakit ang iinom.

Gatas para sa buntis | Image from Freepik

Mga alternatibong gatas para sa buntis

Narito ang mga alternatibong gatas para sa buntis at ang sustansyang hatid ng mga ito.

1. Cow’s milk

Ang gatas ng baka ay mayaman sa protein, fat, calcium at vitamin A. Ang 8 ounce nito ay naglalaman ng 8 grams ng protein, 25% ng calcium, 10% ng vitamin A at 25% ng vitamin D.

Nakakatulong ang vitamin D para sa pag-iwas sa  gestational diabetes. Samantalang, mapapatibay naman ng vitamin A ang immune system at mapapatalas ang vision ng bata.

Ngunit tandaan, ang lactose na galing sa gatas ng baka ay nakakapagdulot ng problema sa digestion. Kaya naman maganda kung pakuluan muna ito bago inumin.

2. Plant-based milk

Maaari ring inumin ng buntis ang plant-based type ng milk. ‘Wag mag-alala dahil ang mga gatas na ito ay lactose-free at swak sa vegetarian diet.

Narito ang ilan sa kanila:

  • Almond Milk – Kung allergic ang isang buntis sa gluten at soy, magandang gawing alternative ang almond milk. Mayroon itong Vitamin B, Vitamin E, iron, calcium, protein, fibre at folic acid. Mababa rin ang calorie at cholesterol nito.
  • Soy milk – Mayaman sa calcium ang soy milk na makakatulong sa nanay at baby nito. Makakatulong ito sa puso dahil ito ay cholesterol-free. Maganda rin itong panlaban sa cancer napapatibay ang immunity ng bata.
  • Rice at cashew milk – Maaari itong inumin ng buntis ngunit ito ay mababa sa protein, fat, vitamin, minerals at fat.
  • Oat milk – Makakatulong ito sa constipation ng isang buntis. Mayaman ito sa fibre, vitamin A, vitamin B, potassium, phosphorus, manganese at mababa sa calories.

Karagdagang ulat mula kay Teresa Alcantara

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano