4 Na gawain ng lalaking tunay na minamahal ang kanyang asawa

4 Na gawain ng lalaking tunay na minamahal ang kanyang asawa

May mga bagay na gagawin lamang ng isang lalaki para sa kanyang asawa na kanya itong tunay na minamahal. Narito ang mga bagay na iyon.

1. Tapat siya kahit ito ay mahirap.

Alam ng isang lalaki na tunay na mahal ang kanyang misis na ang pagiging tapat sa pag-ibig ay mahalaga. Hindi siya magpapanggap o magsu-sugarcoat ng mga katotohanan. Siya ay tapat tungkol sa mga simpleng bagay, tulad ng paglabas kasama ng kanyang mga kaibigan, o kaya nama kung wala siya sa mood makipag-usap. Hindi na siya magpapaliguy-ligoy, hindi rin niya itatago ang kanyang nararamdaman, dahil pinahahagahan niya at ginagalang ang kanyang asawa na hindi niya ito paglilihiman ng kahit ano man.

2. Ipaglalaban niya ang kanyang misis

Ang isang lalaking alam ang tunay na halaga ng kanyang asawa ay sinisigurong sila ay nasa parehong kuponan ano man ang kanilang pagdaanan. Hindi madali ang buhay kaya naman alam ng ang isang mapagmahal na mister ang halaga na suportado niya ang kanyang misis sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Ipagtatanggol niya ang kanyang misis at patuloy na maniniwala dito dahil sa kanyang pagmamahal para sa kanya at tanging nais niya ang pinakamabuti para sa kanyang mahal.

4 Na gawain ng lalaking tunay na minamahal ang kanyang asawa

photo: Fotolia

3. Nakikipagtalo siya sa kanyang asawa

Oo, tama ang iyong nabasa. Ang isang mister na tunay ang pagmamahal sa kanyang misis ay hindi takot makipagtalo sa kanya o sabihin na s’ya ay hindi nagiging makatuwiran. Kaya niyang harapin ang kanyang asawa, ng matatag ngunit sa mapagmahal na paraan, sa tamang lugar at oras. Ngunit mahalaga rin na hindi palaging galit o nakikipag away ang lalaki. Ang isang mapagmahal na asawa ay palaging nagnanais na maayos ang anumang kanilang pinagtalunan ng kanyang misis at mas patatagin pa ang kanilang pagsasama.

4. Tunay siyang nakikinig

Hindi na ito masasabi pa ng mas malinaw: ang isang mabuting mister ay good listeners. Nakikinig siya sa kanyang misis ng hindi sumasabat at ng walang panghuhus

Bahagi rin ng pakikinig ang pagsagot ng may malali na pangunawa at may pagpapasensya. Ang isang mapagmahal na mister ay malaki ang pagpapahalaga sa kaligayajan ng kanyang misis kaya naman minsan rin mas romantic ang pananahimik kasya sa pagsasabi ng kung ano mang mga salita ng pag-ibig.

Isinasantabi ng mapagmahal na mister ang kanyang ego, hindi siya ma-pride para hindi aminin ang kanyang pagkakamali. Bukas siya sa opinyon ng kanyang misis at palaging bukas sa pagpapabuti ng kanyang sarili at ng kanilang relasyon ng kanyang misis.

 

Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Bianchi Mendoza

READ: 3 Common toddler mistakes that amazing dads avoid doing

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Bianchi Mendoza

Article Stories
app info
get app banner