Marunong ba sa gawaing bahay si bunso? Narito ang mga chores na angkop sa edad nya

Narito ang mga gawaing bahay na maari mong ipagawa sa iyong anak depende sa kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga expert, makatutulong na maaga pa lamang ay maturuan na ang inyong mga anak ng gawaing bahay. Narito ang mga gawaing bahay para sa mga bata.

“I’ll do it myself,” laging sinasabi ng aking 2-taong gulang na anak kapag mayroon akong kinukuha para sa kaniya, tulad ng baso ng tubig o kaya ang kaniyang toothbrush.

Habang lumalaki ang ating mga anak, marami na silang bagay na natututunan. Ang mga ito ay patunay na unti-unti na silang natututong maging independent at responsable.

Kung natututo na silang gumawa ng ilang bagay para sa kanilang sarili, panahon na rin siguro para turuan natin ang ating mga anak ng mga gawaing bahay para sa mga bata.

Bakit kailangang turuan ng gawaing bahay para sa mga bata ang inyong anak?

Maliliit pa lang sila ay dapat tinuturuan na ng gawaing bahay ang ating mga anak, hindi lang para makatulong sa ating mga magulang, kundi para malaman nila ang kanilang gagawin sa pang-araw-araw kapag wala tayo sa paligid nila.

Ngunit madalas, ang pagtuturo ng gawaing bahay para sa mga bata ay sasalubungin ng pagmamaktol at pagrereklamo.

Pero ayon kay Dr. Eugene Beresin, isang psychiatry professor sa Harvard Medical School at director ng Clay Center for Young Healthy Minds sa Massachusetts General Hospital, pwede namang magbago ang pananaw ng bata sa chores o gawaing bahay kung babaguhin din natin ang ating approach sa pagbibigay at pagtuturo nito sa ating anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

  • Natututo silang magkaroon ng responsibilidad.

Ayon kay Dr. Beresin, mahalagang i-reframe ng mga magulang ang mga gawaing bahay bilang mga responsibilidad para sa mga bata. Mga responsibilidad na dapat na matutunan, makasanayan at magamit sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Dapat daw ay ipaliwanag ito sa kanila gamit ang dalawang importanteng dahilan. Una, ang paggawa ng gawaing bahay ay isang responsibilidad para mapangalagaan niya ang ibang tao sa paligid tulad ng kaniyang mga kapatid. At pangalawa, ang responsibilidad para mapangalagaan niya ang kaniyang sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Tumataas ang kanilang self-esteem.

Dahil dagdag pa ni Dr. Beresin, ang pagbibigay ng responsibilidad sa isang bata sa pamamagitan ng paggawa ng chores ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam ng pagiging special at nagkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili.

Nararamdaman ng bata na mayroon silang kontribusoyn at malaki ang papel nila sa tahanan, kumpara kung uutusan lang sila nang hindi ipinapaliwanag kung bakit kailangan nila itong gawin.

  • Natututo silang maging independent

Nakakatulong din daw ang pagbibigay sa kanila ng responsibilidad para mas maging competent, efficient at higit sa lahat ang pagbutihin o i-master pa ang kanilang mga dapat gawin.

Sa pamamagitan nito ay mas nagkakaroon sila ng respeto sa sarili at napapatunayan nilang kaya rin nilang maging responsable tulad ng kanilang nakakatandang kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang resulta, unti-unti silang natututong maging independent at nai-enjoy nila ang paggawa ng gawaing bahay. Kasama na rin dito ang pag-aalaga sa kanilang sarili at sa iba na tanda ng kanilang development at paglaki.

  • Nakakatulong ito sa kanilang development.

Ang paggawa ng mga gawaing bahay ay nakakabuti rin para masanay ng bata ang kaniyang gross motor at coordination skills. May mga chores din na nakakapagpalakas ng kanilang upper body strength.

  • Natututo sila ng life skills.

Para hindi lumaking “entitled” ang iyong anak, mas mabuting turuan siya ng gawaing bahay nang maaga para alam niya ang kaniyang gagawin kapag wala ka na sa paligid niya at hindi umaasa sa iba.

May mga pag-aaral din na nagsasabing ang pagbibigay ng chores o gawaing bahay para sa mga bata ay nakakatulong para magkaroon sila ng work ethics at self-reliance na kakailanganin nila sa kanilang paglaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Food photo created by tirachardz – www.freepik.com

BASAHIN:

“Mamaya Na!”: 3 parenting mistakes kung bakit nasasanay ang bata na sabihin ito

Dads willing humati sa bayarin pero hindi sa gawaing bahay, survey says

Why you should get your boys to do household chores

Listahan ng gawaing bahay para sa mga bata ayon sa kanilang edad

Para mas maturuan sila tungkol sa gawaing bahay, narito ang listahan ng chores o responsibilidad na maaring ipagawa o ituro sa ating mga anak na akma sa kanilang mga edad at kakayahan.

Gawaing bahay para sa mga bata: Toddlers (1-2 years old)

Maging ang maliliit na bata ay maari na ring gumawa ng mga simple tasks sa bahay. Makakatulong ang pagturo sa kanila ng maaga para matuto silang maging independent habang sila ay lumalaki.

Sa ganitong edad, nag-eenjoy pa rin ang mga bata na matuto ng mga bagong bagay at kopyahin ang ginagawa ng mga tao sa kanilang paligid. Paalala lang na dapat bantayan mo pa rin ang iyong anak habang ginagawa niya ito para makaiwas sa mga aksidente.

  • maglagay ng tubig o gatas sa kanilang baso
  • kumuha ng diaper mula sa lagayan
  • magligpit ng kanilang mga laruan.
  • maglagay ng kanilang mga maruming damit sa labahan.
  • magdilig ng mga halaman
  • Tumulong kay Mommy o daddy kapag may inuutos (paki kuha ito, o pakitapon ito)

Preschoolers (3-5 years old) | Gawaing bahay para sa mga bata

Ang mga easy at light task ay maari nang ibigay sa mga preschoolers. Dapat lang na tandaan na sila ay purihin sa kanilang job well done para sila ay mas sipagin na ulitin itong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagpapakain sa alagang aso o pusa. O paglalagay ng tubig sa inuman nila.
  • Pagtulong ng paglalagay ng mga plato sa mesa tuwing kakain.
  • Pag-aayos ng mesa matapos kumain tulad ng pagdadala ng plato sa lababo.
  • Pagbibigay ng laruan o pagpapakain sa nakakabatang kapatid.
  • Pagbubukod-bukod ng mga labahin.
  • Paglalagay ng mga natuping damit sa cabinet
  • Pagtatanggal ng damo sa garden.
  • Pagpupunas ng dumi.
  • Pag-aayos sa kanilang higaan.

Gawaing bahay para sa mga bata: School-age kids (6-12 years old)

  • Paghahain ng pagkain sa mesa.
  • Pagliligpit ng mesa pagkatapos kumain.
  • Paghuhugas ng platong pinagkainan.
  • Pagtatapon ng basura.
  • Pagtulong sa pagluluto.
  • Pagtulong sa pagtutupi ng damit.
  • Pagpapasyal sa alagang hayop.
  • Pagwawalis ng sahig.
  • Paglilinis ng kaniyang kwarto.
  • Paglalampaso ng sahig.

Teenagers (13 years old pataas) | Gawaing bahay para sa mga bata

  • Pag-aayos ng pinamiling groceries.
  • Pagbabalat ng gulay o prutas.
  • Pagluluto ng ulam o pagkain.
  • Pagsasaing ng kanin.
  • Paglalaba at pagtutupi ng damit.
  • Pamamalantsa ng damit.
  • Pagtatahi ng butones sa sira nilang damit.
  • Paglilinis ng bahay.
  • Pag-aalaga sa nakababatang kapatid.
  • Paghuhugas ng kotse o sasakyan.

Larawan mula sa Freepik

Paalala sa mga magulang

Tandaan, hindi agad magiging perpekto ang paggawa ng iyong anak sa isang task. Ang mahalaga ay nasimulan na niyang subukang gawin ito. Subukan mo ring maging specific sa iyong utos at sabihin ito nang dahan-dahan para mas madali itong intindihin ng bata.

Kung sakaling siya naman ay nagkamali, huwag siyang agad na husgahan o pagalitan. Malumanay na ipaalam sa kaniya na ang pagkakamali at ituro ang tamang paraan ng paggawa nito.

Ilagay ang paggawa ng chores sa daily routine ng iyong anak para makasanayan niya ito, pero panatiliin pa ring balanse ang pagbibigay ng responsibilidad sa kanila sa gawaing bahay, eskwelahan at kanilang komunidad.

Huwag ding kalimutang purihin o pasalamatan ang iyong anak sa tuwing siya ay nakakagawa ng maayos na gawaing bahay.

Higit sa lahat, gawing fun ang mga gawaing bahay para sa bata, at bigyan din sila ng sapat na oras na maglaro o gawin ang mga bagay na kinahihiligan nilang gawin.

Kung nasanay naman ang iyong anak na mayroong ibang taong gumagawa ng gawaing bahay para sa kaniya, hindi pa huli ang lahat. Maari mo pa rin siyang turuan at ipaintindi mo sa kaniya na kailangan niyang matutunan ito dahil magagamit niya ito sa kaniyang paglaki.

Mga tips para hikayatin ang inyong anak na tumulong sa mga gawaing bahay

1. Habang bata pa ay turuan na!

Ang mga bata ay mas malamang na tumulong kung sanay na silang magtulong mula pa sa maagang edad. Maglaan ng mga simpleng gawain na angkop sa kanilang edad at kakayahan.

2. Gawing masaya ang paggawa

I-include ang mga bata sa mga gawain sa pamamagitan ng paggawa ng mga ito na masaya at interactive. Halimbawa, maaari mong gawing laro ang pag-aalaga sa mga halaman o paglilinis ng mga laruan.

3.  Magbigay ng maliit na gantimpala o reward

Magbigay ng maliit na gantimpala o pribilehiyo bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap. Hindi ito kailangang laging pera; maaari itong maging espesyal na oras sa kanilang paboritong aktibidad o simpleng treat. Gayundin, kapag ang anak mo ay tumulong sa mga gawain, tiyaking bigyan siya ng papuri at pasasalamat. Ang pagkilala sa kanilang pagsisikap ay nagbibigay sa kanila ng motibasyon na magpatuloy.

4.  Maging magandang halimbawa

Ipakita sa iyong anak na ikaw mismo ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Kapag nakikita nilang ang mga magulang ay nagtutulungan, mas malamang na gagaya sila.

5. I-set ang expectations

Maging malinaw tungkol sa iyong mga inaasahan. I-explain kung bakit mahalaga ang bawat gawain at paano ito nakakatulong sa buong pamilya.

6.  Maging patient at supportive

Ang mga bata ay maaaring mangailangan ng oras upang masanay sa mga bagong gawain. Maging mapagpasensya at suportahan sila sa kanilang pag-unlad.

7. Magkaroon ng regular na schedule

Magkaroon ng regular na iskedyul para sa mga gawaing bahay upang makasanayan ito ng mga bata. Kapag naging bahagi ito ng kanilang araw-araw na routine, mas magiging madali para sa kanila.

8. Pakinggan ang anak

Magkaroon ng open na komunikasyon sa iyong anak tungkol sa mga gawain. Tanungin sila kung anong mga gawain ang gusto nilang gawin at kung paano nila nais na i-organize ang kanilang mga tungkulin.

Ang pagbuo ng magandang gawi sa pagtulong sa bahay ay isang proseso na nangangailangan ng oras at pagsisikap, ngunit sa tamang approach, maaari mong hikayatin ang iyong anak na maging aktibong bahagi ng mga gawain sa bahay.

karagdagang ulat ni Camille Eusebio at Jobelle Macayan