LOOK: Geoff Eigenmann, daddy of three na!

Ayon kay Geoff, walang perpektong relasyon. Katulad ng iba, marami na rin ang naranasan nilang pagsubok ng fiance. Ngunit masaya siya dahil natagpuan niya ang isang taong siguradong makakasama niya habang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang masayang pagbati para sa aktor na si Geoff Eigenmann dahil ipinanganak ng kaniyang fiance na si Maya ang kanilang pangatlong baby!

CONGRATS! Geoff Eigenmann, daddy of three na

Bago magtapos ang buwan ng Oktubre, masayang sinalubong ng aktor na si Geoff Eigenmann at fiance nitong si Maya Flores ang kanilang 3rd baby!

LOOK: Geoff Eigenmann, daddy of three na! | Image from Geoff Eigenmann Instagram

Noong October 31, proud nitong ipinakilala si Penelope Rose Eigenmann or baby "Pepper". Sa kanilang Instagram post, makikita rito si Maya habang hawak-hawak ang kanilang third baby. Ito ay may caption na,

"Penelope Rose Eigenmann “Pepper” born 10/31/20 at 11:11am. We are now a family of 5"

-Geoff Eigenmann (@g_eigenmann_)
Si baby Pepper ay ipinanganak noong October 31, at saktong 11:11 PM pa! Hindi naman maalis ang saya kay Mommy Maya na nagbahagi rin ng litrato ni Daddy Geoff kasama ang kanilang baby. "The new love of our lives, Penelope Rose" ito ang caption ng naturang Instagram post.

Mahigit isang taon nang engaged sina Maya Flores at Geoff Eigenmann. "From my girlfriend, to now my fiance. A new chapter begins," Ito ang ibinaging kataga ng aktor bilang pag-anunsyo ng kanilang engagement. Kasama rin nito ang kamay ni Maya na may suot-suot na singsing.

"It just got real! Like, diamond real. I said yes! All ready to head off on a lifelong trip to a bright future together."

-Maya Flores (@blushmaya)
Noong nakaraang taon lang ay ipinanganak ni Maya ang kanilang 2nd child ni Geoff. Ang kanilang panganay ay si Arabella Simone na nag-celebrate ng 3rd birthday noon lamang nakaraang buwan. Habang ang kanilang 2nd baby na si Angus ay nag isang taon noong June. Ngayong taon sana nakatakdang ikasal ang dalawa ngunit mas pinili muna nilang i-posponed dahil sa pandemic.

LOOK: Geoff Eigenmann, daddy of three na! | Image from Maya Flores Instagram

Geoff Eigenmann as a dad

Unang sumabak sa showbiz ang aktor na si Geoff Eigenmann sa paglabas nito sa kid-teen oriented comedy gag show na "Ang TV" sa ABS-CBN noong 1992. Dito na-develop ang kaniyang pag-arte at pagkatapos ay tuluyang nagsimula na ang kaniyang career bilang aktor. Taong 2008, bumalik ang aktor sa dati nitong network na GMA at pinagbidahan ang  SRO Cinemaserye. Sa ginawang interview kay Geoff at Maya sa morning show ng ABS-CBN na "Magandang Buhay", dito ibinahagi ni Maya kung gaano kabuti at kasibag bilang tatay si Geoff.

"Na-appreciate ko talaga si Geoff lalo na when it comes to family namin. Nakikita ko talaga siya kung paano nag wo-workhard para makita kaming masaya. Na-appreciate ko sa kaniya 'yon everyday, sobra."

Nabahagi ng aktor na simula ng siya ay maging daddy, marami ang nagbago sa kaniyang buhay. Ang mga knowledge na alam niya dati ay kailangang matutunan ulit ngayon.

"Everything I thought I knew, kinalimutan ko and I'm starting to learn the whole world all over again through their eyes."

Halos maluha naman ang mga host sa ibinahaging mensahe ng aktor sa pagiging hands-on dad nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Kung anong kailangan nila, ayun ang ibibigay ko sa kanila. Wala na akong pakialam sa sarili ko. Sa kanila na talaga 'yon. Sila na buhay ko eh, sila na talaga."

LOOK: Geoff Eigenmann, daddy of three na! | Image from Geoff Eigenmann Instagram

Ayon kay Geoff, walang perpektong relasyon. Katulad ng iba, marami na rin ang naranasan nilang pagsubok ng fiance. Ngunit masaya siya dahil natagpuan niya ang isang taong siguradong makakasama niya habang buhay.

Payo ng aktor sa kapwa niya magulang, kailangang maging ehemplo sila sa kanilang mga anak dahil hindi sapat na pangaralan sila. Ang kailangan ay ikaw mismo na magulang ang magpakita ng mabuting asal at maging "perfect example" sa iyong mga anak. "Kung ano 'yung ginagawa mo, 'yun ang gagawin nila. Hindi kung anong sinasabi mo." dagdag pa ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

ABS-CBN Entertainment

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Assunta De Rossi's baby Fiore: Meaning behind the name

Ryza Cenon, who is 5 months pregnant, says she is not yet ready to get married

Billy Crawford sa basher: "Pag ang Panginoon ang nasa gitna ng relationship mo nothing can stop it."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano